Chapter Twenty Eight

Start from the beginning
                                    

"Camy, sa nakikita ko. Hindi ganon kababaw ang pagmamahal nung bata sayo, kaya alisin mo yang nasa utak mo. Hindi siya mawawala sayo, ginagawa niya lang din kung ano yung dapat. At ginagawa niya ito para sayo" paliwanag niya sa 'kin.

Napangiti ako sa sinabi niya, tama siya. She's doing this for me, to protect me. I should be thankful instead of doubting her feelings. "You're right, Hannah" nakangiting sagot ko.

"Always" tugon niya sabay kindat. "Tara na, break is almost over" aya nito.

Tumango ako, saka naglakad papuntang classroom ko.








Naglalakad ako ngayon sa mall, kailangan ko kasi bumili ng phone.

Pumasok ako sa orange store. "Hi Ma'am, ano po kailangan nila?" Kailangan ko si Clay. "Phone" tipid kong sagot.

"Eto Ma'am, eto latest ngayon" masiglang sabi nito sabay abot sa 'kin ng gadget.

Mukhang okay naman. "Sige miss, bigyan mo 'ko ng tatlo nito" I've decided to get three, para isa kay Clay. Isa sa 'kin, at isa ulit sa 'kin. Just incase masira ang isa, mabuti ng handa. Paranoid?

Habang inaantay ang unit, biglang may nagsalita sa likod ko. "Cam? Is it really you?" Di makapaniwalang saad nito.

Lumingon ako. "Aly, hi" bati ko sa kanya.

Matagal narin nung huling nakita ko siya, she changed a lot. Parang may kakaibang glow sa mukha nito, ramdam ko ang pagkailang nito. I can't blame her, kidding. Of course, I blamed her. She's the reason why we didn't end on a good note, but past is past.

"Hi" hiyang bati nito sa 'kin sabay yakap.

"Blooming ka ngayon ah" biro ko dito.

Naging kaibigan ko din naman kasi 'tong si Aly, though we did things a normal friends wont do. Still, naging mabuting kaibigan din naman siya sa 'kin.

"Obvious ba talaga?" Natatawang tanong nito.

"Yes, who's the luckless one?" Nakangising tanong ko dito.

Tumawa naman ito. "Si Romeo" sagot niya.

"Aba, nagbalik loob ka" biro ko ulit dito habang tinaas baba ang kilay ko.

"Haha! I have to, I'm pregnant" proud niyang sinabi.

Namilog naman mata ko sa gulat. "Seryoso?"

Tumango ito. "12weeks, actually" masayang sabi niya.

Hindi ko naman napigilan sarili ko at bigla ko siyang niyakap, I'm genuinely happy for her. "Congrats, Aly"

She hugged me back. "Thank you, Camy"

Kumalas ako sa pagyakap saka 'to nginitian. "So, kailan ang kasal?" Usisa ko.

She bit her lips, na parang nahihiya. "Kasal na, last week lang. Madalian nga eh and we're not okay kaya--"

"Basta sa binyag, hindi pwedeng hindi ako invited" putol ko dito.

Ayoko narin kasi talagang balikan pa yun, ang daming bad memories nun. Dahil din dun, nakilala pa ni Clay yung mga taga Batangas. Okay lang sana kung si lola at tito lang, kaso may isang asungot dun.

Tumango ito. "Ngayon pa lang, sinasabihan na kita. Ikaw ang isa sa mga ninang nito"

Nakakatuwa naman, first time kong maging ninang sa isang bata. Ang tagal naman kasi nila Hannah, naunahan pa tuloy sila ni Aly.

Well, okay lang naman. Kailangan ko ng maraming flower girls, nangarap ka na naman.

"Ma'am eto na po" abot ni ate sa 'kin ang pinamili ko.

abCWhere stories live. Discover now