Kapag Hindi na Nararamdaman Yung Pulso, Patay na Yan, Sigurado

132 1 0
                                    

Chapter 3 - Kung Hindi na Maramdaman yung Pulso, Patay na Yan, Sigurado

--

11:32 pm.

Naglalakad sina Vlac at Eric sa corridor nang second floor, kakagaling lang sa cr, nagkekwentuhan.

"Kalungkot talaga kanina dre, nung nabanggit ni Elle yung ano." sabi ni Eric.

"Huwag mo na paalala! Bati na ba silang magpated?"

"O bat mo tinuloy? Anlabo mo den no! Huwag na kasi!"

"Wala namang connect yung away nila sa nangyari e!"

"Wifi ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi walang connect!"

"Hahaha! Para saan yung banat mo?"

"Banatan kita diyan e!"

"Sige! 'Kaw mauna!"

"Sige! Kape ka ba? Hahaha!"

"Hahaha! Bak..."

May nakita si Vlac sa isang kwarto, nakabukas ang pintuan, may nakahiga sa lapag, duguan, may kutsilyo sa likod.

Nilapitan nila onti-onti, si Sam pala.

"Pre, si Sam! Sam! Sam!" napaturo si Vlac sa bangkay.

"Ou nga dre! Ano to?! Hala! Vlac ano to?"

"Di ko lam! Anu to? Bantayan mo yung bangkay! Tatawagin ko yung iba! Wait lang! Tingnan mo kung magigising pa!"

Tumakbo si Vlac patungo sa ibang kwarto at nanatili si Eric at binantayan ang bangkay.

--

VLAC POV

Dapat bantayan ni Eric yung bangkay. E pa'no kung bumalik yung kriminal? Dapat pala sinama ko siya. Pero baka itakas ng kriminal yung bangkay ni Sam? Baka sinusundan ako ng kriminal ngayon! Dapat pala maingat ako! Nasan siya? Sino yung kriminal? Pa'no to? Sino yung gumawa nito? Bakit si Sam? Ano ginawa ni Sam? Anu nangyayari dito sa bahay?

"GUMISING KAYONG LAHAT! EMERGENCY! EMERGEN!"

Malapit na ko sa kwarto ni...

Binuksan ko ang kwarto ni... Nasa loob siya. Tinawag ko siya.

"Nakita namin ni Eric si Sam! Duguan! Patay na! May kutsilyo sa likod! Hindi namin alam kung bakit! Anu nangyayari?! Sundan mo nalang ako!" sabi ko.

Lalabas na sana ako ng pinto nang may naramdaman akong tumusok sa likod ko, malaki, matulis na matulis, kutsilyo, kutsilyo yung bagay na yoon. Meron ding malambot na tuwalya, para hindi tumalsik yung dugo sa kanya. Siya pala yung kriminal. Kilala ko na, kailangan ko isigaw.

Napaluhod ako, at onti-onting napadapa, may mga lumabas na dugo sa bibig ko.

Hinila niya ang kutsilyo sa likod ko, yung kriminal, sinaksak niya ulit sakin, hinila niya ulit, at muling isinaksak, wala na, mamamatay na ko...

"Yung kriminal si..."

Dumilim ang paningin ko. Wala n...

--

ERIC POV

Bakit ako yung pinabantay ni Vlac? Pa'no kung nandito yung kriminal? Baka mamatay ako! Pero dapat bantayan ko yung bangkay ni Sam.

Antagal naman ni Vlac. Nasaan na kaya siya.

Silipin ko nga sa labas.

Sinilip ko ang labas ng kwarto. At may sumaksak sa likod ko. Inulit niya pa 'to nang tatlong beses. Sinalo niya ako nang madadapa na ako. Hinila niya ako patungo sa gitna nang kwarto, malapit sa hinihigaan ni Sam kanina.

