TWO ◇

9.9K 136 1
                                    

TWO

"SAAN TAYO pupunta, M-My Lord?" kinakabahang tanong ko. Batid ko namang hindi niya sasagutin ang tanong ko dahil simula pa lang nang lumabas kami sa mansion ay hindi na niya sinasagot ang tanong ko.

Nanatili na lang akong tamihik habang nakasakay sa kotse niya. Iginala ko pa ang paningin ko. Ang totoo niyan ay ngayon lang ako nakasakay sa kotse nya.

Mahigit isang oras na rin akong nakaupo sa sasakyan nya at sumasakit na ang katawan ko. Hindi man kagaya sa kwarto niya, malamig din ang aircon sa kotse nito. Wala sa sariling nayapos ko ang sarili ko dahil sa lamig ng kotse niya. Kita ko sa gilid ng mata ko na napalingon sya sa'kin ngunit hindi niya na 'ko pinansin pa. Kung may tapang at lakas lang ako ay kanina ko pa siyang inirapan. Pero dahil siya si My Lord, at laruan niya lang ako, mas pinili ko na lang na manahimik.

Hanggang sa tumigil ang sasakyan niya sa 'di ko kilalang lugar.

"Baba." utos niya sa akin kaya dali dali akong bumaba sa kotse. Wala naman akong ibang pwedeng gawin kun'di sundin ang utos niya.

Saglit pa ajong natigilan. Napatulala ako sa ganda ng lugar.

Isang malaking building na punong puno ng ilaw. Ngayon ko lang din napansin na madilim na. Kaya pala kanina ko pa nararamdaman ang gutom ko.

Napatingin ako sa paligid ko, napakaraming tao na animo'y may isang engrandeng okasyon. Lahat sila ay nakasuot ng magagadang damit. Mababae man o lalaki. Ang mga suot nila ay kasing engrande ng suot ni Lord. Bakit parang... damit ko lang ang naiiba? Sabagay.. alipin niya nga pala ako. Hindi ko kailangang magsuot ng damit na kasing sosyal ng mga nakikita ko.

"Let's go." Aniya at tsaka nagsimulang maglakad papasok sa malaking gusali. Nagulat pa ko dahil mas maganda ang loob kesa kanina sa labas. Napakalawak ng loob at halatang mayayaman ang mga tao. 

"Lord." agad na may tumawag kay Lord nang tuluyan na kaming makapasok sa loob.

Napatingin ako sa tumawag sa kanya. Isang magandang babae na nakasuot ng pulang dress na hapit sa katawan niya. Lihim akong napahanga dahil sa kagandahan niya.

Tumango lang si Lord sa kanya nang makalapit kami. Ang kaninang babaeng tumawag sa kanya ay bumeso sa kanya at tsaka tumingin sa akin. "Who is she?" tanong niya kay Lord habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya dahil nakangiti rin siya sakin. "G-good evening po." nahihiyang bati ko.

"She is no one." malamig na wika ni Lord na dahilan nang pagkawala ng ngiti ko. No one. Sana ay magkaron ng himala, magkalakas ako para suntukin si My Lord dahil kanina ko pang gustong gawin iyon. Kapal ng mukha. Hanggang ngayon ay hindi ko maatim na tawagin siyang my Lord. Isa siyang Hoodlum!

"Lord!" pagsuway sa kanya ng babae. Bahagyang tumaas ang boses nito ngunit hindi rinig ng mga tao dahil medyo maingay rin sa paligid.

Inaasahan kong magagalit si Lord dahil sinuway siya ng babae ngunit mali ako. Walang sinabi si Lord, hindi siya nagalit. Hindi man lang nabago ang ekspresyon ng mukha niya. Wow.

"Who is she?" pag-uulit ng babae. Hindi ko alam kung sino siya. Hindi ko alam kung gano siya ka-close kay Lord. Siguro ay girlfriend siya ni Lord dahil hindi niya sinabing asawa niya 'ko. Asawa nga ba? Mali na naman ako. Hindi nga pala niya ko asawa dahil hindi asawa ang tingin niya sa akin.

"She is my toy." malamig muling wika ni Lord.

