FIVE 🚩

8.7K 128 1
                                    

Five

"WHAT THE fuck is your problem, huh?" Nakangising tanong ni Lord habang masama ang tingin kay Trick.

Hindi ako makagalaw. Nakakatakot. Natatakot ako sa masamang tingin ni Lord kay Trick pero gusto ko syang lapitan at tignan ang gilid ng labi nyang may dugo.

"You kissed her! You kissed Amara! That's my problem!" Lumapit muli si Trick kay Lord at saka aambaan ng suntok nang agad na umiwas si Lord. Sya na ngayon ang agad na sumuntok kay Trick.

"Why do you care? I kissed her because she is my wife. I have the right to kiss her anywhere, anytime." Muling ngumisi si Lord, tumingin pa sya sa'kin. "Do you like my brother?"

Umiling ako. Hindi ko matagalan ang tingin niya dahil nararamdaman ko ang galit nya. "H-hindi ko sya gusto." Natatakot man, sumagot pa rin ako.

"See, Trick, she doesn't like you. Now, get out of my house." Itinaas pa niya ang kanang kilay na waring nang-iinis.

Si Trick naman ang ngumisi. "Still a child, eh? Grow up, Lord. Don't kiss someone you don't love. You are not a child. Hindi ko nga alam kung bakit mo pinakasalan si Amara."

Napatungo ako. Kaya nya ako pinakasalan dahil 'ipinagkatiwala' ako nanay ko sa kanya.. kaya nya ko pinakasalan dahil laruan nya ako. Na hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon. Bakit isapng iglap lang, nagbago bigla ang nanay ko.

"Mind your own business." Walang ganang sagot ni Lord. Para ba syang nawawalan ng interes sa kapatid.

Pinagmasdan ko pa si Lord habang paakyat sa kwarto. "Sorry, Trick. Pasensya na sa ugali ni m-my Lord." Nahihiya kong anas kay Trick. Umiiling siya habang nakatitig sa'kin.

"If you want to leave this hell, I'll help you." Nakita ko ang awa sa mata nya pero umiling ako.

"Hindi ko kaya." Hindi ko alam kung bakit natatakot akong umalis dito kahit na alam kong tutulungan ako ni Trick. Hindi ko alam kung bakit ayokong umalis kahit na nung una pa lang ay ayaw ko na rito. "Umuwi ka na, susundan ko na si Lord." Tipid ko syang nginitian. Hindi ko na rin siya hinintay na sumagot, agad akong naglakad patungong kwarto.

"Fuck..." rinig kong wika ni Lord nang makapasok ako sa kwarto. Batid kong nasa bathroom siya dahil doon ko naririnig ang boses niya, nakabukas lang ang pinto niyon.

"M-my Lord..." pagtawag ko nang makalapit ako sa cr. Nakatingin lang sya sa salamin habang pinagmamasdan ang sugat sa labi.

"Nasan na ang lalaki mo?" Tanong nya nang makalapit ako.

"L-lalaki?" Hindi ako makapaniwala sa panghuhusga niya, "Ang pangit ng ugali mo." Asik ko.

Imbis na magalit gaya nang inaasahan ko ay ngumisi lang siya, "Nakaalis na ba si Trick?"

"Oo. Nakaalis na ang kapatid mo." Pinagmasdan ko ang labi niya, medyo paga iyon dahil may sugat. Sa lakas ba naman ng suntok ni Trick ay paniguradong mamamaga ang labi ni Lord. "Masakit ba?" Huli na nang marealize ko kung ano ang tinanong ko.

Nakakunot ang noo nya nang tumingin sa'kin. "Look at me..." Ito na naman sya. Batid kong sasabihin niya ang salitang 'toy' pero hindi na niya nagawa, siguro dahil biglang sumakit ang sugat niya. Mabuti nga. "Look at me." Ulit nya.

Pinilit ko namang tumingin sa kanya. Kahit na nag-aalangan ako ay ginawa ko pa rin. Hindi na naman mawala ang kaba ko dahil sa paraan nyang pagtingin sa'kin. "B-bakit, my Lord?"

"Alam mo na kung anong gagawin mo rito." Nakatingin pa rin nyang sabi sa 'kin habang nakaturo sa labi nya.

Natataranta naman akong binuksan ang first aid kit na nasa loob lang din ng cr. Buti na lang at kumpleto sa bahay nya. Sa bagay, mayaman si Lord kaya imposibleng mawalan sya ng maliit na bagay na to.

He is a RicafrancaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon