She glide her tongue on to her lips, at bahagyang kinagat ang labi nito.

Napakagat din ako sa nakita ko, tama bang akitin ako?

"Namatay siya sa sakit" walang ganang sagot nito.

"And your dad?" Muli kong tanong, minsan lang sumagot ito. Lubus-lubusin ko na.

Bigla naman nagbago ang aura nito nung binanggit ko ang tatay niya, makita ko yung lungkot sa mata niya. Mababasa mo rin ang sakit at takot sa mga mata nito.

Alam kong ilang siya, pero hindi na kita pipigilan ngayon love.

"P-pinatay nila" takot na sagot nito.

Bigla naman ako nakaramdam ng sisi sa pag-usisa sa buhay niya, naiintindihan ko na kung bakit ayaw niya itong pag-usapan.

Ang dami ko parin katanungan, gusto kong malaman kung ano nangyari, paano nangyari. May nanagot ba sa nangyari, kung wala pwede ako humingi ng tulong kay dad.

Hindi ko na tinuloy pa ang tanong dito at niyakap ko na lang siya. "I'm sorry, love"








30minutes na lang bago mag-sembreak, currently waiting for the last batch of students to finish their exam.

Ano kaya plano ni Clay? Well, kung wala siyang plano. Ako ang gagawa, naexcite naman ako bigla.

Simula nung exam week, hindi ko na pinapasok si Clay sa work. Ayokong ma-stress siya at mapressure sa oras, okay lang naman kay daddy. Pwede na nga daw hindi pumasok ang bata eh, kaso knowing Clay Madison. Hindi papayag yun.

"Guys, time is up. You may leave your papers on your desk and have a good break" nginitian ko ang mga bata.

I took my phone out and texted Clay.

To: Love💦
How was your exam, love?

Iniwan ko muna ang phone ko para icollect ang mga naiwang exam papers ng mga bata. I heard my phone beeps, alam kong kay Clay galing yun kasi may special alert si bata sa 'kin.

Binasa ko ang text niya.

From: Love💦
🐣🐣🐣

"Hahahaha" napahalakhak ako sa reply ng bata.

Simula nung binili ko ang phone niya, pinilit ko siyang gumamit ng emojis.

Todo kontra ang isa syempre, bakit daw kasi kailangan ng mga yun.

Kagat labi 'kong tintype ang sasabihin sa kanya.

To: Love💦
Love, sabi ko lagyan mo ng emojis ang text mo. Hindi emojis lang ang isasagot mo.

Napapailing ako, she never fails to amuse me.

From: Love💦
😏😏😏

To: Love💦
Love, isa.

From: Love💦

To: Love💦
Clay, dalawa.

From: Love💦

Asar!!!!

Calling Love💦......

"Oh?" Sagot niya sa kabilang linya.

Sweet niya no?

"Ano ba yung mga texts mo ha?" Naiinis ako sa sarili ko, dapat pinapagiltan ko siya pero eto ako ngayon. Natatawa sa mga kalokohan niya.

Narinig ko lamang ang mahinang tawa nito sa kabilang linya.

"Asan ka na? Kita tayo sa parking lot?" Tanong ko sa kanya.

"Sige" tipid niyang sagot. "Anong sige? Asan ka?" Asar na tanong ko.

"Uy Clay!" Dinig ko sa kabilang linya. "Sama ka sa mall?" Tanong nito sa bata.

Boses pa lang, kilala ko na kung kanino yun.

"Hoy Clay, subukan mong sumama dyan" pagbabanta ko.

"May gagawin ako eh" sabi ni Clay dun.

"Ikaw o kayo?" Natatawang tanong nung Althea. "Osya, una na 'ko. Kitakits na lang" pamamaalam nito.

"Matagal ka pa ba dyan?" Balik ng atensyon niya sa 'kin.

"Bakit? Nasa parking lot ka na?"

"Kanina pa" sagot nito na parang nababagot na.

"Going na, love" sagot ko sabay baba ng call.

Dali-dali kong kinuha ang mga papel saka binitbit papuntang faculty.


"Love, anong gagawin mo sa bakasyon mo?" Tanong ko dito, habang akap-akap siya.

Kakatapos lang namin mag-shower, kasalukuyang nakasandal ako sa headboard ng kama ko at nakasandal naman sa 'kin si Clay.

Lumingon siya sa 'kin. "Nag-paalam na ako kay sir, sabi ko uuwi ako ng probinsya" saad nito.

"Nag-paalam ka sa tatay ko pero sa 'kin hindi?!" Pinandilatan ko ito.

"1week lang na--"

"Clay! Ang point is, hindi ka nagsabi" nakakatampo naman!

"Sorry na, Mio" sabi niya saka lumabi.

Bibigay na yan.

"Sasama ako"

"No!" Mabilis na sagot nito.

"Bakit?" Tanong ko. "May tinatago ka ba Clay?"

Kita ko ang pagbago ng ekspresyon sa mukha niya, she's worried.

Of what, Clay? "So may tinatago ka nga?" Muli kong tanong sa kanya, napalunok naman ito.

"May asawa ka ba dun? O baka naman may anak ka na?" Usisa ko dito. "Sabihin mo na, Clay"

"Hahahahahahaha"

Bigla niya akong tinawanan.

"Ano nga kasi?!"

"Mmmm!" Protesta niya, tinakpan ko kasi bibig nito.

"Sagutin mo 'ko ng maayos, wag mo 'kong tatawanan lang" saad ko.

Tumango naman ito, kaya inalis ko kamay ko sa bibig niya.

"Brutal mo" nakangusong sabi nito.

"Sagot"

"Hindi ka pwedeng sumama dun--"

"Kasi?"

"Makikipagkita ako kay ate--"

"So?"

"Hindi ka niya kila--"

"Pakilala mo 'ko"

"Hindi nga pwe--"

"Bakit?"

Hindi kita titigilan, Clay.

"Mio, next time na lang." Sabi niya saka niyakap ako.

Dyan, dyan ka magaling. Alam mong kahinaan ko 'to, inaabuso mo naman. "Bakit nga, love?" Hirit ko.

"Hindi pa 'ko handa" sagot niya.

Tinignan niya ako na parang humihingi ng tawad, ano pa nga ba Clay. Asar!

"Araw-araw mo akong iuupdate, naiintindihan mo?" Utos ko sa kanya.

Jusme, baka ma-Sam all over again ako dito. Pumunta lang ng probinsya, eh kinalimutan na 'ko.

"Opo!" Sagot niya sabay saludo.

Napangiti ako, puro ka kalokohan. "Kiss mo nga ako" muli kong utos.

Sinunod naman niya ang utos ko, nagulat siya ng bigla ko siyang itulak pahiga.

"Humanda ka, love. 1week ka pala mawawala ha"

Round one.

-------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCWhere stories live. Discover now