Lumabas na ako ng cubicle at nakita ko siyang nakasandal sa isa sa mga pintuan ng banyo.

Naghugas ako ng kamay, saka lumingon sa kinaroroonan niya. Tinignan ko siya mabuti, ang ganda din talaga ni Althea.

Itanong ko kaya sa kanya, tingin mo aamin siya?

Naglakad ako papunta sa kanya at ramdam kong natetense siya sa ginagawa ko. Isang hakbang na lamang at magkadikit na kami, nakita kong tinititigan niya labi ko.

Gusto kong ngumiti but instead kinagat ko babang labi ko, na siyang naging dahilan ng paglunok nito.

"Ikaw ba yun? Ikaw ba yung nagdadala ng pagkain sakin tuwing lunch time sa library?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah. Oo, ayaw mo kasi sumabay sakin" natatarantang sagot ni Althea.

Siya nga talaga, pero bakit ang lungkot ko? Bakit sa likod ng utak ko, gusto ko sabihin niyang hindi siya yun.

Muli ko siyang tinitigan. "Bakit mo ginagawa yun?"

"Kasi nga, a-ayaw mong sumabay sakin" pagrarason niya.

Bakit parang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya? Iba ang hindi naniniwala sa ayaw maniwala.

"Wag mo na gagawin yun ha? Isa pa, alam mong bawal kumain sa library. Naaabala pa tuloy kasambahay niyo" kalmadong hayag ko sa kanya.

Kagat labi siyang tumango sakin.

"Tara na, bag--"

I pressed my lips against her.

May gusto lang akong malaman, gustong patunayan.

Wala akong maramdaman sa halik namin, tanging lambot ng labi niya lang ang nararamdaman ko.

Pero wala yung kuryente o spark, hindi espesyal.

Inilayo ko mukha ko at seryosong tinignan ang namumulang mukha ni Althea.

"B-bakit mo g-ginawa yun?" Halos pabulong niyang sabi.

"Gusto ko lang mag-thank you." Pagrarason ko.

Mabigat parin ang paghinga niya, na siyang ikinatakot ko pero hindi ko pinahalata.

"Tara na." Aya ko sa kanya saka tumalikod at lumabas ng pinto. Hindi ko na siya inantay at pumasok nako sa klase ko.






"Lunes na naman bukas, ugh!" Sabi ng isang kasamahan ko dito sa boarding house.

Maaga pa, mag-aalas siyete pa lang ng umaga. Nasanay na katawan kong gumising ng maaga, gusto ko rin yung ganto kasi marami akong nagagawa. Tulad ng paglalaba at pag-aaral.

"Oy Clay! May naghahanap sayo!" Sigaw ni ate Thelma sa baba.

Isa si Thelma sa matatandang boarders dito, nasa 30's na siya. Nasabi kong matanda kasi kumpara sa mga umuupa dito, karamihan samin nasa edad 17-24.

"Sino daw?" Takang tanong ko kay ate nung makababa ako.

"Aba malay ko sayo, marunong ka din pala makipagkaibigan?" Patuksong sabi ni ate saka kinalabit ang tagiliran ko.

Lagi kasi nila akong niyayaya sa kung saan-saan, at lagi ko rin silang tinatanggihan. Feeling ko kasi, mag-aaksaya lang ako ng oras.

Binuksan ko ang gate, nakita ko ang isang magarang kotse.

Kunot noo kong pinagmasdan ang pagbukas ng pintuan ng kotse, nagulat ako ng makita ang nakangiting Althea na may dalang plastik.

"Good morning, Clay" bati niya sabay halik sa pisngi ko.

abCWhere stories live. Discover now