We arrived at the parking lot. Dinala niya ako kung nasaan ang sasakyan niya. Bumaba na ako mula sa pagkakabuhat niya at sinubukang tumayo ng tuwid. I looked at his car.

It's the latest model. Of course. Ever since, he makes sure that he uses ostentatious cars. What do you expect from a person who owns an international car manufacturing company?

"I have my own car." I said when he motioned for me to get in. Tinaasan niya ako ng isang kilay at seryosong tinignan.

"You can't drive. You're drunk."

"Hindi nga sabi!"

"Are we gonna spend the whole night in this parking lot arguing whether you're drunk or not or you are going inside this car and I will drive you home?"

"Hindi nga—" Napahawak ako sa kotse at sumuka sa tabi. He sighed and rubbed my back.

"Ang tigas talaga ng ulo mo Kaylareen." Sabi niya habang pinupunasan ang mukha ko ng panyo niya. Nawalan na ako ng lakas upang makipagtalo kaya nagpadala na ako sa kanya nang ipasok niya ako sa kotse.

"San tayo pupunta? Sa unit mo ba?" Mukha naman siyang natigilan dahil sa tanong ko.

"We can't go there." He sighed. "Why don't we stay at some hotel?"

"And then what?"

"And then you sleep." He said as he turn on the keyless car ignition.

"Are you going to sleep with me?" Umirap siya at umiling.

Edi wag kung ayaw. Arte arte.

"Then why don't we just go to my place?"


Oh no. Ginulo ko ang buhok ko at agad na tumayo nang maalala ang mga nangyayari. I stared at the slightly opened door with wide eyes. Parang gusto ko nang isarado ang pinto ng kwarto ko at wag nang lumabas hanggang sa mamatay ako. Iling lang ako ng iling habang iniisip na posibleng si Klaus ang nasa labas. No no no.


Dahan-dahan akong naglakad palabas ng pinto at natampal ko ang noo ko nang makita si Klaus na nakatalikod sa akin at nagluluto.


"Shit." I unconsciously said. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Napaawang ang bibig ko dahil sa itsura niya.


"Goodmorning Kaylareen. I hope you don't mind, pinakealaman ko na ang ref mo." He looked at the refrigerator at kumunot ang noo. "Are you eating properly? Bacon at itlog lang kasi ang laman."


"W-what—why—" I'm actually lost for words. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Kung ano ang una kong itatanong. Lumawak ang ngiti niya


"You puked on me last night." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. He put his one hand on his hips while his other hand robbed his chin. "Although.. I think you did it on purpose to see my body."


"Kapal talaga ng mukha." So that explains why he's only wearing his boxers and nothing else.

I looked at his body. I blinked twice. Wow. Siguro hanggang ngayon nag wowork out pa siya dahil sobrang firm na tignan ng cuts niya, lalo na yung abs niya.


"Baby, don't stare at my body too much." Kumindat siya bago ibinalik ang tingin sa niluluto niyang bacon.

"Magdamit ka nga." Inis na sabi ko sa kanya at dumeretso sa ref upang kumuha ng tubig pero agad akong natigil ng may maalala. "Teka.. sinong nagpalit ng damit ko?"

Hindi siya nagsalita. He turned the stove off at inilipat sa plato ang mga pagkain na niluto. Mukhang nagbibingi-bingihan ang mokong kaya binato ko siya ng plastic na apple na nasa lamesa. Tinamaan siya sa batok kaya agad siyang lumingon sa akin habang hinahaplos ang tinamaang parte ng ulo.

"What?"

"Sino ngang nagbihis sa akin?" He shrugged.

"Sa tingin mo sino?" Ngumisi siya sa akin at binato ko ulit siya ng isa pang mansanan pero nasalo niya iyon kaagad. "Come on, what's in there that I haven't seen? But you're right though, you're boobs got bigger."

"Manyak! Lumayas ka dito sa unit ko! Alis!" Pinagtulakan ko siya paalis pero hindi naman siya natinag, imbes ay tumawa lang siya. Shet, ang tigas nga talaga ng katawan niya.

"You're blushing." Pang aasar niya.


"I'm not!" He laughed harder na mas lalong kinainis ko.

"Cute." He pinched my nose and I slapped it away.


"Okay, okay I'm leaving." Natatawang sabi niya bago kinuha ang mga damit na nakasampay. Mabilis niyang isinoot ang pantalon. "Eat your breakfast Kaye."

He winked and grinned at me bago lumabas na bitbit sa isang kamay ang polo. Gosh, kapag may nakakita sa kanya sa lumabas ng unit ko na topless baka kung anong isipin. Nakakahiya. I knew meeting Klaus once is a bad idea. Natatakot na agad ako sa mga sunod na pwede pang mangyari.

Running Away from the Billionaire (LOB series #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora