Chapter Twenty Five

Começar do início
                                    

Pero nangingibabaw parin sa 'kin ang kaligayahan ng taong tinuring akong isang anak, at the back of my mind still I wish that one day. One day, he will reunite with his children.

He's a great man, a loving father. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya iniwan ng ina ng mga bata, ang masaklap pa nito isinama lahat ng kanyang mga anak.

"Ayaw mo bang subukan ulit?" I asked.

He lost his will in finding his daughters, mahabang panahon ang ginuhol niya sa paghahanap sa mga anak niya. Oras, pera at pagod.

He shook his head and gave a bitter smile. "She was what? The 3rd one?"

Clay was actually the third person na na-encountered namin that has eyes like his.

I saw how he got his heart broken, twice. His hopes were high sa t'wing may ganitong pagkakataon, but everything shattered the moment na lumabas ang DNA results.

"And besides, kung siya man ang nawawala kong anak. Hindi mo siya maliligawan" birong sabi nito sa 'kin.

"What?! Dad naman!" Pagmamaktol ko dito.

Tumawa siya, his laughs were contagious. Natatawa narin ako sa kanya.

Ang awkward nga naman nun, kung siya nga anak ni dad eh di magkapatid kami nun. Pero, hindi naman ako tunay na anak ni dad eh.

I shook my head in disbelief, dati ayokong isipin na hindi ako totoong anak ni dad. Dahil lang kay Clay, nagagawa kong magisip ng ganto.

"Liligawan mo ba?" Seryosong tanong nito.

Liligawan ko ba? Kaya ko ba? Never pa akong nanligaw, I can get girls in just a snap.

"I d-dont know how" nahihiyang sabi ko dito.

Inaantay ko ang tawa niya, pero hindi niya ako tinawanan. Instead, he placed his hand on my shoulder na para bang sinasabi niyang I-got-your-back.

I smiled at him.

"Wag mo lang sasaktan ang batang yun, kundi--"

"Lagot ako sayo?" Putol ko sa kanya.

Ngumiti ito saka umiling. "Lagot ka sa lola mo"

Natawa kami pareho sa sinabi niya, oo nga naman. Malalagot ako kay lola, kaibigan ng lola ko yun eh.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ni dad ng tumayo sa kinauupuan niya.

"Hindi pa dad, mauna ka na" sabi ko dito.

Tumango lang ito saka naglakad papasok.

"Iñigo" tawag niya sa 'kin, kaya napalingon ako sa gawi niya. "You don't get to choose on when, where, how or who to fall in love with. Loving means taking all the risks, kahit hindi mo alam ang magiging sagot. Kahit malabo ang nasa dulo nito, you take that chance. Be brave, son" tugon nito saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

I sighed. "Be brave, Iñigo"

------------------------------------

Camilla's POV

Kunot noo kong binabaybay ang daan, asar kasi yung preskong lalakeng yun. Akala mo kung sinong gwapo, gwapo naman talaga eh.

"Shut up!"

"I'm not saying anything" sagot ng bata.

Dapat kasi tinatahi ko na 'tong bunganga ko eh.

"Hindi sayo yun" pagtataray ko para matakpan ang kahihiyan na ginawa ko. "Wag mo akong tignan ng ganyan"

Tinitignan niya kasi ako na parang isang takas sa mental, malapit na.

Minsan, naaawa ako dito kay Clay. Sa kanya ko kasi nababaling ang galit ko na dapat sa mga taong nagpapapansin sa kanya, buti na nga lang hindi ako sinasabayan ng bata. Hindi niya pinapatulan ang pagtataray ko, kahit saksakan ng kasungitan ang babaeng 'to.

Teka lang, masungit siya sa 'kin. Pero bakit sa iba hindi? Hindi niya sinusungitan si Althea, si Hannah at yung Batangas people. Except dun sa Jolly, yung kasamahan niya sa boarding house. Joey yun, alam ko naman nagseselos siya nun kaya nagsungit ang bata.

"May tanong ako" pukaw ko sa atensyon niya.

Tumingin ito sa direksyon ko at tila inaantay ang tanong ko. "Bakit sa 'kin ka lang nagsusungit?"

"What do you mean?" Naguguluhang tanong nito.

I sighed. "Pansin ko, pansin ko sa iba ang bait mo. Pero sa 'kin, tinatarayan mo ako"

Narinig ko ang mahinhin niyang tawa, hindi naman nag-abalang magpaliwanag ang bata at binaling sa kabilang direksyon ang ulo nito.

"Clay, I'm asking you" asar na sabi ko.

Hindi siya kumibo.

"Clay" muli kong tawag dito, pero hindi niya parin ako pinapansin.

Nawalan na ako ng pasensya, mukha naman wala akong makukuhang sagot mula sa kanya. Hindi ko na siya kinulit pa, huminga ako ng malalim saka ito pinakawala.

"Hindi ko sila pwedeng sungitan, hindi naman sila ang nag-nakaw nito sa 'kin" turo niya sa puso niya habang nakatingin sa labas.

Naman oh!!!!!! Pwede bang kiligin?!!!! 😍😍😍

I bit my lip as I smiled.

Hindi na ako sumagot pa, ayoko kasing mapahiya ang bata. Madalang ang gantong pagkakataon, hindi kasi siya expressive sa words. Pero ramdam mo ang pagmamahal niya through her actions, yun naman ang mahalaga diba? Pero minsan masarap parin pakinggan.

"Love" nilandi ka lang ng very light, love na tawag mo?

"Hmm?" Sagot niya.

Malapit na kami makarating sa condo, kaya inabot ko na yung isang regalo ko.

"Ano 'to?" Tanong niya.

"Box?" Sarkastik kong sagot, kasi naman hindi na lang niya buksan.

She rolled her eyes on me, kaya natawa ako. "Buksan mo kasi"

Binuskan niya ang maliit na kahon, kunot noo niyang tinitigan ang laman nito. "Susi?"

"Yes, love" masayang tugon ko.

"Para saan?" Takang tanong niya.

I smiled sweetly. "Susi ng condo ko, condo natin. You now have all the access"

Her lips were slightly opened, as she tries to absorb the things I just said.

She's too damn adorable!

"S-sigurado ka?" She asked.

Tumango ako. "Oo naman, kung pwede nga dun ka na tumira eh" seryosong saad ko.

I parked my car, nakatitig parin si Clay sa susing binigay ko.

She was smiling, it made me smile too.

"Thank you" she said as she unbuckled and gave me a tight hug.

I hugged her back.

We stayed in that position for about a minute. "Masaya ka ba, Clay?" I asked.

"You have no idea, Mio" she answered.

We sealed it with a kiss. 💋

-------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCOnde as histórias ganham vida. Descobre agora