Chapter Thirty Seven

Start from the beginning
                                    

Kita naman sa mga mata nito ang pagkamangha sa taong nasa likuran ko. "Andyan ba si Ma'am?" Kuha ko sa atensyon ni Jayson.

"Ah oo, kanina ka pa nga hinahanap" sumbong nito sa 'kin.

Tumango ako saka lumingon kay Camilla.

"Sige na, love. Work ka na" nakangiting sabi nito saka ako nilagpasan para maghanap ng mauupuan.

Napakamot naman ako ng ulo, ano ba kasing ginagawa mo dito? Kinikilig ka naman.

Tumungo na ako sa loob para palitan ang damit ko.

"Clay" tawag sa 'kin ni Ma'am Shaina.

"Po?" Sagot ko habang sinasara ang locker ko.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba pagod sa school? Pwede ka naman mag-rest muna"

Napangiti ako sa pag-aalalang pinapakita ng boss ko sa 'kin. "Okay lang ako, Ma'am. Kaya ko po"

Tumango ito saka lumapit sa 'kin. "Basta if pagod ka na, you can rest anytime" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Ayokong bigyan ng malisya pero ramdam ko sa haplos ng mga kamay nito sa 'kin na may iba itong gustong ipahiwatig.

"S-sige po, Ma'am. Thank you" sabi ko.




Naiilang ako magtrabaho, dahil pansin ko nakapako ang tingin ni Ma'am Shaina sa 'kin. Mas lalo naman akong naiilang kasi kita ko paniningkit ng mga mata ni Camilla sa direksyon ng boss ko.

"Clay" tawag sa 'kin ni Camilla.

Lumapit ako dito. "May oorderin pa ba kayo, Ma'am?"

"Sino yun?" Tanong nito sabay turo sa direksyon ni boss gamit nguso nito.

"Boss namin" tipid kong sagot.

"Hindi ka na papasok dito bukas" kunot noo niyang sinabi.

"Camilla--"

"Clay" tawag ni Ma'am Shaina. "Is everything okay here?"

Tumango ako bilang sagot.

"Ma'am, may kailangan pa po ba sila? Pasensya na po ha, bago pa lang kasi 'tong si Clay namin" magalang na sabi ng boss namin.

Napalunok ako ng makita kong tinaasan ng kilay ni Camilla si Ma'am Shaina.

"Clay niyo?" Pagtataray nito.

Hindi naman nagpasindak si boss, tumaas din ang kilay nito saka nag-cross arms. "May problema ba dun, Miss?" Tanong nito kay Camilla.

Tingin kay boss, tingin kay Camilla. Tingin kay Camilla, tingin kay boss ang tanging nagagawa ko.

Jusme.

"Meron" sagot nung isa saka tumayo. "Clay is mine"

"Camilla" tawag ko dito kasi nagsukatan na ng tingin ang dalawa.

"Clay let's go" aya nito sa 'kin.

Hindi ako kumibo, hindi ko alam anong gagawin ko. Ayokong iwan trabaho ko pero ayoko naman pahiyain si Camilla sa harapan ng boss ko.

"Clay" muli niyang tawag sa 'kin.

Napayuko ako nung tinignan niya ako, ayokong makitang nasasaktan siya.

Mag-papaalam na sana ako sa boss ko ng mapansin kong wala na sa harapan namin si Camilla, lalabas na sana ako para sundan siya pero pinigilan ako ni Ma'am.

"Is that true?" Tanong nito sa 'kin.

I want to say no pero parang may nakabarang ewan sa lalamunan ko.

"Clay, totoo ba yun? May relasyon kayo ng babaeng yun?" Muli nitong tanong sa 'kin.

Bago pa man ako makasagot, muli itong nagsalita. "Layuan mo yung ganong tao, makakasama lang sayo yun"

Hindi ko maiwasan makaramdam ng inis sa sinabi niya. "Hindi siya masamang tao" depensa ko.

She laughed. "Hindi mo ba nakita kung paano siya umasta kanina?" Tanong niya.

Oo nakita ko, at alam ko rin ang rason niya kung bakit ka niya tinarayan.

She was jealous, as always.

Selosa si Mio.

"Ma'am aalis na po ako" paalam ko dito.

Hindi niya parin binibitawan ang braso ko. "Ma'am" muli kong tawag saka tumingin sa kamay nito.

Huminga siya ng malalim saka binatawan ang braso ko, mabilis kong tinungo ang pintuan at napahinto ako sa sinabi ng boss ko.

"Pwede ka parin bumalik dito, kung gusto mo pa" sabi niya.

Tumango ako saka ngumiti dito.







Kanina pa 'ko naglalakad, wala akong makitang Camilla sa paligid. Baka sumakay na ng taxi yun, na-guilty naman ako bigla.

Palakad na 'ko pauwing boarding house.

"Aray!!!" Reklamo ko. "Bakit mo 'ko binatukan?!" Galit na tanong ko dito sa Camilla na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Gago ka! Pinahiya mo 'ko dun!" Singhal nito sa 'kin.

"Wala nga akong ginawa" Sabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Ayun na nga eh, wala kang ginawa" may bahid ng pagtatampo sa boses nito.

I sighed. "Sorry na, sasama naman talaga ako eh"

Tinignan niya ako. "Talaga?" Tanong nito.

Tumango ako. "Kaya nga ako andito diba? Wala sa shop"

Ngumiti naman ito ng pagkatamis tamis saka ako niyakap.


Namiss ko 'to, Camilla. Namimiss kita, araw-araw.

"Uwi na tayo, love" sabi nito habang nakayakap sa 'kin.

"Andito na tayo, ayun na boarding house ko" turo ko dito.

Kumalas siya sa pagkayakap. "Hindi ka naman diyan uuwi" sabay hatak sa kamay ko.


Imbes na magprotesta ako sa ginawa niya, napangiti na lang ako.



----------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites




abCWhere stories live. Discover now