last song for the last set

Magsimula sa umpisa
                                    

her own version of this original elvis presley song took her audience in awe. tulala ang lahat sa kanyang kinanta. mas lamang lang ang tulala nung isang binata na may dalawang letra ang pangalan

thank you po sa inyong lahat. may next set pa po si kuya adolf kaya sana mag-stay pa po kayo. see you all next week po malugod na pasalamat at pag-anyaya ng dalaga

matapos siyang kumanta, dumiretso naman si maine sa kanilang dressing room sa backstage. naabutan niya si ms. fifi na manager ng bar

hi mamang   malugod nyang bati dito

"well congratulations bebe! ikaw talaga ang star ngayong gabi at sigurado ako pati sa mga susunod pang linggo thank you for the wonderful performance"

assuusss makabola ka naman mamang! hindi ko naman po sasayangin ang oportunidad na binigay nyo sa akin

"ang bait pa! o sabihin mo sa kin pag may kulang sa mga project mo ha. wag kang mahihiya para makatulong ako" paalala pa sa kanya ng manager

naku salamat po. malaking tulong na po talaga sa akin itong pagbibigay nyo sa akin ng regular gig

"hay naku iha, sa ganda ba naman ng boses mo kahit sinong may-ari ng bar kukunin ka. pero wag mong pababayaan ang pag-aaral mo ha. alam mo kahit pinagkaitan ako ni bathala ng matres ok lang kasi parang binigyan naman nya ako ng instant anak na kasing-ganda ko" sabay yakap pa nito sa dalaga

naku ikaw talaga mamang makabola ka dyan! pwede ka pa naman magkaanak. yun nga lang hahanap ka ng girl na may matres tapos gagawa kayo ng himala tukso ni maine sabay ngiti

"binabawi ko na. hindi na pala kita kasing-ganda. pero anak pa rin kita. oo nga pala. yung si tisoy. si... si... si rj ba yun?"

ay yung kasama ko po kanina?

"oo yun nga. yung nagdala ng gitara at ba mo"

opo. rj po.

"nanliligaw ba sayo yun?"

naku mamang hindi po!

"o pwedeng sumagot sa normal na boses hindi kailangan falsetto. nagtatanong lang ako"

sorry po. hi-hindi po.

"kaanu-ano mo?" mapanghusgang tanong ni ms. fi

ahm... ka-flatmate ko po.

"ahhh ka-live in"

HOOY!!! mamang! baka mamaya may makarinig sayo! hindi po

"oh di ba you live together?"

ehh—

"oh ka-flatmate mo kamo?"

opo

"ibig sabihin sa iisang bahay lang kayo nakatira?"

opo

"oh ano ba ang tagalog ng live?"

buhay po

"last mo na yan ganda!"

sorry na po mamang. kasi naman baka may makarinig po tapos ma-misinterpret yung term nyo

"you know what iha sa tanda kong ito may ipapayo ako sayo ha. don't dwell on what other's would think kasi hindi sila ang makakapagpasaya sayo."

alam ko naman po yun mamang. nahihiya lang din po kasi ako. mabait po kasi si rj ayoko naman na maiintriga o matsismis dahil sa akin

"o sige na panalo ka na bebe. hindi na kayo magka-live in, nakatira lang kayo sa isang bahay.... sige na uwi na at ng makapahinga ka na ha" 

sige po mamang. salamat po ulit and goodnight po



^^^^^^


mark and kris cannot take their eyes off their friend who looked mesmerized. well, they cannot blame him. ikaw na ang maharana ng malambing na boses tapos yung kanta. knockout tuloy and bata nila

what they don't know was that his mind was railing. this feeling is new to him. hindi nya naramdaman ito kahit kanino. not even to christine who was his long time friend. well, that's the magic word, friend.

he did not even have this strange feeling when he had his first girlfriend way back in high school. dianne.

well come to think of it, all he knew was that he needed to have a prom date, kinabukasan lahat ng kaklase nya nag-congratulate na sa kanya dahil napasagot nya ang campus cheerleader. naalala pa nya ang sagutan nila ng barkada

"dude congrats! ang tinik mo ha isang gabi napasagot mo agad!" bati sa kanya ni mark

"ikaw simple ka lang eh pero pailalim ang operasyon mo noh?" asar ni kris

ano bang sinasabi nyo? naguguluhan talaga siya noon

"si dianne! syota mo na di ba? sinagot ka na kagabi after prom?" kumpirma ni mark

anong sinagot?

"sinagot ka na kaya jowa mo na, alam mo faulkerson yang mga mukhang-tanga mong pasada yan talaga eh! dyan mo siguro nadale"

ano bang sinagot? eh wala naman akong tinanong?

tinawanan pa siya ng mga kaibigan. later on na-realize din nya kung ano ba yang sinagot na yan.

napaisip tuloy siya ngayon. tanungin ko na kaya. his mind was struggling. his friend's question. her dedication. the song she sang. and the beating of his heart, without the equation.

"tulala na naman faulkerson?" buyo ni kris  "tapos na yung kanta lutang ka pa rin?"

bumaling si rj sa mga kaibigan

dude pano ba?

"pano ang ano?" tanong ni mark

bakuran....

****** itutuloy..... ???????

maraming salamat po ulit sa inyong lahat na patuloy na naglalaan ng oras para magbasa 😇🙏
(kahit kadalasan naman po waley😂 ang update ko)

photgraph revisitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon