"Eh kasi mukang hindi lang ang theater group sa school natin ang pupunta ngayon sa CCP kaya kailangan maaga para ma control agad yung crowd." Sabi ni Maan.

"Ah ok. Tatlong oras pa tayo mag iintay bago makapasok sa CCP. abay magaling. Tsss" sabi ko.

"Wag ka nga magreklamo. Ikaw late ka na nga dumating pero ang atat atat mo naman. Tara na nga sumakay na tayo sa bus. Baka maiwanan pa tayo eh." Sabi ni Maan.

Sinimulan na naming sumakay at nung nakumpleto na ang grupo, sakto umalis na kami ng alas syete papuntang CCP. habang nasa byahe, hindi mawala sa isip ko yung pangako ko kay Liza na pinako ko lang. Laking impact talaga sakin nun kaya parang wala ako sa mood. habang nakatulala ako sa bintana ng bus, bigla akong kinausap ni Maan.

"Huy!! Bat nakatunganga ka dyan? Sabog ka ba o may problema ka?" Sabi ni Maan.

"Ha? Ah eh kasi ano. Ahm... ano eh." Wala akong masabi kay Maan. Hindi rin kasi ako makaisip ng Alibi dahil wala ako sa Mood at inaantok pa ko.

"Ok naiintindihan ko kung ayaw mo sabihin kung may problema ka. Pero please pwede mo namang i set aside muna yang problema mo at enjoyin natin ang araw na to. Big deal man yang problema mo o hindi, kalimutan mo muna for today. Isa kaya to sa mga dream day natin. Sulitin natin to aba. Cheer up dre. Nakakahawa ang bad vibes mo eh." Sabi ni Maan.

Sabagay, may point si Maan. Hindi ko na dapat iniisip yun. Big deal man o hindi. Tsaka nakaisip naman na ko ng solusyon dun eh at pinangako ko naman na tutuparin ko na yun bukas. Siguro dapat di ko na iniisip at sulitin na lang ang araw na to. Kailangan ko magsaya. Dream day namin to ni Maan eh. At dream date ko naman to hehe.

"Hehe siguro nga tama ka. Pasensya na Maan ah. Salamat na rin sa mini advice" sabi ko kay Maan.

"Hehe ayan nangiti na sya oh. Mukang hindi na sya badtrip. Lakihan mo naman yang ngiti mo. Ayan ok na. Hehe" sabi ni Maan habang hinawakan ang muka ko at pinalaki ang ngiti ko.

Boost up na ang good vibes. Binigyan ba naman ako ng best advice at motivation ng crush ko eh...ah este bestfriend ko pala. Ok im back on being me. Time to enjoy this day. Pagdating namin sa CCP, ang daming taong nakapila sa entrance. Mga taga ibang school din. Yung iba ata magfi field trip. Pagkatapos ng matagal na oras na crowd control, nagsimula nang magbukas ang CCP para sa pagtatanghal na gaganapin dun. Palagi kaming magkadikit ni Maan. Kahit sa upuan. Hindi mawala sa muka nya ang kasiyahan dahil enjoy talaga sya sa panonood ng mga ganito kaysa sa sine. Ewan ko ba, sadyang pareho lang talaga kami ng trip. Madalas nga naiisip ko, bat nga ba talaga hindi naging kami na lang. Maraming bagay na pareho naming gusto, palagi pa kaming magkasundo. Totally compatible talaga eh. Naiisip ko na naman tuloy ang katangahan ko nung nakaraan. Kung bat di ko pa inamin sa kanya na gustong gusto ko talaga sya. Nag iisip na naman ako ng ikaka bad mood ko. Di na nga lang ako mag iisip ng kung anu ano. Susulitin ko na lang ang araw na to.

