Chapter Fifteen

Magsimula sa umpisa
                                    

'' yes? '' tinaasan pa ako ng kilay, ang taray naman pero deadma na...

'' ahm napansin mo ba kung san dito ang school clinic? ''

'' that way then turn right '' sabay turo nito sa kabilang pathway.

Mabuti na lang alam niya.

'' okay thank you '' at kumaripas ako ng takbo gusto ko lang masigurado na okay ang baby ko.

- DANIELA -

Nakakainis naman bakit ba kasi basa yung floor natumba tuloy ako at napatama ang siko ko. Namamaga lang naman ito at napwersa rin kasi sa paglalaro pero wala naman daw bali sabi nung school nurse.

After ko magpatingin nagpasalamat ako at umalis na. Habang naglalakad ako nakita ko si meghan???

Oo si meghan nga tumatakbo papalapit saakin.

'' Dandan bakit ba hindi ka nag iingat??? '' bulalas agad nito sabay hawak sa braso ko. Nang makita nito na tuluyan na itong namaga akmang iiyak na ito.

'' dan dan naman eh tingnan mo tuloy nangyari sayo '' tumulo na talaga ang luha niya sa maganda niyang mukha.

Napangiti ako ang cute niya kasi.

'' bakit ka umiiyak nababawasan ang kagandahan mo '' nakangiti pa rin ako habang pinupunas ko ang mga luha niya.

'' nagbibiro ka pa nasaktan ka na nga dyan, ano ba nangyari? '' talaga namang ramdam ko yung concern ni meghan sa akin so hinila ko siya at niyakap.

Ngayon lang may umiyak sa harap ko dahil sa nasaktan ako. Madalas kasi ako yun palaging dumadamay sa mga ka team mates ko na kahit ako na ang nasaktan eh ako pa rin ang tutulong sakanila but this time I have now this amazing girl who's crying dahil lang sa nasaktan ako.

'' I love you meghan '' nagulat siya at maging ako rin, bigla ko kasi nasambit  agad ng malakas yung nasa isip ko.

Tumingin siya sakin ang pula na ng mata niya.

'' mahal rin kaya kita kaya ayaw kitang masasaktan, nakakainis ka pinapaiyak mo ako ng ganito. Akin na nga yang siko mo hindi man lang inayos ang bandage ''

haha nagawa pa rin talaga nitong mangantyaw.

Pinaupo niya ako at tinanggal ang bandage at mas maayos niya itong ibinalot sa braso ko.

'' Thank you '' I told her.

Tumingin ulit siya at tumitig, bakit ba ang ganda ganda nitong babaeng ito. I touched her cheek and kissed her.

Oo na PDA na ako pero minsan talaga hindi mo yun maiiwasan lalo na kung maganda ang girlfriend mo.

'' let's go balik na tayo sakanila '' aya ko sakanya, tumango naman ito.

Habang naglalakad kami ng magkahawak kamay ay maraming mga mata ang tumitingin sa amin, hindi dahil naiilang sila or whatever pero dahil gandang ganda sila kay meghan, ang ikli kasi ng skirt na uniform namin so kapag suot yun ng lablab ko eh napapatingin talaga mga mata sakanya.

Kung alam lang nila kung gaano siya kasungit siguro hindi na nila gugustuhin pang tumingin.

- MEGHAN -

Nakarating na kami sa gymnasium.

'' Maxine can you play again? masyado na kasing lamang ang kalaban sa atin kapag nagkataon hindi tayo makakapasok sa finals. '' sabi ng coach nila, kakaupo pa lang namin yun kaagad tanong niya kay dandan hindi man lang niya muna kinumusta. Asar ha.

'' okay coach '' sagot naman nito

Nanlaki ang mga mata ko at inikot ko katawan niya para tumingin saakin.

'' dandan maglalaro ka tingnan mo nga braso mo namamaga kaya '' galit pero concern kong saad.

'' Okay lang love, kaya ko naman, malayo ito sa intestine '' at ngumiti pa ito, hay naku ang dimples nakakainis.

'' papano pag lumala yan? huwag na please ''

'' Maxine go in '' nagpanting ang tenga ko, kung hindi lang matanda sa akin ang coach na ito sinigawan ko na talaga siya.

