Chapter Thirty Eight

Start from the beginning
                                    

"Diba idol mo rin ako?" Nakangising sagot ko sabay taas baba ng kilay.

"HAHAHAHAHAHAHAHA" malulutong na tawa ng bata.

Hampasin kita ng pagmamahal dyan eh, ayeeee. Luh!

"Anong nakakatawa?" Kunwaring pagtataray ko para pigilan ang tawa ko, nakakahawa kasi ang tawa ng batang 'to.

"Kasi ang kapal ng mukha mo, Ma'am" maluha-luha niyang sambit.

"Aba bakit? Sino hinahangaan mong teacher aber?" Tanong ko.

"Si Ma'am Hannah" deretsong sagot nito.

-.-

"Bakit siya?" I asked.

"Bakit hindi?" She asked.

"Bakit hindi ako?" I asked.

"Bakit hindi siya?" She asked.

Pinangkinitan ko ng mata ito. Buset, bagay nga sayo maging abogado.

Tatarayan ko pa sana ang bata ng biglang nagring ang phone ko.

It was Dad.

"Dad" bungad ko.

"Hi, princess." Malambing na tugon ni dad. "I just want to remind you, bukas anniversary namin ni tita mo."

Oo pala, I almost forgot. "Pero dad, out of the country parin si tita diba?" Takang tanong ko.

"Bukas ng madaling araw dating nun dito" sagot nito sa 'kin. "Isama mo si Clay, namimiss na ng mga katrabaho niya yan"

Hindi ko na kasi pinatrabaho pa si Clay, hindi ko na pinabalik sa firm at lalong hindi ako hibang para ibalik si Clay sa shop.

"Bakit? Is it going to be a big party?" Usually naman kasi, kami-kami lang nagsecelebrate.

"One more reason why I called you" sabi nito sa kabilang linya. "I want to proposed to your tita" dugtong niya.

Nagulat ako sa sinabi ni dad, hindi dahil sa ayoko siyang magpakasal. It's just that, hindi ko maiwasan makaramdam ng kirot sa puso ko. Ibig bang sabihin nun, nakalimutan na niya si mommy ko?

"Anak?" Tawag nito sa 'kin.

"Y-yes dad, still here" mahinang sagot ko.

Bigla naman napaupo si Clay, she wiped my tears. Hindi ko man lang namalayan na tumutulo na pala luha ko. "Okay lang ba sayo, princess?" Nag-aalalang tanong ni dad.

"Of course dad, nagulat lang ako but I'm happy for you. Finally" I said.

"Wag mo sanang iisipin na nakalimutan ko na ang mommy mo" saad niya.

Hindi ko na napigilan ang iyak ko, alam kong dinig niya ang paghikbi ko kahit anong pigil ang gawin ko. Lalo naman nag-alala si Clay, I gave her a look na okay lang ako at ikekwento ko sa kanya mamaya after ng call.

"I love your mom so much, baby" sabi nito, hindi ako kumibo. "Kahit kailan hindi ko siya makakalimutan, kahit wala na siya dito lagi ko parin siya naiisip"

Nakikinig lamang ako dito. "Pinapahalagahan ko lang din ang presensya ng tita mo--"

"Dad, hindi ako against." Putol ko dito. "I'm happy, I really am. Tita is the perfect wife for you, enough na sa 'kin na marinig mula sayo na hindi mo kakaliutan si mommy" madamdaming saad ko.

He sighed. "Never in my life, I would forget your mom. How could I? She left me the most valuable treasure that reminds me of her everyday. You"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ang cheesy mo naman dad" birong tugon ko.

abCWhere stories live. Discover now