Maya maya pa ay tumitili na akong tumatakbo papalapit sa dalawa kong kaibigan.

'' bwestfwwieeeeends!!!!!!!! andyan na daw siya sa baba '' medyo umikot yung dila ko dun ah.

'' ay grabe kilig na kilig iba talaga nagagawa sayo ng love, ang taas ng level di ko keri '' ani ni anabel na may pa motion motion pa ng hands niya.

'' eeeeeeeee dali na baba na tayo ayaw ko maghintay ng matagal ang lablab ko dun baka makidnap pa yun mahirap na '' oo na maarte na ako pero yun ako eh sabay hila ko sa kamay nung kambal na napangiwi sa sinabi ko.

Pag labas namin ng mall ay bigla akong kinabahan.

'' wait guys, maganda ba ang damit ko?? bagay ba? hindi naman ba masagwang tingnan? '' pinag plantsa plantsa ko ito ng kamay at paiko ikot ako para makita nila, kinakabahan talaga ako eh na excited rin.

First time ko kasi tapos alam mo yun tuwing nakikita ko ang nakakainis na magandang babaeng yun lagi na lang ako nagkakaganito.

Ganito ba talaga kapag mahal mo talaga?

'' maganda ka na ano pa bang gusto mo? pareho na nga kayo mukhang dyosa ni danie eh '' saad ni anabel na tinatapik tapik pa ang pisngi ko.

'' eeeeeee kinakabahan ako huhu ''

'' tumigil ka nga ng kaartehan mo para kang tanga '' ngumisi si angela.

'' nakakainis ka naman diyan '' umirap ako '' wait asan na ba siya? '' luminga linga ako sa paligid hindi ko makita ang sasakyan niya.

Naglakad pa ako ng kaunti at maya maya ay may pumaradang magarang sasakyan sa harapan ko.

Ay wow naman pero sino ba ito at dito pa talaga nag park sa harap ko, hindi ko tuloy makita ang sasakyan ni dan dan, asar ha

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.


Ay wow naman pero sino ba ito at dito pa talaga nag park sa harap ko, hindi ko tuloy makita ang sasakyan ni dan dan, asar ha.

Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob pero ng tinanggal na nito ang bubong ng sasakyan.

Aba't convertible pala ito.

Nagulat ako at napa awang ang bibig naming tatlo - si dan dan.

'' gaano ba kayaman sina danie meghan? '' bulong ni angela sa tenga ko.

'' h...hindi ko rin alam eh ''

Napakunot ng noo si dan dan, para kasi kaming na engkanto at hindi na makagalaw sa kinatatayuan at nakatitig lang sa kanya.

Bumaba na siya sa sasakyan. Ang ganda ganda niya promise super girly rin naman siya, pero this time she's wearing a leather jacket, black tight pants and boots. Naka sunglass pa siya sheeet!!!!! ang puso ko na naman, sasabog na!

Habang naglalakad siya papunta saakin parang nag slow motion ang lahat. Ang mga mata ng taong nakapaligid sa amin ay nakatitig din sa mahal ko.

'' hi baby happy monthsary, this is for you. '' nakangiti niyang bati sa akin sabay abot ng lavender na rose at hinalikan ako sa labi.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora