Ang Nawawalang Motibo ng Nawawalang Kriminal

102 1 2
                                    

Chapter 8 - Ang Nawawalang Motibo ng Nawawalang Kriminal

"--

Pinunta nila sa sala ang kriminal at naupo silang lahat.

"Hintayin niyo nalang ang isa pang pangyayari at ipapaliwanag ko lahat."

Pagkatapos ng mga isang minuto. Lumabas ang isang lalake na may hawak na baril.

"Walang gagalaw! Ipuputok ko 'tong baril ko!"

"Sabi ko na nga ba e. Kanina pa kita hinihintay." sagot ni Kou.

"Wala kang hinintay kundi ang kamatayan mo."

"Ba't mo inaasar sarili mo?"

"Gusto mo na mamatay?"

"Wala ka na bang ibang sasabihin kundi mamatay?"

"Hindi ako nagbibiro dito Kou! Kung sa tingin mo na nagbibiro ako, tatapusin ko na 'to!"

"Isasama mo ko sa kanila?!" sigaw ni Knock.

"Oo, salamat nalang sa tulong mo, pero papatayin na kita."

"Tigilan mo na nga yan! Sam!" sigaw ni Cherrim.

"Wala kang kwenta! Hanggang ngayon iniisip mo parin na mahal kita?! Ginagamit lang kita para mahiganti ko si Chiye!"

"Wala kang hiya!"

Lalapit na sana si Cherrim pero sumigaw si Sam.

"Huwag kang lalapit! Papatayin ko si Elle!" sigaw ng kriminal habang nakatutok kay Elle ang baril.

"Huwag mo 'to gawin Sam! Umatras ka na!" sigaw ni Kou.

"Ikaw?! Kailan mo pa alam na buhay pa ko?"

"Nang maunawaan ko kung bakit nakabukas yung pinto kung nasaan ang bangkay ninyo ni Eric! Peke lang ang pagpatay sayo Sam! Ginawa mo yoon para hindi ka namin pag dudahan! Pero bukas ang pinto, walang dahilan para buksan ng kriminal ang pinto!" sigaw ni Kou.

"Tama nga yung sabi nila Elle, magaling kang detective, matalino ka, pero hindi mo malalaman kung bakit kailangan ko ipaghiganti si Chiye!"

"Ano ba?! Matagal na yung pangyayaring yun Sam! Tumahimik ka nga at huminahon!" sigaw ni Cherrim.

"Tumigil ka! Isa ka lang sa dahilan kung bakit pumunta si Chiye sa States!" tinututok niya ang baril kay Cherrim.

"Huwag mo tutukan ng baril si ate! Wala kang kwentang boyfriend!" sinigawan siya ni Elle.

"Isa ka lang din naman e!" nilipat niya ang tutok kay Elle.

Tinutukan niya si detective Kou.

"Ikaw uunahin ko! Ikaw lang din naman ang panira sa plano ko ngayong gabi e!" sigaw ni Sam.

"Huwag mo gawin to Sam. Huwag na huwag mo gagawin to." ani Cherrim habang umiiyak at namumula ang mukha.

"Isa..."

"Huwag mo to gawin Sam. Alam ko hindi mo kaya. Alam ko hindi." sabi ni Cherrim.

"Dalawa."

"SAM! HUWAAAAAG!!!"

"Tat..."

TING-TING-TING-TING!

May nagdoorbell.

Napatingin lahat sa pinto. Pawis na pawis na ang lahat nang maputol ito ng isang tao na nasa pinto.

"Ako magbubukas. Umupo kayong lahat!" sigaw ni Sam.

Pumunta siya sa pinto na kahoy, tinago ang baril sa likod, at onti-onting binuksan ang pinto.

Ang sumalubong sa kanya ay isang babae na maikli ang buhok, maganda, maputi, hindi katangkaran at isang pamilyar na mukha. Mayroong mga peklat at sugat-sugat sa mukha pero maganda parin kung titingnan.

"SURPRIIIIISE!" sabi ng babae.

Niyakap nito si Sam ng mahigpit at sinabi, sorry hindi ko sinabing babalik ako ah, nakaligtas ako sa crash landing ng eroplano sa States, Sam, kakagaling ko lang sa hospital sa States nang pumunta ko sa airport at makauwi. Kakadating ko lang ngayon. Sorry talaga 'di ko sinabi! Kasi gusto ko kayong masurprise!"

