She's stubborn, alright.

                                                                From: Mio ❤
I'm waiting, Clay.

Galit na siya agad? Kung ako sayo, wag mong sabihin ang dahilan.

From: Mio ❤
Clay.

Hindi ako titigilan nito hanggat hindi ako sumasagot.

To: Mio ❤
Kaya ko naman kasi umuwi mag-isa.

From: Mio ❤
Is that the only reason?

That is not even my reason.

From: Mio ❤
Ayoko sa lahat yung nagsisinungaling sa 'kin.

Kailan pa naging bato ang laway ko? Hirap lunukin.

I sighed.

To: Mio ❤
Althea invited me to have dinner with her.

Hindi na nagreply pa si Camilla, malamang nagtuturo na yun sa klase niya.





Toktoktok.

May kumatok sa classroom namin, hindi na ako nag-abalang tumingin sa direksyon nito. Hindi ko rin naman makikita ang tao kasi sa labas inaasikaso ng teacher ang mga guest.

"Ms. Aquino" tawag ni Mrs. Ramos sa 'kin.

"Po?" Tanong ko.

"Ms. Camilla needs to have a word with you, regarding your scholarship. You may leave the class now" she said it with a worried tone.

Napakunot noo naman ako sa narinig ko, instead of asking Mrs. Ramos, minabuti ko na lang itanong mismo kay Camilla.

Tumayo na ako at tinungo ang pintuan, paglabas ko pa lang ng pinto bigla ng hinila ni Camilla ang braso ko.

"M-ma'am, bakit po?"

Hindi niya ako pinansin, hila-hila niya parin ang braso ko. "Ma'am, saan ba tayo pupun"

Hindi ko na tinuloy ang tanong ko nung nakita kong papunta kami sa direksyon ng banyo.

Gusto niya ba ulit sa banyo? Pinigilan ko ngiti ko.

Nakapasok na kami sa loob, nilock niya ang pinto saka humarap sa 'kin.

Bakit ang sama ng tingin nito sa 'kin? "Ma'am"

"Tigilan mo ako sa Ma'am-Ma'am na yan, Clay. Ano yung text mo?" Pagtataray niya habang naka crossed-arms.

"This isn't about my scholarship, is it?" Tanong ko dito.

She rolled her eyes. "No, sinabi ko lang yun para ma-excuse ka sa klase. Now speak"

"About?"

Tinignan niya ako na parang isang pagtatanga tangahan ko pa, ililibing na niya ako ng buhay.

"Don't play dumb with me, Aquino" iritang sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim at baka huling hinga ko narin 'to. "Si Althea, nag-papasamang--"

"I already know that part, what I don't understand is. Bakit ka pumayag?" She cut me off.

Pumayag ako kasi kahit anong idadahilan ko dun, hahanap at hahanap parin ng paraan yun. Pwera na lang kung sasabihin ko yung tungkol sa 'tin.

"She's my friend" tanging sagot ko.

"At ako ano?"

"Mio naman" kita ko sa mukha niya ang lungkot, kaya lumapit ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

abCWhere stories live. Discover now