Mag-iwan Lagi ng Dying Message pag Mamamatay na

99 1 0
                                    

MPMN CHAPTER 4 - Mag-iwan Lagi ng Dying Message pag Mamamatay na

--

12:21 pm.

"Huwag ninyo hawakan yung bangkay. Walang lalapit sa bangkay. King, Mai, Mot, Apt, try ninyo tumawag ng pulis. Elle, Cherrim, Knock, dito lang kayo sakin."

Nilapitan ni Kou ang bangkay at ineksamina.

Pagkatapos nang isang minuto, bumalik ang apat na pinapunta sa telepono.

"Putol ang linya sa telepono, sira." sabi ni Apt habang humihingal.

"Tingnan natin yung mga sasakyan at try natin pumunta sa police station." solusyon ni Kou.

"Tara!" sabi nilang walo.

Nagsitakbuhan sila sa harap ng bahay at lumabas, tiningnan ang mga sasakyan.

Binuksan ni Kou ang pinto at sumakay, inandar niya ang sasakyan.

"Wait!" sigaw ni Apt.

"Ano yoon?"

"Flat yung mga gulong, pati yung kayla Vlac." tugon ni Apt.

"Oo nga pala. Bakit si Eric lang nandoon? Wala si Vlac?" pagtigil ni King sa lahat.

"May umiilaw doon o!" tinuro ni Elle ang isang lugar malapit sa mga puno kung saan may nakailaw.

Lumapit sila at may nakita silang flashlight.

"Bakit may flashli... May nakahawak... si Vlac!" sigaw ni Cherrim.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" sumigaw ulit ang dalawang magkapatid.

Kinuha nila ang bangkay dahil nababasa sa ulan at nilagay sa may silong. Pumasok sila sa loob ng bahay at umupo at huminahon sa sala.

Umiiyak sina Elle at Cherrim ng malakas. Niyakap sila nina Apt at Knock.

"Okay lang yan." sabi ng dalawa.

"Naiihi na ako." sabi ni Mot.

"Ako din e." sagot ni King.

"Sabay na din ako." ani Apt.

"May kukunin lang din ako sa kwarto." nagmamadaling sabi ni Knock.

Umakyat ang apat at nagsipuntahan sa cr maliban kay Knock na may kukunin sa kwarto.

--

SITWASYON SA TAAS

Isang cabinet lang ang nasa cr at tatlo silang lalake kaya nagsipila sila. Una ay si King, pangalawa si Mot at ang pinakahuli ay so Apt.

Pumunta naman si Knock sa kwarto niya at kumuha ng isang libro.

--

SITWASYON SA BABA.

Naghihintay silang apat na natira sa baba.

Nag-iisip si Kou, nagkekwentuhan sina Elle at Cherrim at nakatulala lang si Mai, naghihintay kay Mot.

Pagkatapos ng kalahating minuto, bumaba na si King. Umupo lang din at kumagat sa kuko.

Pagkatapos ng isa pang kalahating minuto, sumunod naman na bumaba ay si Mot, pumutna kay Mai at nakipaglandian.

Sumunod na minuto ay bumaba si Knock. May dala-dalang laptop at libro.

"ALAM KO NA YUNG KING OF HEARTS!" sumigaw si Kou.

"Ano yun?" tanong ng lahat sa detective.

"Sa apat na king sa baraha, yung king of hearts lang yung walang bigote, at yung isang lalake na walang bigote satin ay si..."

"GAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!"

"Si Apt ba yun?" tanong ni Kou.

Napatigil si Knock sa lakad niya at napatingin sa taas, nagpanic siya at nilapag ang laptop at libro sa lamesa ng sala at pinasunod ang iba tungo sa taas.

Nagtakbuhan silang walo papunta sa taas at papunta sa banyo. Nakabukas ang pinto. Pumasok silang lahat. Nasa gilid ng bathtub na puti si Apt, nakahiga, duguan, may saksak sa tiyan.

At tulad nang nangyari sa iba, walang ginawa ang dalawang magkapatid kundi sumigaw.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

May nakasulat sa dingding, parang dying message, ang letrang "k" at ang kalahating "n".

"Knock?" tumingin lahat kay Knock.

"Hindi ako! Posibleng yung kriminal ang nagsulat niyan o kaya si King yan at parang letter n lang yan!" depensa ni Knock.

Nagtinginan ang lahat kay King.

"MAS LALO NANG HINDI AKO! Wala ba kayong tiwala sakin?"

"Huwag na kayo magturuan lahat! Huminahon kayo! Ako na bahala diyan!" galit na sabi ni Kou.

"Wait! May nakasulat pa sa tabi niya o!" sigaw ni Mot.

Binasa ni Kou, "1st. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 10th. 17th?"

"Panibago nanaman ah." sabi ni Kou.

--

KOU POV

Ano yung nakasulat sa dingding? Dying message ba to? Ni Apt? Nung kriminal? Sino yung nagsulat?

Andaming tanong na nasa loob ko.

Una, yung dying message, "ki" o "kn"?

Pangalawa, yung pintong bukas sa una.

Pangatlo, bakit nakahiwalay yung katawan ni Vlac sa dalawang unang biktima? Posible bang dalawa yung kriminal?

Pang-apat, ano yung ibig sabihin ng fold equals kill?

Panglima, ano yung mga numero na nasa gilid ni Apt?

At pang-anim, lahat kami nasa baba nung sumigaw si Apt, pa'no yun nangyari?

Yung pinaka-importante, sino ang nampapatay?

May Pumapatay, May NamamatayWhere stories live. Discover now