Napahiga ako, sinilip ko ang taas nang isa pang beses, ang nakita ko ay isang tao na mahaba ang buhok. Yoon lang, nandidilim na paningin ko, sasaksakin niya ko ulit, sa ulo niya ko sasaksakin. Hindi ko pa nasasabi kay Elle na mahal ko s...

--

11:53 pm. Dalawang minuto pagkatapos mamatay ni Vlac.

Naglabasan ang lahat sa sari-sariling kwarto nila, pati din pala ang mag-asawa ay magkahiwalay ng kwarto.

"Ano yung ingay na yoon? Kitang natutulog ako." sigaw ni Kou na may pagkaantok.

"Narinig ko emergency daw." tugon ni Knock.

"Gising ka pala blueberry ko." bati ni Apt.

"Ano meron? Ba't sila Vlac tsaka Eric wala? Hindi sila gumising?" tanong ni King.

"Pati si Sam hindi lumabas." sabi ni Cherrim.

"Oo nga. Nasaan silang tatlo?" pagduda ni Elle.

"Hanapin nalang kaya natin?" sigaw ni Mai.

"Oo nga! Angaling talaga ng asawa ko." sang-ayon ni Mot.

Naghanap sila sa buong bahay at walang nakita sa first floor, nagsi-akyat silang walo at nakita ang bukas na pinto kung nasaan ang dalawang bangkay, yung kay Sam at yung kay Eric.

Hindi makapigil si Elle at Cherrim at nagsigawan sila, natalo pa ang lakas ng ulan sa lakas ng sigaw ng dalawa.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

Nagulat ang lahat sa kinahinatnan ng dalawa.

"Sino gumawa nito?" sabi ni Knock.

"Nandito tayong lahat e. Posibleng nag-away sila, pero dalawa silang patay, kaya ang posible lang ay pinatay nang tagalabas." sabi ni Apt.

"Posible ding tagaloob." angal ni Kou.

Pinagtinginan siya ng lahat.

"Pa'no yoon mangyayari e lahat tayo nasa kwarto nang mangyari 'to?" sabi ni Cherrim.

"Hindi e. Hindi ko pa alam. King, alam mo ba kung anong oras lumabas sila Vlac at Eric?" tanong ni Kou.

"Hindi ko sure pero 11:30 yata e." tugon ni King na may pagkanginig ang pagkasabi.

"12:00 lang ngayon so ngayon lang ito nangyari."

--

KOU POV

Posibleng tagalabas ang gumawa nito, pero meron ding pwede gawin ang tagaloob. Ang problema, sino?

Pareho silang nakadapa, sinaksak sa likod, madami ang pagkasaksak kay Eric at isa lang kay Sam, bakit?

Tsaka nakasarado ang bintana, walang basag, isa pa yoong dahilan kung bakit tagaloob ang pumatay.

At ang is...

"May nakasulat sa gilid ni Eric o!" sabi ni Elle.

"Anu yaaAAAN?" sabi ni Cherrim.

Binasa ko ang nakasulat.

"FOLD EQUALS KILL. KING OF HEARTS."

"Ano ibig sabihin niyan Kou?" sabi ni Mot.

"Hindi ko pa alam. Pamilyar ba sa inyo 'to?"

Walang sumagot nang oo. Lahat hindi. Ano tong fold equals kill? Anu meron sa king of hearts? Sugal ba to? Cards? Konektado sa cards? Konektado sa ibang king? Kung konektado sa cards, bakit hindi nalang king? Bakit king of hearts yung sinulat ng kriminal?

Tsaka yung pinakaimportanteng detalye, bakit nakabukas yung pinto ng kwarto? Ang normal na kriminal itatago ang biktima, hindi normal ang mangpapatay tapos ibubukas yung pinto para makita yung biktima nang iba. Bakit niya binuksan? Ano meron sa krimen na 'to? Bakit kailangan mangyari 'to? Sino ang gumawa nito?

May Pumapatay, May NamamatayWhere stories live. Discover now