"Lord!" pagsusuway muli sa kanya ng babae. Hindi ako nalungkot, ang totoo ay bigla akong natawa dahil sa inasta nila.

"Why are you laughing, dimwit?" nagulat ako dahil sa tigas nang pagsasabi ni Lord. Hindi man mataas ang boses niya, alam kong galit siya.

"W-wala... Patawad, M-my Lord." napatungo ako. Agad kong naramdaman ang pag-init ng mata ko hudyat ng pag-iyak ko. Agad ko rin itong pinigilan dahil ayaw niyang makita ang pag-iyak ko.

"Gosh, Lord. Hindi ka pa rin nagbabago." napatingin akong muli sa babaeng kausap ni Lord. Nakatingin siya sa akin at tsaka paulit ulit na umiling. Kita ko sa mukha niya ang awa para sa'kin. Ako rin naman ay naaawa sa sarili ko. Pwede naman akong ikasal kay Timothée Chalamet pero bakit sa lalaki pang ito? Sobrang sama ko ba noong past life ko para magdusa ako ng ganito?

"Tsk." iyon lang ang naging reaksyon ni Lord at saka galit na tumingin sa akin. "Where is Trick?"

"H-Ha? H-Hindi ko siya kilala." kabadong sagot ko. Trick? S-Sino iyon? Ngayon ko lang narinig ang pangalng iyon.. Kung pangalan nga iyon.

"Fcking dimwit. I'm not asking you." galit pa ring wika ni Lord at saka muling tumingin sa babaeng kanina pa niya kausap. "Where is Trick?"

SYA NAMAN PALA ANG KAUSAP!! Hoodlum!!

"Are you looking for me, my little brother?" napatingin kaming tatlo sa lalaking biglang nagsalita sa likod ni Lord. 

Muli akong napa-wow sa isip ko nang makita ko siya. Kagaya ni Lord, matangkad rin siya at matipuno rin ang pangangatawan. At kagaya rin ni Lord, nakasuot din siya ng kagalang galang na damit. At kagaya ulit ni Lord, gwapo rin ang lalaking nasa likod niya. Mas gwapo siya kompara kay Lord. At mukha siyang mabait.

"Don't call me little brother." hindi man lang nabago ang ekspresyon ni Lord kayaga nang inasta niya sa babae kanina noong kinausap siya.

"Ohh... Lord. Hindi ka pa rin nagbabago."

Muli akong napatawa dahil kagaya ng babae kanina, iyon din ang sinabi niya. Hindi ka pa rin nagbabago. Pinigil ko ang pagtawa ko dahil silang tatlo ay napatingin sa akin.

"Don't laugh, fcking dimwit." at kagaya kanina, galit na naman siya.

Muli akong napatungo dahil hindi lang sa isang tao ako napahiya, napahiya rin ako sa lalaking tinawag niyang Trick.

"Lord!" Tumahimik ang buong gusali. Kung kanina ay pigil pa ang pagsaway ng babae kay Lord, ngayon naman ay hindi. Dahil ang tinawag na Trick ni Lord ang sumuway sa kanya. Malakas ang boses nito dahilan ng pag-tahimik ng buong lugar.

"What?" malamig na tanong ni Lord.

"Zip your mouth." maotoridad na sabi ni Trick. Ngumisi lang si Lord at tsaka tumingin sa akin.

"Zip your mouth too, dimwit, my toy." galit na anas niya sa akin. Hindi ko alam kung ako lang 'to. Para kasing pula ang mata niyang nakatingin sa akin. Umaapoy sa galit kahit na wala naman akong ginagawang masama.

Kung ayaw niya akong magsalita, eh bakit isinama pa niya ako rito? Gusto ba niyang mapahiya ako sa mas maraming tao?

Hindi ko namalayang tumakbo na pala ako sa labas ng gusali. Nagsimula na ring umagos ang luha ko. Siguro ay awtomatiko ito dahil hindi naman ako makikitang umiiyak ni Lord.

"Hey! Hey! Stop running!" hindi ko pinansin ang boses na 'yon. Hindi ko rin naman alam kung ako ba ang tinatawag niya. Sino ba naman ako? Isang hamak na dimwit, isang hamak na laruan.

◇◇◇

He is a RicafrancaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon