Hindi Mo Papatayin ang Hindi Mo Kilala

186 3 1
                                    

Chapter 1 - Hindi Mo Papatayin ang Hindi Mo Kilala

--

"Kuya Kou! Saan nga ba tayo pupunta?" sabi ng isang babae na nakaupo sa backseat. 

"Sa uhhmmm. Malay ko ba. Mot, saan nga ba destinasyon n'ten?" sabi ng katabi niya. 

"Basta! Ang alam ko lang yung daan! Hindi yung address!"

Ito ang tatlong siraulo na papunta sa isang bahay na nasa taas pa ng bundok. 

Unang-una, ang bida, yung tinanong ng babae tungkol sa tagpuan, oo, yoon yung bida. Pangalan niya ay Kou. Siya si Kou Nan. Isang ditektib na sikat sa kadulu-duluhan pa ng bansa natin. Magaling naman. Okay lang. Pero hindi pa ganoon kagaling. Hindi. Mataas ang buhok niya, naka-claydoh, maliit ang mata, maliit ang ilong, maliit ang bibig, pero malaki ang utak. Kumpletong kabaligtaran ng ostrich. Nakasuot siya ng black na polo, necktie na red at white na undershirt sa pangtaas at black pants at sapatos na kulay black sa pangbaba. 5'6 ang height niya, pero kasing-haba lang ng isa't kalahating 1/4 pad paper ang paa ng matangkad na 'to. 

Pangalawa, ang babaeng nagtanong, siya si Mai, ang "bespren" ng ditektib. Mahaba ang buhok, hanggang sa tiyan, wavy at may pagkakulot. Mahilig sa kulay red, at yoon ang dahilan kung bakit siya nakakulay red na hikaw ngayon, nakakulay pulang tshirt, pulang vans na sapatos, pulang bracelet at baller, pulang contact lens, pulang medyas, pulang cutex, pulang kwintas. At tsaka pula din ang buhok niya. Kumain yata ng maxx na red. 

At pangatlo, yung driver, si Mot, asawa ni Mai, isa ding bespren ni Kou. Malapad ang katawan, pumupunta sa gym, malakas, mukhang microphone sa gupit niya at may red din siya na highlights sa buhok. Perfect couple. Naka-sandong roundneck at summer pants tsaka tsinelas lang 'tong asawa ni Mai. With matching shades. Mukha siyang nag-iingat pagdating sa katawan pero isang dangkal ang pagkain niyan ng kanin sa almusal, isa't kalahati sa tanghalian at 2 sa hapunan. Bawi lang yung taba sa pag-gym.

Nakasakay ang tatlong 'to sa isang toyota vios na sira-sira na dahil sa magulong pagmaneho ni Kou, ngayong nasa bundok sila, pinagbawalan siya ng dalawa niyang kasama.

Pupunta sila sa bahay na ito dahil inimbita sila ng dalawang magkapatid na mayaman para makakain ng hapunan. Dahil libre naman ang ditektib at wala masyadong kliyente (dahil hindi sikat!), naisipan niyang um-oo. 

At ngayon naman, nawawala sila sa bundok na to.

"Huy Mot ko! Alam mo ba talaga yung daan?" sabi ni Mai habang nilalambing at niyayakap. 

"Huwag ka magulo! Nagdadrayb ako! Ang taas ng bundok! Gusto mo mahulog diyan?!"

At dahil hindi niya tinitignan ang daan, hindi niya namalayan ang sasakyan na nasa harap niya. Napaliko siya bigla at napaliko sa inaakala niyang maling daan, pero tama pala.

Habang nagdadrayb siya kahit hindi niya talaga ALAM, may nadaanan silang bahay na may kumakaway sa kanila. Lumampas si Mot ng onti at tumigil. Tumingin sa likod nila at napakagat-labi ng limang segundo. Tinapakan niya ang clutch, inayos ang kambyo sa reverse at tinapakan ang gas. Mabagal ang pagka-atras niya para kunyari nag-paparking.

"Sabi ko sayo alam ko yung daan e! BOOM!"  

"Chamba lang liko mo e! Umasa kaaaaa!!!"

Nanlalaki ang mata ni Kou habang tinitignan ang dalawang pala-away na mag-asawa.

"Tara na. Labas!" sabi ni Kou pagkatapos tumahimik nang dalawa.

Lumabas sila at sa tabi nila ay nag-paparking na sasakyan, kulay black na civic.  

Pagkatapos nito mapwesto ng maayos ang sasakyan. Lumabas ang tatlong lalake na sa unang tingin palang ay parang galing sa party. Nagtatawanan ang tatlo habang tinitingnan lang sila ng tatlo ring bida.

May Pumapatay, May NamamatayWhere stories live. Discover now