"Class, please continue your activity. I'll be using the comfort room" I excused myself.

Dali-dali kong tinungo ang klase ni Hannah.

Sabi mo mag-cCR ka?

Malayo pa lang, nakita ko na si Hannah. She was standing outside her door.

Puno ng pagtataka ang mukha niya ng makita niya ako papalapit sa kanya.

"Good afternoon, Ms. Suarez." Bati niya.

"Good afternoon to you too, Ms. Montano." Sagot ko.

Pasimple akong sumisilip sa loob, hinahanap ko ang mahal ko. Landi mo diyan!

"Errrm"

"Errmmm"

"Errrmmmmm!"

"Makati ba lalamunan mo? Pacheck ka na kaya" sabi ko kay Hannah.

Binigyan naman niya ako ng seryosong tingin.

"Ano bang ginagawa mo dito? May klase ka pa diba?" Tanong niya sa akin.

"CR, mag-cCR ako" sagot ko.

"Every end ng hallway may comfort room, dito mo pa naisipang mag-CR?" Sabi niya na parang may binabasa sa mukha ko.

"Under construction ang comfort room dun" pagsisinungaling ko, na alam ko naman hindi papasa.

Umasa po tayong lahat, walang imposible kay Lord!

"At talagang naisipan nilang ayusin yun, during school time? Hindi nung summer? Hindi pwede sa weekends? Hin---"

"Oo na!" Galit na bulong ko dito.

Nagaantay siya sa explanation ko, ng biglang lumapit ang student niya sa kanya.

Saved by this creature.

Sinenyasan ko na si Hannah na aalis na ako, she look at me na parang sinasabi niyang you-owe-me-an-expalantion.

Nakabalik na ako sa classroom, laking dismaya ko ng hindi ko siya nakita. Bakit wala siya dun? Second day pa lang, absent na siya. May sakit kaya siya? Nasa dorm kaya siya ngayon? At paano mo naman nalaman na nag-dodorm ang tao?

I assumed na nag-dodorm siya, kasi taga province siya.



Tapos na ang huling klase ko, nagmadali akong lumabas at derechong tinungo ang parking lot. Ayokong makita si Hannah, malamang magtatanong at magtatanong yun.

Nasa tabi na ako ng sasakyan ko, ng marinig ko si Hannah.

"Hep! Hep!!!" Pagpigil niya sakin, akmang papasok na ako sa loob.

"Hooray?" Giving her my anxious smile.

"Explain, Suarez" giit niya.

I sighed. "Fine, I went there hoping to see an angel"

I was expecting an uncontrollable laugh from her, but to my surprise. She just smile at me, genuinely.

"I'm sorry you didn't see her today" she said.

Now, I'm confused.

We both know it's wrong, pero bakit parang kinukunsinti niya ako.

Napayuko na lang ako sa sinabi niya.

"Chard is outside, I'll call you later. You need to know something" before I could even protest, she went off.

What the fuck, Montano! You can't just leave me with that phrase you need to know something.

abCWhere stories live. Discover now