Chapter Twenty Two

Start from the beginning
                                    

Pinigilan kong ngiti ko, kahit na kinikilig ako. Mahal na mahal ko si Clay, at pasensya na lang kung sino haharang harang sa relasyon namin. Hinding hindi ko bibitawan si Clay.

"Sinabi niya ba kung sino?" Malamang hindi, I just asked para kunwaring interesado sa kwento.

Umiling ito. "Sabi niya lang, from province daw"

Hinawakan ko kamay niya at ngumiti ako na parang humihingi ng tawad. "Marami pa dyan, bata ka pa"

"Mahal ko siya" deretsang sabi nito habang nakatitig sa mata ko.

Mas mahal ko siya, Althea.

"Ano pa bang magagawa natin? May nagmamay-ari na sa puso niya" at ako yun.

"Aagawin ko sa kanya si Clay" punong puno ng diterminasyon ang boses niya. "Nasa province naman ang girlfriend niya" tuloy nito.

Pwede ko ba 'tong tadyakan? Sabunutan? Ipakain sa piranhas? Maswerte ka, studyante kita. Kundi, patawarin ako ng kotse ko at magagasgasan siya pagnasagasaan kita.

I bit my lip to control my hand from slapping this bitch. "Hindi magandang maging dahilan ng pagkasira ng isang relasyon" kalmado kong sinabi dito.

Tahimik lamang ito. "Bata ka pa, Althea. Marami pang pwedeng magbago"

Tumingin ito sa 'kin na parang may sinabi akong kaaya aya sa pandinig niya. "Tama ka, maraming pwedeng magbago. Pwede pa silang magbreak, pwede pa magbago nararamdaman niya para dun"

Isa lang Lord, batukan ko lang 'to.

"Pwede rin ikaw ang magbago, pwede rin yang nararamdaman mo ang magbago" diin ko dito.

"Hindi magbabago 'to" mahinang tugon niya.

Pasensyahan tayo, akin siya.

"You should go to your next class and try to focus on your studies first, Ms. Vito" I said with my monotone voice.

Tumango siya saka tumayo, hindi ko na siya tinignan pa.

Bakit si Clay pa? Marami naman dyan iba, Althea. Napahilamos ako ng maalala ko yung sinabi niyang aagawin niya si Clay sa 'kin.

Huminga ako ng malalim. "Over my dead luscious body, Ms. Vito"

"Hannaaaaaaaah" tawag ko sa kanya habang nakasubsob mukha ko sa office table ng faculty nila.

"Diba sabi mo ayaw niya yung gumagastos ka? Eh di gawan mo ng card" she proposed.

"Eh di bibili parin ako?"

"Gumawa ka" sabay abot ng laptop niya. "Ayan oh, mag-edit ka dyan sa adobe"

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. "Hindi ako marunong mag-adobe" sabi ko sabay kaway kay kumareng Erin na kakapasok lang ng faculty.

Kumareng Erin sa labas, kumpareng Edwin sa bahay. Bakla po siya, bakla kaming lahat. "Naku girl, ang dali-dali lang nun no" sabi ni kumare.

"Marunong ka?" Tanong ko dito.

Ako lang ba walang alam sa ganon?

"Specialty!" Proud niyang saad. "Paturo naman oh" pakiusap ko sa kanya.

"Say no more, filipinos are worth dying for" sabi nito na hawak hawak ang kaliwang dibdib na parang kumakanta ng lupang hinirang.

"Oookay?" Tanging nasabi ko. "So, paano?" Habol ko.

Umupo siya sa puwesto niya, saka kumuha ng papel at ballpen. Nagsusulat siya, malamang instruction 'to sa paggamit nitong adobe.

Tumayo siya at pailing iling na nakangising inabot sa 'kin a ng papel. "If you have questions, don't ask" sabay talikod sa 'kin.

Binasa ko ang nakasulat.

O.o

1. Soy sauce
2. Vinegar
3. Garlic

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa, I crumpled the paper and threw it on his face.

"Violente girl! What's the matter, Harry Potter?" Nagtatakang tanong nito.

"Sabi ko, hindi ako marunong mag-adobe. Hindi mag-ADOBO!!!!" Singhal ko dito.

"HAHAHAHAHA" lakas na tawa ni Hannah. "You--hahaha--might need it--haha--someday--hahaha"

Tinignan ko siya ng masama, tama bang pagtawanan ako?

"Girl, akala ko beyonce knowles ka sa pagluto ng adobo" sabi niya sabay nag-peace sign. "Hindi rin talaga siya marunong magluto ng adobo hahaha" singit ni Hannah.

"Wala kayong kwenta" saad ko sa kanila habang nakatitig sa pesteng adobe.

Lumapit naman si Hannah sa 'kin saka sinara ang laptop, tinaasan ko siya ng kilay. "Weekend naman bukas, how about go on a trip as a celebration?"

A trip? Na kaming dalawa lang? I smiled widely.

"You're a genius, Hannah" I said as I smiled sweetly to her.

She shrugged. "Matagal na" mayabang na sabi nito.

I rolled my eyes. "Sino ba 'tong jowa mo at mukhang importante sayo?" Tanong ni kumare.

"Si Clay"

Shit.

Nagtinginan kami ni Hannah, hindi ko dapat sinabi yun. Binigyan ko naman ng tingin si Hannah na parang humihingi ng tulong. "C-Clay, Clayton. Classmate namin nung college"

Mukha namang kinagat ni kumare ang sinabi ni Hannah, mukha rin wala sa isip niya ang batang si Clay. "Talaga ba? Mainit init ba ang pandesal niya?" Tanong nito sa 'kin.

Tumango ako. "Katakam takam, wala kang ititira" panunukso ko dito.

Natawa kami ni Hannah sa reaksyon ng bakla, lumingon si Hannah sa 'kin at nilakihan ang mata niya. Alam ko na anong ibig niyang sabihin, muntik ko ng ipahamak propesyon ko at si Clay kanina.

I mouthed "sorry" to her, umikot lang mga mata nito.

Hindi ko na sila pinansin, busy na ako sa phone ko. Naghahanap na ako ng pwede namin puntahan ni Clay.

Napalawak ang ngiti ko ng makita ko ang Masasa Beach sa Batangas.

Clay and I on a beach, wearing nothing. I mean wearing 2 piece swimsuit, but I really prefered nothing.

Sa totoo lang, hindi ko pa na-aano yang batang yan. Hanggang taas lang lagi, kaya humanda siya sa pasabog ko. Mukha ngang sasabog ka na naman ulit bukas.

-.-

This time, I'll make sure to take control. Wala ka ng takas, Aquino.

Na-excite naman ako isipin yun, kaya naman tinext ko agad ang oh-so-yummy kong lovelove.

To: Love💦
Love, sa condo ka na matutulog mamaya. 😏

Ilang minuto lang, nagreply na ito.

From: Love💦
Ayoko.

Bumagsak panga ko sa nabasa ko, ang lakas niyang mang-asar.

To: Love💦
Hindi ako nagbibiro.

From: Love💦
Marami pa akong gagawin sa bahay.

To: Love💦
I don't care.

To: Love💦
I do care, but not today.

From: Love💦
Okay.

Wala man lang kabuhay buhay mga texts niya.

To: Love💦
Love, sa susunod gumamit ka naman ng emojis. 😉

From: Love💦
👍

Asar!!!!!

------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCWhere stories live. Discover now