"Wow, you really have the guts, huh. With that cheap dress, cheap shoes... you really think you can outrun a girl like me who has everything?"


"Wala sayo ang lahat Calla."


"Yes. I do. I have money and I can have everything that I want." Ngumiti ako ng sarkastiko at umiling.


"Mayaman ka nga. Marami kang pera pero naaawa parin ako sayo. Alam mo kung bakit? Dahil hanggang ngayon nang lilimos ka parin ng atensyon, lalo na kay Klaus. Sa tingin mo ba hindi ko napapansin na sa tuwing sumasama ka sa amin palagi mong sinosolo ang atensyon niya dahil ayaw mong tumitingin siya sa akin?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. Para namang tinamaan siya sa mga sinabi ko.



"No matter what you do Kayla, he's mine. Klaus is mine." Nginisihan ko siya.


"O edi sayo." Alam ko naman na sila na ni Klaus. Wala naman akong pakealam. Matagal na akong nag move on.


"I know you like him."


"Luh, di ah. Crush ko lang naman siya noon." She made a sarcastic laugh. "Nasiraan na ng ulo." Bulong ko.


"I know you like him Kayla, but whatever happens, I will never let you have him." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya at napakamot ng ulo.


"Bakit ba masiyado kang insecure sakin?"



"I'm not insecure!"



"Oh please Calla." Sabi ko sa pang gagaya ng maarte niyang tono. Kitang kita ko sa mukha niya na galit na galit na siya kaya mas lalo akong ginanahan na mang asar. "Alam ko na insecure ka sa akin. Bakit? Natatakot ka na baka isang araw ma-realize ni Klaus na ako nga ang gusto niya at iwan ka? Alam nating dalawa na masiyadong attached si Klaus sa akin. Takot ka noh?"



"You little bitch!" Bago pa ako makapag react, agad na siyang sumunggab sa akin at sinampal ako ng malakas bago hinila ang buhok ko.


Hindi ako nagpatalo at agad ding hinila ang buhok niya. Kung gusto niya ng away kalye pwes yun ang ibibigay ko sa kanya. Parehas kaming nagsisisigaw at naghihilahan ng buhok at wala ni isa ang gustong magpatalo.



"I will ruin your life! Remember that bitch!" Paulit-ulit na sigaw niya pero wala akong pakealam at hinila lang ang buhok niya.



Ang ganda talaga ni Calla... ang ganda ng buhok... ang gandang kalbuhin.



"What the hell?!" Rinig kong sigaw ni Klaus at agad na tumakbo palapit sa amin. Napansin ko ang biglang pagbitaw ni Call sa buhok ko at humawak sa kamay ko. "Hey! Stop it! Kayla let go!"



"Klaus! Please help! It hurts." Pagnamakaawa ni Calla. Hayop din talaga sa kaplastikan ang babaeng to! Woooh. The best!




"Kayla enough!" Yun. Yun ang tono ng boses ni Klaus na nakapagpatigil sa akin. Binitawan ko ang buhok ni Calla at lumayo. "What the fuck is wrong with you?"



Galit na tanong sa akin ni Klaus bago lumipat ang tingin kay Call at hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha niya. "Are you alright?"



Hindi ko alam kung ano ang mas masakit... yung sampal at sabunot ni Calla o yung tingin sa akin ni Klaus ngayon.



"Hey, it's okay. I'm here." Niyakap niya si Calla na ngayon ay humihikbi na sa dibdib niya.



Galing, pwede na mag artista. Siya nalang kaya ang kunin nung celebrity manager na kaibigan ni maam Vicky? Total magaling siyang umarte na biktima palagi.



Tinginan ako ng masama ni Klaus. "Don't do this again Kayla. I'm warning you. Don't hurt her again."




Tumayo na silang dalawa at inakay na siya ni Klaus paalis ng bahay. Nanatili akong nakaupo sa sahig. Hindi ko alam kung bakit isa-isang nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Iniyuko ko ang mukha ko sa mga braso ko na nakapating ngayon sa tuhod ko. Masakit..



"Are you okay?" Tumingala ako at nakita ko ang nag aalalang mukha ni Demitri. "You have a small scratch on your face. Does it hurt?" Umiling ako.


"Sorry I was late. I bought you a present." Ibinigay niya sa akin ang isang maliit na kahon na nakabalot at may nakataling ribbon. Ngumiti siya sa akin. He patted my head habang tinitignan ko ang regalo na bigay niya. "Happy Birthday Kaylareen."

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Where stories live. Discover now