"Chiye? Ikaw ba talaga yan?" umiiyak na sabi ni Sam.

Natulala ang lahat sa loob sa babae't lalake na nagyayakapan sa pinto.

"Oo, ako to Sam! Ba't parang anlungkot mo? Di ka ba natutuwa na nandito ako? Ay! Wait lang ah!"

Binaba niya ang bagahe at binuksan ang bag, naglabas siya ng isang regalo para kay Sam na galing sa States.

"Binili ko yan para sayo!" ningitian ni Chiye si Sam.

"Oo nga. Ikaw nga yan, Chiye." ani Sam.

Tumulo at bumagsak ang luha ni Sam habang nakayuko na sinabayan din ng pagbagsak ng baril sa kamay niya. Anlakas ng tunog ng baril sa paghulog pero mas malakas ang tunog ng hinanakit sa puso ni Sam.

Napaluhod si Sam sa harap ni Chiye.

Nakita ni Chiye ang baril at nagulat.

"Sam?! Ba't ka may hawak na ganyan?!"

"Ipapampatay ko sana, Chiye, ipapampatay ko."

"Ha?! Ano bang nangyari nung nawala ako? Ha?"

"Tingnan mo sa loob."

Tumingin si Chiye sa loob at nakita ang mga tao, nakita niya ang bangkay ni King na may takip na towel, nakita niya si Knock na may tali sa leeg at kamay.

"Ano nangyari dito?" tanong ni Chiye.

"Pinatay ko si Eric. Pinapatay ko sila. Pinapatay ko kay Knock sila. Pinatay ko sila. Pinatay ko si Vlac! Pinatay ko si Apt! Pinatay ko si King! Pinatay ko silaaaaaa!!! Ano ginawa koooo?!?! Pinatay ko sila! Pinatay ko sila! Mamamatay-tao ako! GAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!"

"Ha?! Ano ginawa mo?! Bakit mo sila pinatay?!" sabi ni Chiye habang lumalayo kay Sam. 

"Dahil sayo. Sila ang nagpapunta sayo sa States! Dahil sa kanilang anim! Si Elle, Cherrim, Vlac, Eric, King at Apt! Sila ang nagpapunta sayo dun! Kung hindi ka sana pinapunta nila, hindi ka nasali sa crash landing na yoon!"

"Hindi naman ako napatay doon ah! Ano bang problema mo Sam?!"

"Ikaw ang problema ko Chiye. Mahal kasi kita!"

"Hindi pagmamahal ang pinakita mo Sam! Tingin mo ba kung nasa langit na ko ngayon matutuwa ako sa ginawa mo?!"

"..."

"Tsaka hindi din naman dahil sa kanilang anim kaya pumunta ako sa U.S, dahil din sayo Sam! Dahil sayo!"

Tumingin si Sam kay Chiye na may pagsisisi.

"Sinabihan mo kasi ako noon na dapat bilhan kita ng bagay na galing sa States! Dahil sa hilig mo sa mga imported! Naaalala mo pa yung nagbiro ka ng ganoon? Ha?! Dahil doon! Tapos sasabihin mo sakin ngayon na sila yung dahila..."

"BIRO LANG NAMAN YUN CHIYE E!"

"ANG PAGMAMAHAL KO SAYO HINDI BIRO!"

"..."

"SERYOSO AKO SAYO SAM! SERYOSO! UMATRAS KA NA NGA! MATUTO KANG MAGBABA NG SARILI! HINDI NAMAN LAGI IKAW TAMA! DAHIL LANG NAMATAY AKO MANGPAPATAY KA NA DIN! NANISI KA PA! WALA KA BANG HIYA NA NATITIRA SA PUSO MO?!"

"Sorry..."

"Hindi ako ang nararapat sa sorry mo. Sana nag-iisip ka muna bago ka gumawa ng isang bagay."

"Tanungin mo kung may load si Chiye, tumawag na tayo ng police." sabi ni Kou kay Mai.

Nagpatuloy ang araw at nakulong ang dalawang kriminal.

--

Lesson: Huwag magbiro tungkol sa regalo.

--

Sam: Oo, Chiye, tama ka, wala na nga akong natirang hiya sa puso ko.

May Pumapatay, May NamamatayWhere stories live. Discover now