Chapter Sixteen

Magsimula sa umpisa
                                    

Paano na 'to? Tatay niya nagbigay ng scholarship sakin, at wala akong balak na bitawan 'to. Eto na lang huling sandata ko, para makasama ang ate ko.

Tangina!

Hindi na nakuntento ang tadhana sakin, sadyang masaya siyang nakikitang miserable ang buhay ko.

Bukas na lang ako papasok sa opisina.

Tinawag ko si Elsa ng HR. "Hello, ate Elsa" bati ko.
"Oh Cuddly bear, bakit?" Tanong niya.

"Hindi po ako makakapasok ngay--" "alam na namin, tumawag na si big boss dito" pagputol niya.

Ibig sabihin, tumawag na si Camilla dun.

"Sige po, ate. Salamat po"

Pagkababa ko ng tawag, pumasok naman ang tawag ni Camilla.

Hindi ko sinagot, ayoko siyang makausap.

May mga messages din galing sa kanya.

From: Mio ❤
Love, let me explain.

From: Mio ❤
Love, please wait for me. I'm on my way.

From: Mio ❤
Clay, wag mo naman ako takutin ng ganto.

From: Mio ❤
Answer my calls.

From: Mio ❤
Maguusap tayo, wag mo ako iwasan.

From: Mio ❤
Clay! Answer my call!

From: Mio ❤
Love, hayaan mo akong magpaliwanag. Please naman Clay, don't do this.

From: Mio ❤
I can't lose you.

From: Mio ❤
I love you so much, Clay Madison.

From: Mio ❤
Asan ka?

Mio ❤ calling.....

Inoff ko phone ko.

Maglalakad lakad na muna ako, ayokong umuwi ng boarding house. Sigurado ako dun tutuloy si Camilla.

Sumakay ako ng bus, sumakay ako ng hindi binabasa kung ano nakalagay sa karatula.

Wala din naman akong pakialam, gusto ko lang lumayo.

Kung may pera lang ako, sumakay na ako ng eroplano papunta kay ate sa probinsya.





Mahigit dalawang oras din akong nakasakay sa bus, sinabi ng konduktor na hanggang dito na lang.

Padilim narin ang paligid, mag-aalas sais narin.

"Kuya, saan 'to?" Tanong ko sa driver.

"Batangas ate" sagot niya.

Tumango ako, saka bumaba.

Naglakad lakad ako, huminto lamang ako ng may nakita akong lumang simbahan.

Tinitigan ko lang ito. "Ayaw mo bang pumasok, ineng?" Sabi ng matandang babae.

Umiling ako. "Halika, samahan mo ako sa loob" hila niya sa kamay ko.

Umupo kami sa bandang harapan, pinagmasadan ko naman ang matanda.

Nakatingala siya sa mga santo, at nakangiti.

"Alam mong bang napakabuti ng Diyos?" Sabi niya ng nakatingin lamang sa santong nasa harapan namin.

Tumingin siya sakin, na parang nagaantay ng sagot.

Yumuko lang ako.

Hindi ko pa naman naramdaman ang kabutihan niya.

"Wag kang magagalit sa kanya, lahat ng nangayayari sayo ngayon may dahilan" pangungumbinsi niya.

abCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon