"Pwede naman sya sa salas?"inis na tanong ni Kim

"Hindi pwede !"seryosong sabi ni lola kaya hindi na nakaimik pa si Kim.Padabog lang siyang pumasok sa kwarto niya.

"Lola grabe naman kayo,kawawa naman yung apo niyo."sabi ko kay lola

"Hindi,hayaan mo siya.Kailangan na niyang masanay ngayon na lagi mo syang kasama."sabi ko kay lola

"Pero lola thanks ha."bulong ko kay lola kasi baka madinig kami ni Kim

"Bakit naman?"bulong din ni lola

"Kasi binigyan niyo ako ng pagkakataon para magustuhan din ni Kim at mas magkasama kami."sabi ko kay lola

"Anong salamat?May bayad yun."sabi ni lola na ikinagulat ko

"Ano po?"nagulat kong tanong

"Haha joke lang ikaw naman apo."sabi ni lola at tinapik ang braso ko

"Aray !Nakadalawa ka na lola ha."sabi ko kay lola kasi ang sakit ng hampas niya

"Hayaan mo na,makakasama mo naman si Kim."sabi ni lola sa akin

"Haha oo nga po,apir naman dyan lola."sabi ko kay lola at tinaas ang kamay pero nung aapir na siya,hinampas ko siya sa braso.

"Aray bat mo ako hinampas apo?"nagulat na tanong ni lola

"Hayaan niyo na lola,isa lang naman."sabi ko kay lola

"Haha sige na nga,basta gawin mo ang lahat para mabago ang ugali niyang si Kim ha."sabi sa akin ni lola

"Oo naman lola,ako pa."sabi ko kay lola at kumindat pa

"Sige kain na ulit tayo."sabi sa akin ni lola

"Sige po,lumamig na tong bahaw natin eh hahaha."sabi ko kay lola

"Gaga ka sadya namang malamig ang bahaw."sabi ni lola sa akin

"Ahh ganun po ba?Aysya pahampas ng isa sa braso."sabi ko at hinampas ulit si lola

"Aray bat na naman?"galit na tanong ni lola

"Tanda niyo dalawa yung hampas niyo sa akin?Gumanti lang po ako."sabi ko kay lola

"Ahhhh ay sya sige na,kain na tayo."sabi ni lola sa akin

"Sige po haha."sabi ko na lang at patuloy na kumain kasama ang pinakacool na lola sa buong mundo

--------------------

Omay G!Matutulog na ako pero kinakabahan ako kasi baka gising pa si Kim.Sana tulog na siya,sana.

*Tok tok tok tok

"Papasok na ako."sabi ko kay Kim at dahan dahang binuksan ang pinto

Pagkasok ko,bumulaga agad sa akin ang super macho niyang katawan.Grabe nakasando lang si Kim !Omay G at may abs na agad siya,kyaaah parang gusto ko tuloy hawakan.Buti na lang at nakatulog agad siya.

Nakahiga siya ngayon sa may sahig na may nakalagay na banig.Ganito ata talaga sa probinsya,hindi uso ang kama.

Dahan dahan na akong tumabi sa kanya,grabe nakakatakot kasi baka magising ko siya at baka mas lalo pa siyang magalit sa akin.

Habang nakahiga ako,naalala ko yung mga panahon na magkatabi kami ni Kenneth sa bahay nila.Noong ginawa ko siya dati ng breakfast,noong sabay kaming maligo,noong niligtas niya ako dati sa nambugbog sa akin,lahat yun naalala ko pa.Nakakamiss din pala siya,sana namimiss niya din ako.

Hindi ko namalayan may tumutulo na palang luha sa aking mga mata,tatanggalin ko na sana ito ng biglang nagsalita si Kim.

"Hoy bat ka umiiyak?Bat ka nagdadrama dyan?"tanong sa akin ni Kim

Badidang(Gay Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon