11

1.2K 32 1
                                    

"Teh ano bang gamit mong sabon at ang kinis ng kutis mo?"

Kanina pa ang mga bading na 'to sa kakatanong ng kung anu-anu. Nakakabadtrip na.

"Surf powder."

Walang gana kong sabi. Ang sakit na ng buhok ko dahil sa pinagagawa ng bading na 'to.

"Huwat? Surf pwder? That's for the clothes."

Paki mo eh sa yun ang gusto ko.

"Shiny-shiny ng hair mo bruha ka. Anong shampoo use mo dito?"

Yung hair stylist na naman ang nagtanong.

"Baby oil."

Bored kong sabi. Hindi ba nila ako titigilan sa mga walng kwentan tanong nila?

"Really? What brand I wanna try it."

Napugtong hininga na lang ako. Napatingin ako kay panget na nakasandal lang sa gilid. Nakabihis na ito. Nagmukha naman siyang tao sa tuxedo na suot niya. Wag niyo ng asahan na e-detailed ko yung itsura niya ngayon. Aksaya sa oras. Wala namang nagbago sa kanya panget pa rin.

"Yan finish nah teh! Bongga ng beauty. Inggit aketch. " – make-up artist

"Finish na rin ako sa hair mo teh! Ang ganda ganda mo gurl. For sure maraming papables ang mabibingwit mo dun" –hair stylish

"Hindi ako mangingisda."

Bored ko pa ring sabi. Yun pa rin etsura ko. Exage lang yung dalawang bakla. Maganda naman talaga ako dati pa.

"Bihisan ka na namin." –hair stylist

Excited yung dalawang bakla. Tatanggalin ko na sana yung tapis kong towel naka shorts naman ako at tube pero biglang nagsalita si panget.

"Out."

Poker face si panget.

"Fafa Reese naman, you're so kainis. We're also girls eh."

"Correctness. Hindi namin pag-iinteresan ang katawan ng girlalo mo."

"Don't make me repeat myself."

May pagbabanta sa boses niya.

"I'm so kilig na here." –hair stylist

"Me too, hindi naman siya ganyan kay Stacey." –hair stylist

"Shut up!"

 Natakot yata ang dalawa kaya lumabas na rin. Sumunod rin siya doon sa dalawa.

Sinuot ko na yung long gown na color white. Hapit ito sa katawan. Tubeless ito at may slit sa kaliwang paa. Wagas naman ang slit halos litaw ang buo kong left leg pag lumakad. Tapos sa likod. Walang likod back less. Grabe naman. Magkakapolmunya naman ako nito. Seriously? Sasali ba ako ng pageant?

"Oh my God! Ikaw na ang diyosa ng kagandahan at kaseksihan gurl."- –hair stylist

"Hoy sungit Reese bantayan mo ang girlalong 'to at pag-aagawan 'to doon."-make up artist.

Pumasok na pala uli ang sila sa loob. Hinagod naman ako ng tingin ni panget.

"Change. It doesn't suit you."

Malamig niyang sabi habang nakapamulsa. Bigla naman kumulo yung dugo ko sa harap-harapan niyang panlalait.

"Isa lang yung pinadala ni Miss Paris na gown."- –hair stylist

"Super ganda naman ah. Bagay na bagay nga sa kanya. –make-up artist

"Fuck!"

Mahilig talaga siyang magsalita ng ganyan. Kahit mahina yung pagkakasabi niya rinig ko pa rin. Mas lalo tuloy akong nainis. Kinuha ko na yung purse ko at lumakad susunod rin naman yan. Sinabi na rin panget sa dalawang bakla na sila na maglock dito pagkatapos maglipit at ibibigay na lang sa kanya ang susi mamaya sa party.

Pgbukas ko ng pinto. Nandoon si Jek. Kakatok pa sana siya sa pinto.

"Shy? Ikaw ba yan? Ang ganda mo lalo. Yan ang suotin mo ha sa acquaintance party namin ha."

Oo nga pala sa niyaya niya ako sa acquaintance party nila. Advance masyado 'tong si Jek, katatapos pa nga lang ng school year. Acquaintance na agad..

"Alam ko kong maganda ako kaya dapat gwapo ka rin sa acquaintance party niyo. Wag mo akong ipahiya."

Natatawa kong sabi sa kanya. Nanlalaki pa rin kasi ang mga mata niya pagkakita niya sa akin.

"Let's go. It's already 8.30PM. We're fucking late!"

My Jerk Roommate [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon