Chapter Thirty Seven

Start from the beginning
                                    

"Huh? Anong chip?" Takang tanong niya.

"May chip ka dapat kapag sumasakay ng jeep, yun ang pinambabayad dito" pangloloko ko sa kanya.

Hindi mo pala first time ha. "Ahm, naiwan ko ata Clay" kabadong saad nito.

Kinakagat ko naman ang dila ko para hindi matawa sa itsura ni Camilla. "Eh paano yan? Hindi ka makakababa hanggat wala kang pinapakitang chip sa driver" pananakot ko, kita ko naman ang pailing iling sa ilang mga pasaherong nakakarinig sa 'min.

"I'll pay it in cash na lang" she said while crossing her arms.

"Bawal, Camilla. Ipapahamak mo pa ang driver" sabi ko.

"At bakit?"

Ayan, isip ka ng dahilan.

"Bawal na cash, iwas sa mga nang hoholdap" pagsisinungaling ko.

Tinignan niya ako ng masama. "Ako ba Clay eh pinagloloko mo?"

Umiling ako. "Hindi"

A few seconds past, inilabas ni Camilla ang phone niya.

She was calling someone.

"Hello, Dad" bati nito sa kausap. "May chip ka ba dyan?"

Namilog ang mga mata ko sa narinig ko. "A-ah Camilla" tawag ko.

"Saglit, love"

Para naman akong hihimatayin sa mga kinikwento ni Camilla sa tatay niya.


"I see, okay dad" pamamaalam nito.

I was anxiously biting my nails, ibinaba niya ang phone sabay pinako ang tingin nito sa 'kin.

Patay.

"A-ah b-bayad na tayo, Camilla" sabi ko dito sabay kagat sa labi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay na parang nag-aantay ng explanation pero di ko ito pinansin.

"Kuya, para na po" sabi ko sa driver.

Bumaba na 'ko at sumunod naman si Camilla. "Clay!!!"

Hindi ko parin siya pinansin at nagmadaling maglakad patungong coffee shop, papatayin ako nito eh.

"Clay Madison!"

Naku, buong name na.

"Aquino!!!"

I stopped.

Lumingon ako sa kanya, namumula ang mukha nito sa galit.

"Sorry" sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

Hinablot niya ang braso ko kaya napalingon ako dito. "Sorry lang, Clay?" Tanong niya.

May iba pa ba akong dapat sabihin?

"You'll pay for what you did" seryosong saad niya.

"Magkano ba?" Iritang tanong ko sabay tingin sa relo ko.

Umiling siya. "Hindi magkano, kundi ano" sabi niya.

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Anong ibabayad?"

She smirked saka tinignan ako mula ulo hanggang puke. "Ang halay mo" pagtataray ko dito.

Natawa ito. "Kasalanan mo yan"

"At paano naging kasalanan ko ang pagiging mahalay mo?" I asked.

"Sayo lang, kaya nga kasalanan mo. Kasi masarap ka" she said sabay kindat sa 'kin.

Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko, kaya naman nagmadali na 'kong pumasok ng coffee shop.

"Hello Clay!" Masayang bati ng kasamahan ko sa trabaho.

abCWhere stories live. Discover now