3

1.4K 44 0
                                    

"Everything is settled then."

Katatapos lang namin sa isang madugong pag-uusap. Kung usap nga ang tawag dun. It's official we're bedmates now, pinangatawanan ko na talaga ang bedmates eh nasa iisang double kami eh.

 Pabor naman sa akin dahil 3months na wala akong alalahanin sa renta. Halatang mayaman ang isang 'to kutis pa lang daig pa yata ako. Haist! Bat ko pa ba poproblemahin ang iba mas marami akong sariling alalahanin. Bahala siya sa buhay niya.

Tumayo na siya at nilibot ang tingin sa kwarto. Naghahanap yata ng cabinet. Asa naman siya na magkakaroon kami ng ganun ni request ko yun ni madam pero wala eh. Ako nga 6months bago nakabili ng orocan pinag-ipunan ko pa yun ng bongang-bongga.

Tumayo ako at kinuha yung mga damit sa pinakaunang drawer. Nilipat koi to sa ibang drawer.

"Dito mo ilagay yan. Heto rin yung susi sa drawer mo."

Hindi ito umimik basta na lang kinuha ang susi sa kamay ko at pinagpatuloy ang pag-aayos. Pinagmasdan ko lang siya. Binuksan niya yung isa pa niyang bag at inilabas ang laptop, maliliit na speaker yata.

Kinalikot niya yung laptop tapos nagheadset. Maya-maya pa may kausap na siya sa laptop. Nag-skype siguro.

Nagugutom na ko. Makabili na nga ng pagkain. Dumaan ako sa likuran niya pero bumalik rin ako at kinalabit siya. Nagsenyas ako na tanggalin niya yung headset. Mukha naman itong nainis.

"Anong gusto mong kainin? Ibibili kita."

Wala naman talaga akong paki sa kanya no! Ngayon lang 'to dahil hindi pa niya kabisado ang lugar medyo malayo rin yung pwedeng mabilhan ng pagkain.

Nagtaka naman ako dahil parang namula siya. Mainit naman din kasi dito isa lang yung electric fan tapos dalawa kami.

"Shut up Drew!"

Drew? Napatingin ako sa laptop niya may ka-video call pala. Nasa monitor ang isang lalaking ubod ng charming. Kumakaway ito at ang ganda ng ngeti. Feeling ko namumula na ako.

"Tsk! He's crazy. He wants to say hi. Tsk! Playboy."

Umupo ako sa tabi niya. Tinanggal niya yung headset at ini-on ang speaker.

"Hi there super model. Drew here, bestfriend ng panget na katabi mo."

Natawa agad ako sa sinabi niya. Preha kaming panget ang tawag sa katabi ko. Nagsmile rin ako kay Drew.

"Shy. Nice to see you Drew. You're charming and hot."

Ganting biro ko sa kanya. Mas lalo itong tumawa. Wagas nga eh. Aliw na aliw.

"So how's life now? You're leaving with that ugly jealous man."

Magkakasundo kami nito ni Drew ang gaan kausap. Maraming patawa. Hindi tulad nitong katabi ko na nakasimangot. Galit siguro dahil nakikigamit ako sa laptop niya. Jealous nga talaga 'to para kasing mahal na mahal niya 'tong laptop.

"I can manage Drew."

Siyempre nakasmile pa rin ako. Pacute ng konti. Konti lang naman.

"Hey stunning super model, can I visit there?"

Nagpacute rin ang loko. Ginamitan pa ako ng puppy eyes, siyempre tumalab naman. Joke! Mukhang mabit si Drew at halatang gusto lang makipagkaibigan so why not.

"Anytime handsome."

Nagwink pa ko. Nakita kung amuse na amuse siya sa ginawa ko. Kala mo ha uurongan kita.

"Whoah you are really something Shy."

Sasagot pa sana ako sa biro ni Drew pero hinila niya ako patayo.

"Tsk! Territorial."

Si Drew yun.

"I'm starving. Buy something for lunch."

Wow! Makapag-utos ha? Tinulak pa talaga ako. Bwesit talaga!

My Jerk Roommate [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon