Dumilat siya at napangiti. Ngunit bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata at pag-aalala.

“Sobrang nag-alala ako sa’yo. Hindi lang ngayon. Yesterday and the day before yesterday. Bakit hindi mo manlang ako tinawagan? Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo. May usapan tayo 'di ba?” sunod sunod na sabi niya.

Naalala ko ang mga nangyari. “I’m sorry, Vincent. Sobrang naka-focus na lang kasi ako sa kung paano ko mapapapayag si Mommy na ituloy ang kasal natin. I’m sorry hindi na kita naalala. I’m so—” nahinto ako nang ilagay ni Vincent ang hintuturo sa labi ko. Tinikom ko ang aking bibig.

“Shhh. You know what, forget that. You don’t have to explain. I understand you. Ang mahalaga ngayon, kasama na ulit kita.” Bulong niya. Hinaplos ng hinlalaking daliri niya ang labi ko habang nakangiti sa mga mata ko.

Naiiyak ako. Nanginig ang labi ko at hindi ko mapigilan ang pagbadya ng luha ko. I still remember how mom treated us this morning. Kung paano siya ilang beses na tumanggi sa gusto ko. Kung paano ako nakiusap sa kanya at kung paano niya iyon binalewala.

“About my mother…”

 

“It’s okay, Mika.” Tila alam na ni Vincent ang gusto kong sabihin. Hihingi sana ako ng paumanhin sa kanya pero ito ang narinig ko kahit na wala pa akong nasasabi.

“I’m sorry. Sobrang galit ako sa kanya, Vincent. Hindi ko akalain na kaya niya iyong gawin sa atin. Sa akin. I hate her so much.” May poot sa tinig ko.

“Shh.” Pagpapatahimik ulit niya sa akin. “Don’te hate her, Mika. She’s your mother.” Halos pakiusap ang tono ng pananalita niya. Naguluhan ako. Hindi ba siya nagagalit dahil ayaw akong ibigay ng nanay ko sa kanya?

“Ikaw? Hindi ka ba nagagalit sa kanila?” tanong ko. Gusto kong malaman ang opinyon niya rito.

Tumahimik si Vincent. Inalis niya ang tingin sa akin at nilipat iyon sa bintana ng aking kwarto.

“I don’t know. As long as you’re with me, I’m okay. Pero kung ilalayo ka na talaga nila sa akin, baka magwala ako at magalit ako sa kanilang lahat.” Pagkasabi niyon ay saka niya ako binalingan.

Hindi ko maintindihan kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Gusto kong ngumiti at iyon ay ginawa ako. Sa simpleng sinabi ni Vincent, pinasaya niya ako. Alam kong mali ang makaramdam ng galit sa pamilya ko pero hindi ako makapagpigil sa katotohanang ako ang dahilan noon. Patunay na mahal na mahal nga ako ni Vincent at ayaw niya akong mawala sa kanya.

“Why are you smiling?” napangiti na rin siya. Tinaasan pa niya ako ng isang kilay.

Umiling ako. Tama siya. As long as we’re together, we are okay. “I love you.” Bulong ko. Inangat ko ang aking sarili para maabot ko siya.

“'Wag ka nang bumangon. Ako na ang lalapit sa’yo.” At iyon nga ang ginawa niya. Lumapit siya sa akin at dinampi ang labi sa akin.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora