"Narinig mo ba ako? Ang sabi ko, gusto ko nang makita si Aki."

"You should rest, Ingrid."

"Baka gutom na iyon, e. Baka hindi pa iyon naliligo. Baka miss niya na iyong mga laruan niya. Baka miss niya na ako..." Napaiyak ako sa mga palad ko. "Hanapin mo na si Aki, Ala, please... Ibalik mo siya sa akin... baka miss niya na ako kasi miss na miss ko na si Aki..."

Naramdaman ko ang pagyakap ng mainit na katawan sa akin.

"Hindi ko na kayang maghintay... hindi ko na kaya..." Napahagulhol na ako. "Hanapin mo na siya... please..."

"Hush... I'll find him." Hinalikan niya ang noo ko. "I'll find him. I promise you, I will find him."

Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Alamid, ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Hindi ko man nakikita ang pag-iyak niya, matatag man ang ipinapakita niyang emosyon ay dama ko na nag-aalala at natatakot din siya. Pero hindi niya kayang tumbasan o kahit nino ang pag-aalala ko. Ang pag-aalala ng isang ina.

Matalim ang tinging ipinukol ko kay Alamid. "Hanapin mo siya. Dapat makita mo si Aki. Ikaw ang dahilan kaya nagulo ang buhay ko. Ang buhay namin ng anak ko. Mula ng dumating ka, nagkaletse-letse na ang buhay naming dalawa."

Gumuhit ang kirot sa kulay abo niyang mga mata, pero wala akong pakialam ngayon sa nararamdaman niya.

"Tandaan mo, 'pag may nangyaring masama sa anak ko, hindi kita mapapatawad."

...

Nasa kabilang bahay si Alamid, kausap ni Ate Helen ng pumasok si Abraham sa apartment ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Paano ako magiging maayos, Abraham?"

Hinila niya ako ikinulong sa mga braso niya. "Hindi tayo titigil hanggang hindi nakikita si Kulet."

"Abraham, hindi ko kaya..." sumiksik ako sa dibdib niya. "Hindi ko kaya kapag hindi ko na makita si Aki..."

"Don't say that. Makikita mo pa siya. Makakasama mo pa siya. Natin."

Hindi ko namalayan na nakaidlip na ako sa loob ng yakap ni Abraham. Lahat ng pagod at puyat ko sa magdamag at maghapong pag-aalala at paghahanap kay Aki ay bigla kong naramdaman.

Mainit na halik sa noo at bulong ni Abraham ang narinig ko bago ako tuluyang kinain ng antok. "Rest well, mahal..."

...

"AKI?!"

Naalimpungatan ako na mag-isa na lang sa sala ng apartment ko. Lahat ng lungkot at pag-aalala ay bumalik sa akin nang mabingi ako sa sobrang katahimikan ng paligid.

Walang batang nag-iingay. Walang nanggugulo sa paligid. Walang bukas na TV at maiingay na boses ng cartoon characters. Wala lahat.

Kasi wala pa rin si Aki.

Bumangon ako at nagkusot ng mga mata. Kahit pigilan ko, kusa talagang tumutulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero bukas na ang ilaw sa kusina. Naaamoy ko rin ang mabangong ulam na mukhang bagong luto lang. Pero wala pa rin akong gana.

"Abraham?" tawag ko.

Walang sagot.

Umuwi na yata siya. Saka ko napansin ang suot kong T-shirt. Ni hindi ko namalayan na may nagpalit ng suot kong damit. Ang pinagpawisan kong blouse ay nakasampay sa kabilang upuan.

Umiyak na naman ako. Ilang minuto akong nakabaluktot habang mahinang umiiyak nang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko iyon ay halos sabog na ang inbox ko. Sa dami ng nagti-text at tumatawag sa akin, wala naman ni isa ron ang may hatid ng magandang balita.

He Doesn't ShareDär berättelser lever. Upptäck nu