QUEEN OF THE CAMPUS TERRORS
Status: On going
written by ANGELYKA (basaGOALera)
Date started: August 13, 2018
Date finished: ###
All rights reserved.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
~
Tenchu so much for reading basagoalistas~
To be notified with updates and important announcements, you may visit my twitter account:
@basaGOALera
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
READER ADVISORY AND WARNING:
SOME CHAPTERS CONTAIN EXPLICIT CONTENT AND DEPICTS VIOLENCE WHICH MAY BE APPALLING TO SOME READERS. READER DISCRETION IS ADVISED.
READ AT YOUR OWN RISK!
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
PROLOGUE
WHY do most people want to be popular, to be surrounded with the crowd, to belong to a group, to be loved by many, to be the life of the party—to be the talk of the town?
It's kinda ridiculous how most people desire fame like it's the most precious thing in life.
And yes, inaamin ko, isa rin ako sa mga taong 'yon na naghahangad makilala ng karamihan. Tinitingala. Hinahangaan. Pinag-uusapan.
Siguro nga likas lang na ugali 'yon ng isang tao. Ang maghangad ng katanyagan at purihin ng lahat. At wala akong pinagkaiba sa karamihan.
Kaya nga siguro no'ng tumuntong ako ng highschool, gano'n na lang ang pagsusumikap kong gawin ang lahat para makamit ang mga bagay na inakala kong makapagbibigay saya sa'kin.
Sumali ako sa isang student's organization, nagsumikap mapabilang sa class honors' list, nag tryout sa isang sport, naging member ng isang academic club, nakilahok sa iba't-ibang school competitions at nakipagkaibigan sa mga kilala ring outstanding students.
Lahat-lahat na yata ng pwede kong gawin para lang makilala sa buong school nagawa ko na.
At sino ba naman ang mag-aakalang matatamasa ko nga ang inaasam kong katanyagan?
Lilyth Roana Ruth, naging matunog ang aking pangalan sa buong school. Nagkaro'n ako ng maraming kaibigan, tagahanga at mga tagasuporta.
Sinuman siguro sa sitwasyon ko'y wala nang mahihiling pa. Para sa'kin, tila narating ko na ang tuktok ng tagumpay. Nagawa ko!
Ngunit sa hindi inaasahan, dumating din ang araw kung kailan hihilingin kong sana hindi ako kilala ng mga tao. Na sana hindi ko naaagaw ang atensiyon ng lahat tuwing dumadaan ako. Na sana hindi ako pinag-uusapan ng mga tao.
Bakit mo pa gugustuhing makilala ng lahat, kung kinakatakutan ka rin lang naman nila? Kinamumuhian. Iniiwasan.
Hindi ko rin naman sila masisisi. Ako ang nagbago. Ako ang kusang lumayo. Ako ang nakapanakit ng taong minsan nang naging mahalaga sa'kin.
Pero bakit nga ba ni isa man lang sa kanila ay walang nag-abalang magtanong o magtaka kung bakit ako umabot sa ganito? Walang may pakialam.
Siguro gano'n nga naman talaga ang mga tao. Kahit gaano karami ang kabutihang nagawa mo, ang maaalala at maaalala pa rin nila ay ang isang pagkakamaling nagawa mo.
Hindi kasi sumagi sa isip ko dati na isang pagkakataon lang. . . isang pagkakataon lang ang kinakailangan upang mabago ang buhay ko. Isang pangyayaring hindi ko kailanman napaghandaan. Isang pagyayaring naganap sa gabing iyon. Ang gabing umukit ng masamang alaala sa aking isipan na kailanman ay hinding-hindi ko makakalimutan. . .
YOU ARE READING
Queen Of The Campus Terrors
General FictionShe's not a good person. Lilyth Roana Ruth, known to be the Queen of the Campus Terrors, is a vixen who has a bad reputation. While everyone cowers at her presence and all her notorious friends, a new student--Keivloire Belleza--became the first p...
