It's The Guy's Turn [3]

321 5 1
                                    

Chapter Three.

Nandito ako ngayon sa backyard School namin kaya wala masyadong tao. Shoot! Para naman akong manliligaw nito. Kinakabahan ako!

"Bryan! Tagal na nating di nakapag-usap ah?"

Nasa harap ko na siya ngayon. Si Ciara Mendel, ang babaeng minamahal ko. Drama ko noh?

Ganyan ako sa mga mahal ko.

"Uhh. Happy Birthday pala. Eto oh."

Sabay bigay ko ng teddy bear na may kasamang roses. Nakita kong napangiti ko siya. WHOO! Kinabahan ako dun ah!

"Salamat-"

"Wala yun basta-"

"Pero di ko yan matatanggap. Sorry." Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"A-anong ibig sabihin nun? Wala naman akong ibang gusto iparating eh. Regalo ko lang naman to para sayo! Bilang.. bilang kaibigan."

Shoot! Siya lang talaga nakakagawa nito sa akin. Yung nagiging masyadong ma-drama, pero seryoso naman ako sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Bryan, sorry pero hindi talaga pwede. Madaming magagalit!" Pigilan nyo ako makapagmura.

"Pero-"

"Bryan, meron tayong pinagsamahan at ayokong yung sayangin! Tska Bryan, meron na akong Boyfriend. Masaya na kame! Sana wag ka naming makasarili!"

Sa isang iglap, nawala na siya. Sapol yun ah! Masyado ba akong makasarili? Hindi naman diba? Masama bang magmahal?

May biglang humawak sa balikat ko.

"Dude, di talaga ako sanay na ganyan ka. Ilang araw ka ng ganyan, pwedeng bang makita yung maangas at mahilig mambully na Bryan?"

Bigla kong inikot yung braso nya, maangas pala ah!

"Eto na ako oh! Yung maangas na Bryan."

"Gag* ka talaga! HAHA! Ano, magcu-cutting ka nanaman ba? Yung tatlo, andun natutulog sa klase."

"Sige, sunod na lang ako mamaya. Salamat pala, tska sana walang makaalam."

"Onaman! Sige, mamaya na lang ulit."

Eto mag-isa nanaman ako. Buti na lang dumating si Dane, iiyak na sana ako. Yung Teddy Bear kaya, kanino ko ibibigay? Kung kay Andrew ..wag na! Baka mabigay lang to sa mga walang kwentang babae. Inangat ko yung ulo ko nang may naaninag ako na babaeng nakatingin dito. Magtatago na sana siya kaso malas siya ..nauntog siya.

"Awww. Ouch!"

Lumapit ako para tignan kung sino. At nang makita ko ..

"Ohh. Isa pala sa mga Nerd sa Seniors! Ano, crush mo ako noh? Kaya mo ako stina-stalk."

"Huh? Hindi po! Hinahanap ko si Dane pero--"

"Ahh! Alam ko na." Inikutan ko siya nun na parang inoobserbahan. Hmm. Dane pala ah! "May pagnanasa ka kay Dane, Ano?!" At tska ko nilapit yung mukha ko sa kanya. Ang sarap talaga mambully. HAHA!

Nilayo naman nya yung mukha nya nun. "Hindi naman po pagnanasa ang tawag dun. C-crush."

"Pareho lang yun! Tsk, tsk. Teka, wag mo nga akong i-po. Di mo ba alam na mas mukha kang matanda kesa sa akin?!" Tska ko naman naalala yung teddy bear.

Kinuha ko yun at tska ko binagay dito sa Nerd na babae.

"Huh?"

"Hoy! Wag kang umasa ah! Napulot ko lang yan sa kalsada."

"Uhh. Salamat.-"

"Teka! Teka." Hinigit ko yung dulo ng damit nya. "Diba ..may pagnanasa ka kay Dane?"

"H-hindi nga po pagnanasa. Crush."

Maarteng Nerd to ah!

"Crush! Pagnanasa! Pareho lang yun. Sagutin mo tanong ko, may pag-I mean crush ka ba sa kaibigan ko?! Kay Dane?"

"Uhmm. K-konti lan p-po."

Tss. Grabe talaga si Dane! Pati mga nerds napapaibig nya. HAHA!

"Sige! Umalis ka na."

At ayun umalis na yung Nerd. Nakakabwisit talaga. Laging nau-utal pag nagsasalita. Nakakabanas lang lalo talaga. Hay. Makapasok na nga sa klase. Baka sakaling mawala ang pagkabadtrip ko.

-------------------------------------------------------------------------------------

Hello! Updated ..at last. :)

Nerd Girl? Hmm. Siguro sa tingin nyo isang malaking Extra lang siya sa story noh?

Haii. Abangan natin! :))))

Next Update ko yung Somebody To Love. <33

Vote&Like&Comment&Tweet! ;)

It's The Guy's Turn [On Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon