Last, Last, Last Month

91 1 0
                                    

Chapter 2 - Last, Last, Last Month

--

Pagkatapos ng kalahating oras ng pagdating ni Sam, kumain ang labing-isang tao sa bahay na iyon.

"Ansarap namaaaaan!" sigaw ni Kou, ni Mot at Mai habang naglalaway sa Beef Stroganoff, Carbonara, Sushi at madami pang pagkain na minsan lang matikman sa isang buwan.

Hinila nila agad ang sariling upuan at umupo nang tuwid. Walang nagsalita at hinintay nalang nila ang iba na umupo.

"Mukhang gutom na kayo Mr. Kou." sabi ni Apt, ang tatay nila Elle at Cherrim, ang mga nag-imbita.

"Opo s..."

BANG!

Kumidlat ng malakas at nagsimula ang ulan na mayroong mga patak na kasing laki ng kamay ng higante. Malakas ang tunog ng ulan sa bubong, parang mga yapak ng isang kapre at wala ka nang makita sa labas ng bintana kundi ang pagkabasa nito.

Nagulat ang dalawang magkapatid sa sigaw nang bagyo. Napatalon sila sa upuan nila at muntik na matumba.

"Tsk tsk tsk. Bawas-bawasan niyo nga pag-inom ng kape!" sabi ni Sam, ang boyfriend ni Cherrim.

"Hindi naman kami nagkakape e!" angal ng dalawa.

"Oo na, oo na, upo nalang kayo ulit." pagpapahinahon ng ina nilang si Knock.

Umupo nalang ulit ang dalawa at nagkwentuhan nalang sila ulit. Napuno ng tawanan at sayahan ang kwentuhan sa gitna, nang biglang mabanggit ni Elle ang isang maling bagay.

"Umuulan nga pala! Naalala ko tuloy yung last, last, last month!" sigaw niya.

Tumahimik ang lahat at sumimangot.

"Bakit anong mali sa sinabi ko?"

"Ikaw yung mismong mali Elle, ikaw." tugon ni Sam at sinabayan ng tayo at pag-alis sa kwarto nang kainan. Bumalik siya sa sala at umupo doon ng tahimik.

Sinundan naman siya ni Cherrim na tinitigan rin si Elle ng masama. Tumahimik ang buong kwarto at tinapos nilang lahat ang pagkain nila.

At mukhang naO-OP ang tatlong bisita, walang kaalam-alam sa nangyari.

Kinausap ni Kou si Vlac, yung katabi niya, "Excuse lang ah, ano ba yung nangyari last, last, last month?"

"Mamaya kikwento ko sayo, huwag lang sa harap ng kainan at sa harap nila."

"Ah sige. Maya ah."

Natapos ang lahat sa hapagkainan at iniwan nila ang lamesa.

"Sir Kou! Paano na kayo makakauwi niyan? Gusto niyo po bang matulog dito?" sigaw ni Elle kay Kou.

"Okay lang ba sa inyo na dito kami matulog?"

"Oo naman sir! Kayo pa! Malakas kayo samin idol!"

"Thank you Elle ah." ningitian ni Kou si Elle at tumungo kay Vlac na kinakausap nila Eric at King, nagbubulungan sila.

"Vlac, ay, okay lang bang Vlac tawag ko sayo?"

"O sige. Okay lang bang Kou tawag ko sayo?"

"Okay lang naman. So ano yung nangyari last, last, last month?"

"Ganito kasi yu..." sagot ni Eric na pinutol ni Vlac.

"Ako na! Bano ka magkwento e!"

"O sige go! Maniwala ka sakin detective. Bano din yan magkwento." pangasar ni Eric.

Sinimangutan siya ni Vlac at nagpatuloy na sa kwento, "Kasi, last 3 months, yung gf ni Sam bago si Cherrim, namatay sa airplane crash, kaclose namin siya e, kaming anim, sina Eric, King, Sam, Elle, Cherrim at ako. Pinapunta namin siya sa States kasi hindi pa siya nakakapunta doon. Siya yung pinakamakulit samin, pinakanakakatawa, kaya nung nawala na siya, sira na ang buhay niya."

"Anu pangalan niya?"

"Chiye. Mench apilyedo niya."

"Ahhh. Okay. Condolence nga pala. Sorry din na tinanong ko pa to. Alam ko masakit para sa inyo. Sorry ulet."

"Hindi. Okay lang naman e. Diba 'ric? King?"

"Okay lang..." tugon ni Eric tsaka King.

"Kitams? Peksman, okay lang samin bro. Basta close na tayo! Hahaha!" sabi ni Vlac sa detective.

"Thanks bro. Bukas nalang. Tulog na tayo."

"Aga pa! Sige! Tulog ka na!"

Umalis si Kou at pumunta sa kwarto nilang tatlo nina Mot at Mai.

May Pumapatay, May NamamatayWhere stories live. Discover now