Napakaganda ng pagtatanghal na ginaganap. Kahit actual sya, may impact pa rin. Iba talaga pag theater. Mas nakikita ang talento ng isang artista sa actual na palabas kaysa sa pelikula. Maganda rin naman ang pelikula kaso kasi dun may mga cut and retake ang mga artista. Pwede nilang i cut ang mga maling scene nila at i retake ulit para itama pero sa theater eh rekta. Dire diretso. Dapat planchado na at bawal magkamali. Kaya nakakabilib ang mga artista sa theater. Saludo ako. Habang namamangha naman ako sa panonood, napansin ko na tulog na si Maan. Langya, kanina lang excited sya at ako yung inaantok pero sya pa ang nakatulog sa palabas. Nakakaloko rin tong babae na to minsan eh. Gigisingin ko sana sya para manood pa kaso biglang nag iba pwesto nya at humiga sya sa balikat ko. Napatigil ako bigla sa plano kong pag gising sa kanya. Syempre ito yung isa sa mga moment na iniintay ko kaya hindi na ko gumalaw at hinayaan ko syang humiga sa balikat ko. Natapos ang palabas at nagpalakpakan ang mga tao pero ako, hindi ako pumalakpak kahit nagustuhan ko yung palabas para lang hindi maistorbo si Maan. O sabihin na nating, para tumagal pa ang pagtulog nya sa balikat ko. Napaka ganid ko Haha. Habang nagtatayuan na ang mga tao para mag si alis, sinimulan ko nang kalabitin si Maan para magising. Nagulat na lang ako ng bigla syang tumayo sa upuan at pumalakpak. Naalimpungatan sya. Hindi ko alam kung tatawa ba ko o mahihiya sa ginawa nya. Paglabas namin ng theater, nagsimula na kaming pumunta sa mini museum dun kung saan nakapaskil yung mga sikat na artista sa theater noon. Medyo nagsimula na rin magparamdam yung antok sakin dahil nga hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ito namang si Maan, full charge na naman dahil nakatulog kanina. Nagsimula na kaming dumikit sa tour guide namin. Ini explain nya samin yung mga sikat na artista noon. Marami rin palang sikat na artista ngayon na nagsimula rin sa theater dati gaya nila Gloria Romero, Bella Flores, Rebecca Del Rio, Rosa Rosal, FPJ, Paquito Diaz pati Dolphy. Pero sa mga in explain nya, si Gloria Romero na lang ata ang kilala kong buhay. Nagsimula silang lahat sa theater tapos nung nabigyan ng break para maging artista sa mga pelikula gaya ng pinilakang tabing, dun na nagtuloy tuloy ang career nila bilang isang artista. Ang laking tulong ng naibigay sa kanila ng pagiging artista sa theater. Kaya mahal na mahal ko na ang pagiging performer sa theater eh. Pinagmamasdan ko ang mga litrato nila noon. Grabe mga itsura nila dati. Ang ganda ganda ni Gloria Romero noon pati ni Bella Flores pero ngayon, di ko na ma explain ang mga itsura nila. Iba talaga nagagawa ng katandaan sa isang tao. Alam ko constant ang pagtanda pero kasi nakakapanghinayang eh. Lalo na pag maganda o gwapo ang isang tao. Buti na lang may mga taong gaya ni Belo at Calayan. Pero yung mga taong may pera lang ang kaya nung mga yun na gawing bata ang itsura kahit matatanda na. Pera pera na kasi ang kalakaran ngayon eh. Habang nagmamasid ako sa mga litrato, hindi ko napansin na sobrang advance ko na pala dun sa tour guide namin. Ini explain nya pa lang yung mga artista na nakita ko na. Sa di kalayuang pwesto, may isang litrato doon na kumuha ng atensyon ko. Nilapitan ko iyon at tinitigan. Isang babae na sobrang ganda. mukhang anghel dahil sa napaka puti nya. pero napansin ko na may malaking balat sa may bandang kanang kamay nya but who cares? hindi hadlang yun sa kagandahan nya. feel ko nga pamilyar yung mukha nya sakin, feel ko nakita ko na sya pero imposible. Ang tanda na nyan ngayon for sure. Baka nga dedbol na yan eh. Habang tinititigan ko yung litrato, Hindi talaga mawala ang pakiramdam ko na nakita ko na yung babae sa totoong buhay. At pagkabasa ko ng pangalan nung babae sa litrato, napatulala ako ng matagal sa nabasa kong pangalan. Parang sinimentuhan ang buo kong katawan dahil hindi ko magalaw. Para akong robot na nag shutdown at nakatunganga lang sa litrato na yun. Nawala ako sa ulirat habang nakatitig dun.

in Another LifetimeWhere stories live. Discover now