Pwede ba sabihin na lang niya ang dahilan? Bakit kailangan niya pa akong pahirapan.

Hindi ako kumibo sa kanya.

Hinawakan niya baba ko, saka inangat ulo ko.

Nagtama ang mga mata namin, siguro kung nakilala ko lang lola ko baka kasing edad na niya ito.

"Ang ganda mong bata, hindi ka taga dito ano?" Tanong niya.

Iling lang tanging sagot ko.

"May maitutulong ba ako sayo?" Pinisil niya kamay ko.

Dapat akong matakot, kasi hindi ko siya kilala. Sa dami ba naman ng manloloko ngayon, mapa bata o matanda.

Somehow, nakakarelax ang haplos ng kamay niya.

"Señora, hinahanap na po kayo sa bahay" tinig mula sa likod, kaya napalingon kami.

"Sige Anton, mauna ka na sa sasakyan." Utos niya dito.

"Gusto mo bang sumama sakin?" Nakangiting tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit ako tumango.

Sabay namin tinungo ang sasakyan.

Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan, hindi rin ako nakaramdam ng takot.

Nakarating kami sa isang mala-palasyong bahay.

Nakakamangha ang laki nito, may ilang tao ang bumati samin.

Yumuko naman ako bigla.

"Ma" boses ng isang lalake, mga nasa 50's na siya. Isang matipunong lalake, masasabi mong pogi siya nung kabataan niya. Pogi parin naman siya ngayon, medyo matanda na nga lang.

Nagbeso sila sa isat isa.

Nagtungo naman sa direksyon ko ang mata niya, bakit ganon? Parang mata ko ang nakikita ko sa mata niya?

"And who's this beautiful young lady?" Tanong niya.

"C-Clay po" saka inabot ang kamay sa kanya.

Inabot niya kamay ko at tulad sa matanda, comfort ang tanging nararamdaman ko.

Ang weird.

"Kinagagalak kitang makilala Clay, call me tito Carlos" nakangiting tugon ng lalake.

Bigla naman sumulpot ang isang lalake.

"Hey dad, who's this fine chick?" Pabirong sabi ng anak niya.

Hindi sila magkamukha, baka sa nanay niya nagmana.

"Manners Iñigo" tapik ng tatay niya sa braso niya.

Nasa 20's na 'tong lalakeng 'to. "Iñigo" abot niya sakin ang kamay niya.

"Clay" tipid kong sagot. "Wow, that's a cool name"

"Oh tama na yan, pakainin na natin ang bisita natin" sabi ng matanda.

Pamilya sila ng madadaldal, nakakatuwang isipin na nakakainggit.

May mga taong sadyang pinagpala.

Mag-aalas diyes na ng gabi, hindi ko namalayan ang oras.

"Kailangan ko na pong bumalik ng maynila" pagpapaalam ko.

"Gabi na masyado, ayaw mo bang magpalipas ng gabi?" Tanong nung tatay.

"Hindi po pwede eh, may pasok po ako" pagdadahilan ko.

"Sige, papahatid ka namin sa driver" sabi niya. "Ako na dad" pagpiprisinta ng anak.

"Sigurado ka ba? Mahabang byahe" tanong ng tatay niya. "Sus naman dad, kayang kaya ko yan" pagyayabang nung isa.

"Osya sige, dahan-dahan sa pagmamaneho. Ingatan mo 'tong bisita natin at tawagan mo ako kapag may problema"

Ang bait lang talaga nila, sana ganto lahat ng tao.

"Copy!" Sagot ng anak saka sumaludo.

Niyakap ko naman ang matanda, ang weird talaga eh. Feels like home.

"Bumisita ka ulit dito ha?" Tugon nito.

"Opo, la. Salamat nga po pala"

"Wala yun, gumayak na kayo at gabi na masyado" tulak niya samin.

"Let's go mi lady" pabirong sabi ni Iñigo.

Tumango naman ako.

Habang nasa byahe kami, sinasabayan niya ang tugtog sa radyo.

Ayoko man maging bastos, pero ang pangit ng boses niya.

Kahit may pagkamayabang ang lalakeng 'to, hindi ko magawang maasar sa kanya.

Nakakatuwa siya.

"Ah Clay?" Tawag niya sakin.

"Bakit?" Tanong ko. "May load ka ba?" Tanong niya.

"Meron, bakit?" Wala ba siyang load? Ang yaman yaman nila. "Pwede mo ba tawagan ang number ko? Hindi ko kasi mahanap kung saan ko nilagay ang phone ko" sabi niya while pouting his lips.

"Sige, akin na number mo" hingi ko sa number niya ng mabuksan ko ang telepono ko.

Ang daming messages na galing kay Camilla, binura ko agad lahat ng hindi ko binabasa.

Tinawagan ko na ang number niya.

Biglang may tumunog, hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog.

Sa may, pwetan niya? Huh?

Kinuha niya ito, saka tinignan.

Ngumiti naman ito ng nakakaloko.

Bakit?

O.o

Isa siyang hokage.

"I'll save your number" sabi niya, saka ako kinindatan





Nakarating na kami sa boarding house, nakita ko naman ang kotse ni Camilla.

Anong ginagawa niya dito? Mag-aalauna na.

Nagpaalam na ako kay Iñigo at nagpasalamat, umalis din naman ito agad at mahaba pa ang byahe niya.

Nakita ko ang nakaupong Camilla sa tapat ng gate.

Nakaramdam naman ako ng awa.

No! Tigilan mo yan, humihina ka sa twing kaharap mo siya.

Ginising ko siya.

"Camilla" tawag ko dito. Minulat niya mata niya at kita ko yung namamaga niyang mata.

"Love!" Saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Camilla, ano bang ginagawa mo sakin. Unti unti na naman akong nanghihina.

"Okay ka lang ba? Saan ka ba nanggaling? Hindi kita makontak" nag-aalalang tanong niya.

Hindi ko maiwasan ang hindi maawa, kita ko pamamaga ng mata niya. May ilang bahid ng kagat ng lamok ang makinis niyang braso.

"Ano bang ginagawa mo dito? Paano kung pagtripan ka ng mga tao dito?" Totoo naman eh, daming lasingero sa kanto.

"Hinihintay kita" nakayukong sabi niya at halatang umiiyak na naman.

"Uwi na tayo" mahina niyang sabi.

"Ikaw ang umuwi na, andito nako sa bahay ko" sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako. "Hindi ka na makakapasok, nakalock na"

I mentally slapped my face.

Hanggang 11 lang pala dito.

Wala na akong choice kundi sumama sa kanya, hindi rin daw kasi siya uuwi ng hindi ako kasama.

---------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCWhere stories live. Discover now