Walang konsiderasyon!!

Tumango naman si dandan, minsan talaga nakakabwisit ito nag aalala na nga ako sa kanya siya naman parang walang pakialam sa sarili niyang katawan.

Makaalis na nga muna kinakabahan kasi ako, baka kung masaktan na naman siya.

- DANIELA -

Nakita ko na umalis si meghan sa bench. San kaya yun pupunta baka galit na naman yun sa akin at nagpilit ako mag laro pero kailangan at baka matalo kami.

So nag start na ang game. Magaling rin naman talaga ang kalaban namin ngayon pero dahil sa team work namin nanalo pa rin kami sa huli.

Lumapit na sa amin ang mga kaibigan namin pero wala si meghan.

'' si meghan? '' tanong ko kay anabel.

'' ay naku kanina nakita ko umiiyak doon sa may puno, napano ba yun? ang oa niya ha '' sabay crossed arm nito.

'' papano nagpilit maglaro si danie, eh ayaw ni meghan at baka nga lumala yung pamamaga ng braso niya '' sabi ni serena na todo punas ng pawis niya.

'' ahhh kaya naman pala, ano ba pinakain mo sa kaibigan namin danie at mukhang kapag ikaw ang pinag uusapan nagiging pang tao ang ugali, never naman kaya yun naging concern sa ibang tao '' ani ni Mark na tumatawa..

'' hoy grabe ka kapag narinig ka naman ni meghan, ganun lang naman yun pero mahal na mahal kaya tayo nun '' pagtatanggol naman ni angela

'' biro lang naman, ikaw talaga pero nasaan na ba yun? ''

'' sige hanapin ko lang '' sabi ko sakanila, kinuha ko na ang bag ko at hahanapin ko na sana si meghan pero biglang may humarang sa akin.

'' Hi I'm stacy '' sabi nito sabay extend ng hand niya saakin.

'' h...hi? I'm..... ''

'' Daniela Maxine I know you '' at kumindat ito saakin sabay kuha sa kamay ko para makipag kamay at sakto naman ang pagdating ni meghan.

Nakataas ang kilay nito ng tumabi saakin

'' oh oh '' narinig ko na sinambit ni mark sa likod ko.

'' you can let go of her hand miss '' sabi agad ni meghan at binitiwan naman ni stacy.

'' and you are?? '' sabi nito kay meghan na nakataas din ang kilay.

Sa tingin ko pa lang mukhang sasabog na sa galit si meghan, kung makahawak kasi si stacy sa braso ko para naman kaming super close.

'' she's meghan girlfriend ko '' pagpapakilala ko dito na mukhang hindi naman ikinagulat ni stacy.

'' oh so you're not single anymore and I thought you're not into girls pero that's good, because I like you Daniela I've watched you in tv before '' wow napaka direct naman nito. Nagulat tuloy ako pati mga kaibigan ko na nakikinig lang sa likod.

'' excuse me miss, thank you sa pagturo mo ng clinic kanina kasi talaga kanina ko pa iniisip kung san kita nakita but fyi she's already taken and be aware that daniela is not really into girls '' inis na sabi ni Meghan. Iba rin talaga ito makipagtarayan.

'' so hindi ka babae?? '' sabay tingin naman nito from head to toe kay meghan.

'' well stop this little commotion here at aalis na kami '' bigla naman nagpamugitna si mark at hinila na kami ni meghan palayo. Alam niya kasi na grabe lang ang pagpipigil ni meghan sa sarili niya na huwag awayin at sabunutan si stacy.

'' diyos ko ngayon alam ko na ang sinasabi ni denton tungkol sayo daniela, kahit ata straight nababaliko mo '' saad ni angela sabay turo nito kay meghan na naglalakad na mas una pa sa amin.

'' sundan mo na yung girlfriend mo at mukhang tigre na naman baka mahirapan kang mapaamo yan ''

Hay naku heto na bakit ba sinabi yun ni stacy, hindi ko naman siya kilala. Hay life galit na naman ata si megmeg ko.

'' meghan '' tawag ko dito at yun na nga hindi na ako pinapansin.

Ano ba naman yan!!!!!

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon