Chapter Thirty Four

Comenzar desde el principio
                                    

Umiling ako. "Hindi, love. Aayusin ko 'to" saad ko dito.

"Ayoko na" deretsang tugon niya habang malamig na tinitigan ang mata ko.

Lalo naman bumagsak ang mga luha ko, lumuhod ako sa kanya. Wala akong pakialam sa pride ko, kaya kong isuko lahat pero hindi ko kayang sukuan si Clay.

"Love please, wag mo 'ko iwan." Pagmamakaawa ko dito.

Akap-akap ko ang mga binti nito. "Hindi ko kaya, Clay"

Hindi siya kumikibo. "Gawin mo na lahat ng gusto mo, sampalin mo 'ko, sabunutan mo 'ko." Sabi ko dito. "Saktan mo 'ko Clay" muling utos ko sa kanya.

"Hindi ko kaya" mahinang sagot niya. "Hindi ko kayang gawin ang ginagawa mo sa 'kin"

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya, tanga mo kasi Camilla! Lagi mo na lang nasasaktan si Clay! Akala ko ba mahal mo 'to?

I pressed my lips together para hindi kumawala ang ingay ng iyak ko, hawak-hawak ko naman ang kaliwang dibdib ko. Pakiramdam ko kasi lalabas na ang puso ko.

"I-I'm s-o-rr-y"

Nauubusuan na ata ako ng hangin sa katawan, hirap na 'ko magsalita. Ang sakit sakit!

Walang kibong nilisan ni Clay ang unit ko.

Sumalampak ako sa sahig saka umiyak na parang batang naiwanan ng ina.

"Camilla" lapit sa 'kin ni Sam. "Ano nangyari?" Tanong nito.

"Anong nangyari?" I mocked as I wiped my tears away. "Hindi ko alam anong nangyari! Yun ang nangyari!" Sigaw ko dito habang umiiyak.

Mukhang naguguluhan siya sa 'kin, naguguluhan din ako sa nangyari. "Tell me, bakit ka andito? How did you know kung saan ako nakatira?" Tanong ko dito habang pilit na pinapakalma ang sarili.

"I called Hannah, I insisted na ako na lang ang maghahatid sayo" malumanay na sagot nito.

"Ano ba nangyari, Camilla? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalalng tanong nito.

"M-may nangyari ba?" Tanong ko. "May nangyari ba satin?" Saka ito tinignan sa mata.

"Wala, Camilla" sagot nito.

Pinagmasdan ko ang mukha niya para tignan kung nagsasabi ito ng totoo. "You passed out, hindi naman ako rapist" depensa nito.

Mukha naman nagsasabi ng totoo ang babaeng ito, at gaya ng sabi ko kanina. Wala akong maramdaman na may ginawang panghahalay kagabi.

"Bakit ka nakahubad?" Usisa ko.

Mahinhin siyang tumawa. "Nakalimutan mo na ba na hindi ako natutulog ng may saplot sa katawan?"

Oo, Sam. Nakalimutan ko, kasi kinalimutan na kita. "Umalis ka na" sabi ko.

"No, sabihin mo muna sa 'kin kung bakit ka nagkakaganyan"

Inis kong tinignan ito. "Pwede ba? Stop acting na parang concern ka sa nararamdaman ko" bulyaw ko dito.

"Concern ak--"

"Shut up, Sam!" Sigaw ko saka napatayo. "Mamamatay ka na ba at naglilinis ka na ng konsensya ngayon?" Pagtataray ko dito.

Tumayo siya saka malungkot na tinignan ako. "Yes"

Napakunot naman ako ng noo sa narinig ko. "Ano?"

Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Stage 4, lung cancer" she said and gave a weak smile.

Fuck!

Now I feel like a total asshole! "I'm sorry, Sam" napayuko ako sa hiya.

Lumapit ito sa 'kin saka hinawakan ang magkabilang braso ko. "No, I'm sorry" sabi niya. "I'm sorry for hurting you before" dugtong nito.

Napatawad na kita, simula ng dumating ang bata sa buhay ko. Nawala na lahat ng galit ko sayo.

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. "Mind sharing me what happened earlier?" Pakiusap nito.

Tumango ako saka tinungo ang couch, umupo ako at ganon din siya.

"Nakita tayo ng girlfriend ko" panimula ko dito.

Namilog ang mata niya. "Bakit hindi mo 'ko ginising? Sana natulungan kitang mag-explain" paninisi nito sa 'kin.

Hayop, basag na basag na nga ako. Ipapamukha pa sa 'kin na kasalanan ko kung bakit ako durog ngayon.

"Malay ko ba na walang nangyari, wala akong maalala" tugon ko saka huminga ng malalim.

"Is she mad?" Tanong niya.

Pasalamat ka't mamamatay ka na, kundi na kutusan na kita. "Malamang, kaya nga ako umiiyak diba?" Pilosopong sagot ko.

Hindi siya sumagot. "Nakipaghiwalay nga sa 'kin" sumbong ko dito.

Hindi ko siya sinundan kanina kasi alam kong sarado ang utak niya ngayon sa galit, pero hindi ibig sabihin nun pumapayag ako sa gusto niya. Lalo pa't nakumpirma kong walang nangyari samin ni Sam.

Hinawakan niya kamay ko. "I'm really sorry" sinserong sabi nito.

"Wala kang kasalanan." Sagot ko.

"So anong plano mo?" Tanong nito.

Ngumiti ako sa kanya. "Liligawan ko ulit yung bata"

"Bata?" Takang tanong nito.

Napakamot naman ako sa batok ko, bakit ba kasi ang daldal ko. Safe naman na siguro na sabihin sa kanya diba? Mamamatay na nga raw siya eh, maaawa ka naman!

Don't get me wrong here, I feel bad for her. I have the same sympathy with her as I have with those terminal ill patients that I don't know. Kahit may pinagsamahan kami, magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong I still look at her the same way I used to. Kasi hindi na, she's nothing but a stranger to me now.

All my concerns are with Clay. "Y-yeah. Bata tawag ko kasi 18 pa lang yun"

"Dirty old lady" she playfully said.

Hinampas ko naman ang braso nito. "Totoo na ba yan?" Tukoy ko sa balita niya. "Wala na bang lunas dyan?"

Nakangiting umiling ito sa 'kin. "Tanggap ko naman na din, kaya nga ginagawa ko na lahat ng gusto ko bago ko makita si God" nakangising sagot nito.

Your words may fool me, Sam. But your eyes can't.

Malungkot ang mga mata nito, nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko.

Hindi ko pinakita na naaawa ako sa kanya. "Paano ka naman nakasisigurong sa langit ka pupunta?" Pabirong saad ko.

Ngumuso naman ito sa 'kin kaya naman napatawa ako. "Yan, yan lang bagay sayo." Turo nito sa labi ko. "Keep smiling, keep laughing. Choose to be happy, always" madamdaming hayag niya sa 'kin.

I still wish na sana humaba pa ang buhay mo, hindi ko naman pwedeng hilingin na sana wag kang mamamatay kasi lahat naman tayo papunta dun. Umusog ako ng kaunti saka niyakap si Sam, she hugged me back.

"Gagaling ka, tiwala lang kay God" sabi ko sabay ng pagbagsak ng luha ko.

Dinig ko rin ang mahinang iyak ni Sam, kaya naman lalo ko itong niyakap ng mahigpit.

----------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCDonde viven las historias. Descúbrelo ahora