6

1.3K 38 3
                                    

"Ito pa. Ito pa super model and here lechon."

Puno na ang plate ko ng ibat-ibang pagkain. Ang kulit ni Drew. Nandito pala kami ngayon sa isang beach resort. Ang ganda. Nakakamiss rin pala ang ganito. Hindi oras ng pag-eemote kaya enjoy lang dapat.

Hindi natuloy ang lakad namin ni Jek. Okay lang naman daw. Babawi na lang ako next Saturday.

Obviously hindi rin natuloy ang lakad namin ni Kai. Naintindihan naman niya. Tatawag lang daw siya sa akin to check baka daw mapano ako.

"Salamat handsome."

Pinisil ko pa siya sa pisngi.

"You two look good together."

Pati sa pananalita sosyal. Kung titingnan mo siya ngayon napaka sophisticated naka red two piece ito pero may suot siyang cover top yung manipis na tela. Ang ganda at sexy niya.

Nag-smile lang ako sa kanya. Hindi yun plastic na smile ha medyo okay naman pala siya sa ngayon. Nakakairita lang yung pagdidikit niya kay panget. Sakit sa mata.

"Shy right? Saang school ka?"

Si Kurt. Nandito rin pala ang barkada nila Drew. Classmates sila lahat. Si Paris lang ang 2nd yr college. She's 19. Ang bata niyang tingnan kala ko nga 3rd yr H.S din siya. Si Drew 17 magka age kami. Si panget 18.

"Sa Lozenzo National High School."

Public school yung nilipatan ko. Maganda naman ang school yung mga students lang may topak.

"Saan ang address nun makalipat nga sa school niyo Shy."

Si Jed isa pang playboy ng grupo nila. Pano ko nalaman? Eh lahat yata na babae kanina na nakasalubong namin kinukuha ang number.

"Marami bang pwedeng sampulan ng kamao dun sa school mo?"

The bad boy Lenard. May sinapok yan kanina nung may biglang nanghipo sa legs ko habang naliligo kami sa pool.

"Hindi pangmayaman ang school ko."

Sabi ko na lang. Obvious naman na mayayaman ang mga 'to. Si Drew nga kahit walang license may sariling kotse actualy silang lahat may sariling sasakyan.

"It doesn't matter."

Si Jed na nagkibit balikat.

"Everything is possible."

Si Drew na tumingin kay panget. Kumunot lang yung noo ni panget. Pansin ko lang hindi siya nagsasalita masyado. Dahil ba nandiyan si Paris? Pa good boy ang loko.

"Brace yourself Shy something big will happen."

Ano ba naman 'tong pinagsasabi ni Kurt?

"WOW! Naubos mo yun lahat? Pati yung balat ng letchon kinain mo?"

Ang O.A lang ni Drew. Ano naman ngayon kung malakas akong kumain eh sa nagugutom ako at namiss ko talaga ang ganito.

"So?"

Nakataas ang kilay ko niyan. Actually silang lahat gulat na gulat na naubos ko yung lahat na pagkain sa plato ko.

"Amazing."

Anong amazing doon Kurt? Gutom lang talaga ako.

"Cute."

Ginawa pa akong tuta ni Lenard.

"No wonder."

May pa no wonder pa 'to si Jed.

"Kaya mataba."

Buhay pa pala ang panget na 'to. Mas mabuti na nga yung hindi siya nagsasalita.

"Hindi ako mataba!"

Basta siya ang nanglalait kumukulo ng sobra ang dugo ko.

"I can see 3 layers there."

Tinuro niya ang tiyan ko. Doon na ako naubusan ng pasensiya. Mataba pala ha. 3 layers? Ano ako balyena. Bwesit!

"I am not fat, jerk!"

Kumuyom na yung kamao ko sa inis. Siya naman nagsmrik lang.

"Yes you are, witch!"

Ah ganun!

"WHO'S FAT NOW? ASSHOLE!"

Sa sobrang inis ko. Hinubad ko yung suot kong shorts at maluwang na t-shirt.

Si Drew nabuga ang umiinom na softdrink.

Si Lenard ngumite ng nagkakaloko tapos nakipag high five kay Kurt na tumatawa.

Si Jed sumisipol. Ano pa bang aasahan mo sa isang playboy pag nakakita ng naka two piece ayun at halos lumuwa ang mata.

Pagtingin ko kay panget nasang ibang deriksiyon nakatingin.

Si Paris naman tawa ng tawa as in yung walang poise.

"Serves you right brother."

Brother? Kapatid? Bago paman ako makapagsalita. Hinila na ako ni Paris tinanggal na niya rin yung cover top niya parehas na kaming naka two piece ngayon at kinaladkad niya ako papuntang dagat.

"Fuck!"

Narinig ko pang sabi ni panget. Tapos lahat ng barkda niya nagtatawanan.

My Jerk Roommate [FIN]Where stories live. Discover now