Mas lalong kumirot ang aking puso sa isipin. She doesn’t care. Parang unti unti akong nanghihina sa tuwing maiisip na hindi ako kayang pagbigyan ng aking ina sa kaligayahan ko. After two days of rejection from my mother, nilunod ko ang aking sarili sa kakaiyak. Nagkulong ako sa aking kwarto at hindi lumabas. At inusig ako ng konsensya ko dahil ni hindi ko man lang nabalitaan si Vincent nang tungkol sa mga nangyayari sa akin.

“Mika!” napadiretso ako ng tayo. Tapos na akong maligo at inaayos ko na ang sarili ko.

Tiningnan ko ang cellphone kong kakailaw lang.  

“MIKA!” Mas malakas na sigaw ang aking narinig. At kinilabutan ako sa pangalawang tawag sa akin.

“V-vincent…” Untag ko sa aking sarili at agad na nagtatakbo palabas ng aking pinto.

Sunod sunod ang tawag. At palinaw iyon nang palinaw, palakas nang palakas. Lumabas ako ng main entrance ng aming bahay at nakita ko si Vincent na kapit sa magkabilang braso ng dalawang guard at si Mommy na nakatayo sa harap niya.

“Get him out of here!” utos ni Mommy. Nakaturo siya sa daan papunta sa gate namin.

Nanlalaki ang mga mata ko at kumalabog ang puso ko. Si Vincent. Ngayon ko na lang siya ulit nakita! Kahit sa malayo, napansin ko pa rin ang namumungay ngunit matapang niyang mga mata. Magulo ang buhok niya at gusot gusot na ang damit niya. At nang makita niya ako, mas lalo siyang pumiglas. Nagulat si Mommy sa kanyang ginawa kaya lumingon siya sa akin.

“Mikaella! Go back to your room! Now!” sigaw ni Mommy habang nakamwestra ang hintuturo sa second floor ng bahay. Hindi ko siya pinansin. Nagtatakbo ako palapit sa kanila.

“MIKA! Anong nangyari? Why aren’t you answering my calls? What happened to you? To us?” hirap sa pagsasalita si Vincent dahil sa kakapiglas sa dalawang guard na may hawak sa kanya.

Hindi ko nasagot si Vincent dahil sa gigil sa dalawang guard na may hawak sa kanya. “BITIWAN NIYO SIYA?!” sigaw ko. Tiningnan ako ng dalawang guard at bumaling din kay Mommy.

“No. Paalisin niyo siya rito.”

 

“Bitiwan niyo siya!” salungat ko sa gusto ng nanay ko. Tinakbo ko ang distanya sa amin ni Vincent. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. At tila hudyat iyon nang malakas na pagbawi niya sa kanyang dalawang brasong hawak ng mga guard. Nakawala siya at niyakap niya ako.

“What happened? Pinagbabawalan ka na ba? Tumatawag ako. Bakit hindi ka sumasagot? Do you still have your phone?” sunod sunod na tanong niya.

Nagsisi ako. Hindi ang sagot sa mga tanong niya. Hindi ako pinagbawalan at may cellphone pa rin ako. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin ng mga nakaraang araw at kung bakit hindi ko siya kinausap.

Umiling ako at humikbi sa dibdib niya. “I-I’m sorry.” 'yon lang ang nasambit ko.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Where stories live. Discover now