4

1.4K 37 0
                                    

"ON!"

"OFF sabi!"

"Fuck! Your pain in the ass!."

Ass your face! Halos 10PM na hindi pa rin kami natutulog. Pano ba kasi gusto niya naka-ON ang ilaw eh ako naman gusto ko naka-OFF dahil hindi ako makatulog kapag bukas. Nasisilaw ako.

Tumahimik na si panget kaya ini-OFF ko na. Payag rin pala pinatagal pa. Makatulog na nga. Antok na rin ako.

Hindi pa malalim ang tulog ko kaya nagising ako dahil parang may nahihirapang huminga. Guni-guni ko lang siguro. Pumikit ako uli pero ayun na naman. Mas lalo pang lumakas ang tunog. Kinabahan ako ng sobra.

"Ruan?"

Ngayon ko lang siya tinawag sa kanyang pangalan. Hindi ito sumagot mas lalo akong kinabahan baka anong nangyari sa kanya sa itaas. Agad akong bumangon at kinapa ang switch pero walang ilaw after kong enon. Lumalakas ng lumalakas ang tunog. Nahihirapan na talaga siyang huminga. Ng switch ON swith OFF ako pero wala. Lumingin ako sa bintana. Blockout.

Taranta akong umakyat sa kama niya. Niyugyog ko siya. Parang ako yung mawawalan ng hininga dahil sa kaba.

"I.can't.bre.breathe."

Naiyak na talaga ako. Parang naulit lang yung eksena dati. Inalalayan ko siyang umupo. Tumabi ako sa kanya hinimas ang kanyang likod.

"Ruan I'm here please breathe. Please. Please."

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang hinihimas pa rin ang likod niya. Natataranta na ako ng sobra. Niyakap ko pa siya saglit tapos himas ulit. Yung Isang kamay ko ngayon nakahawak sa isang kamay ni Ruan.

"Please breathe Ruan. I'm just here. Breathe."                      

Unti-unting naging normal ang paghinga niya pero hindi ko pa rin siya binitawan. Nang maramdaman kong parang okay na siya bigla akong yumakap uli sa kanya. This time matagal pero hindi ko hinigpitan, yun ang way ko para kumalma ako nanginginig pa rin kasi ako sa takot. Thanks God okay na siya.

"Are you okay Shy?"

Tsk! Siya pa ngayon ang nag-alala. Kumawala na ako sa kanya. Okay na ako. Hindi na nanginginig.

"Ako dapat magtanong niyan. Wag ka ngang mamamatay dito baka maging suspek pa ako. "

Sabi ko lang kasi parang naging awkward ng moment.

"Crazy. Let's stay like this."

Buti na lang wala pang ilaw. Nakasandal kaming dalawa sa dingding dahil dikit siyempre sa wall yung double deck namin, siya na ngayon ang humawak sa isa kong kamay at magkatabi pa rin ng sobrang dikit. May ganito rin palang side si Ruan.

Mukhang may ilaw na yata. Kinusot-kusot ko yung mata ko bago dahan-dahang minulat.

"Morning gorgeous super model."

Napaawang yung bibig ko sa sobrang gulat. Si Drew may hawak na cellphone. Napansin niyang nakatingin ako sa cellphone niya.

"Ops. My bad. Sorry, sarap kasi ng tulog niyo kaya hindi ako nakapagpaalam na picturan kayo."

May gumalaw sa tabi ko. Actually yung galaw na yun ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko.

Gusto kong sumigaw. Pero walang kumabas sa bibig ko. Gusto ko siyang itulak pero mahuhulog naman siya sa simento. Ang hirap ng pwesto namin dahil dalawa kami sa higaan na pang-isahan lang.

Sobrang kahihiyan na 'to. Ano ba kasing nangyari? Haist! Nakatulugan na namin habang naghihintay magka-ilaw.

Bigla akong naconcious sa itsura ko. Nasa harapan ko si Drew na nakangesi pa rin at panay pa rin ang picture o video wan ko sa kanya sinasamantala niya na nahihirapan akong bumangon.

"So this is the place huh. "

May biglang nagsalita mula yata sa pintuan. Hindi ko naman makita kung sino dahil nakahiga pa nga ako. Pero base sa mukha ngayon ni Drew parang kinakabahan yata siya, palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa taong kadarating lang. Sino ba kasing dumating. Gulat na gulat itong si Drew, nanlalaki ang mga chinito niyang mga mata.

Yung yabag papalapit sa amin.

"Ruan! What's the meaning of this?"

Nagulat ako sa pagsigaw ng babae. Isang napakagandang babae. Matangkad at sobrang puti. Nakafloral dress ito at may manipis na make-up.

Hinawakan ito ni Drew parang inaawat. Galit na galit ang itsura niya babae.

"Damn it dude! Get up!"

Doon pa nagising si Ruan sa pagsigaw ni Drew. Nakatingin siya akin. Napansin niyang nakayakap pa siya sa akin kaya dali-dali siyang bumangon. Ng mapatingin na siya kina Drew.

"Paris!"

My Jerk Roommate [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon