Chapter Twenty Four

Start from the beginning
                                    

I hugged her tight, kinakagat kagat naman niya ang leeg ko. "M-mio, ligo ka na. Baka gabihin tayo, may dadaanan pa tayo" pagputol ko dito at baka saan na naman mapunta 'to.

She took a step back at kunot noo niya akong tinignan. "May dadaanan tayo?"

Tumango ako. "Opo, bisitahin natin yung kaibigan ko"

Dumilim ang mukha nito. "Talagang bibisitahin mo yung driver na yun?" Hindi makapaniwalang saad nito.

"Yung lola niya ang bibisitahin ko" depensa ko.

"Ayoko" she crossed her arms and looked away.

"Mio, mabait si lola. If it wasn't for her, baka saan na 'ko napadpad nung gabing yun" pagkukumbinsi ko.

Lumambot naman ang ekspresyon ng mukha niya. "Yung lola lang talaga ang bibisitahin mo Clay ha" paniniguro niya.

Masaya akong tumango dito, binigyan naman niya ako ng tipid na tango na pumapayag na siya sa gusto ko.

I kissed her forehead.

Mahal na mahal kita, Camilla. "Ligo ka na, alam kong matatagalan ka sa banyo" tulak ko dito.

"Oo na" natatawang sagot nito.














"Hija!" Masiglang bati ni lola, almost 1pm na kami nakarating sa bahay nila.

Camilla insisted na mag-lunch na muna sa resort bago bumyahe.

"Mano po, la." Nag-mano ako dito, ganon din ang girlfriend ko. "Nga po pala, si Camilla. K-kaibigan ko" pakilala ko sa kasama ko.

Tinignan ako ni Camilla ng nakangiti, ngiting may halong pagbabanta. Yumuko ako kasi nakakasakal ang titig nito.

"Ang gandang bata" saad ng matanda, kita mo sa mga mata nito ang paghanga kay Camilla.

Napangiti ako, she is gorgeous. Suntok sa buwan ang mapansin niya ako kaya naman para parin isang magandang panaginip ang malamang mahal niya ako.

"Naku po, lola. Sa inyo po nababagay ang salitang yun, walang kupas ang ganda niyo" tugon ni Camilla.

Nagtawanan ang dalawa, naputol ito ng dumating si Iñigo.

"Well, well, well. Look who decided to pay me a visit" mayabang na sabi nito, flashing his pearl white teeth.

Tinignan ko si Camilla, nakataas ang isang kilay nito na tila handa ng tarayan si Iñigo.

"Iñigo, si Camilla" pakilala ko.

Tumingin si Iñigo sa kasama ko, tinignan niya ito mula ulo hanggang paa at patango tango na parang gusto niya ang nakikita niya.

Nakaramdam naman ako ng galit sa ginawa niya, alan kong sadyang mapaglaro lang siya pero hindi ko maiwasan ang hindi mainis.

Akin lang si Camilla.

Inabot ni Iñigo ang kamay nito. "Iñigo, the handsome prince"

"More like the preskong prince" bulong ng isa saka inabot ang kamay.

Iñigo smiled. "Magkapatid ba kayo? Both of you look gorgeous"

"Nope" tipid na sagot ni Camilla.

"Magkaibigan sila hijo" sabat ni lola.

Tumango si Iñigo.

Dinala kami ni lola sa likod ng bahay nila, namangha kami ni Camilla sa nakita namin. Ang lawak ng lugar nito, maraming malalaking puno ng mangga sa likod. Punong puno ng halaman ang paligid an siyang nagbibigay ng malamig na hangin.

abCWhere stories live. Discover now