chapter 2

5.7K 163 1
                                    

Maxine's POV

Naasar na inihampas ko sa mesa ni latnce ang notes ko at matalim na sinalubong ko ang nagtatakang anyo niya. Mariin ding naglapat ang labi ko at pinipigilan sakalin siya.

"Anong problema?" tanong niya.

"Ipinahiya mo ako kay Sir Lucas, alam mo ba 'yun?" singhal ko sa kaniya.

"Hindi ko alam 'yun," seryosong tugon niya.

Sa inis ko ay pinaghihila ko ang buhok niya at ngalingaling iuntog siya sa pader.

"Huwag mo akong pag-tripan, baka gusto mong ikalat ko sa buong campus na closet queen ka," pananakot ko sa kanya.

Sumimangot si Lance at umayos ng upo, binatukan ko uli siya.

"Transfer mo lahat 'yan sa malinis na notebook, ikaw ang gumawa ng kasalanan. Tapos dinumihan mo pa ang notebook ko," nakairap na wika ko.

"Oo na, saka ang choosy mo, ha. Ako na nga ang gumawa ng paraan para mapansin ka ng crush mo," nagtatampong wika niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata sabay takip ng bibig niya gamit ang kamay ko.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo at baka may makarinig sa'yo. Machismis pa ako," naiiritang saway ko.

Tinabig niya ang kamay ko.

"Yuck!! Ilayo mo nga sa akin 'yang kamay mo sa bibig ko," nakalabing saad niya. Umarko ang kilay ko.

"Ang arte mo talaga Lancelot," taas kilay na turan ko.

"Syempre ang gusto kong lumapat sa labi ko ay 'yung mabangong kamay ni Sir Lucas at Sir Diego," malanding turan niya.

I rolled my eyes. Ang landi talaga! Ang sarap ahitin ang kilay niya.

"Babae nga hindi pinapansin ni Sir Lucas, ikaw pa kaya na walang matris," sarkastikong wika ko at tinaasan siya ng kilay.

Itinukod niya ang siko sa mesa niya at ipinatong ang baba sa kamay niya.

"Nakakainis ka sa halip na palakasin mo ang loob ko, di-na-down mo pa ako," nakangusong wika niya.

Nag-peace sign ako sa kanya kaya inirapan niya ako.

"Umuwi na nga lang tayo!" wika ko at hinila ko siya patayo. Sakto naman na mapadaan si Sir Lucas na parang hari na pag-aari ang buong hallway. Hindi rin nakakapagtakang blangko ang ekspresyon ng mukha niya dahil palagi namang gano'n ang awra niya.

"Good-bye, Sir" sabay naming wika ni Lance na namimilipit sa kilig. Palihim na siniko ko siya.

Huminto muna siya at nilingon kami bago tumango ng marahan. Kumilos uli siya at nilagpasan kami.

Napapikit ako ng masamyo ko ang natural na bango niya at ang gamit niyang cologne. Hindi masakit sa ilong ang pinagsamang amoy niya.

Shucks!!!! Lalo tuloy naaakit ang mga styudante niya, at kabilang na ako sa kanila.

------------------------------

Lucas's POV

Hawak ang kopita na may lamang dugo ay sumandal ako sa frame ng pinto at inikot-ikot ang dugo sa kopita bago inisang lagok iyon.

"Nagkakagulo na ngayon sa Havilland, Prince Lucas. Hindi ba tayo pupunta roon para tumulong?" tanong ni Diego na nagsalin ng dugo sa kopita.

Ang Havilland ay isang mesteryosong lugar kung saan nakatira ang mga katulad naming bampira. Lugar kung saan malaya naming ginagamit ang kakayahan namin.

"Hindi na tayo kailangan doon. Ano ang laban ng mga half-blood sa mga katulad nating sacred blood?" balewalang wika ko at nagsalin uli ng dugo sa kopita ko.

"Prince Lucas, umanib na si Felix sa mga half-blood at siya na ang namumuno sa kanila. Alam din nating ikaw lang ang makakatalo sa kanya," giit niya.

"Sila ang nagpaalis sa akin sa lugar na 'yun dahil ayaw kong pakasalan si Moira," paninisi ko sa kanila.

"Pero 'pag hindi ka pumunta roon ngayon, masisira ang Havilland," giit niya, trying to persuade me but I didn't budge.

"Matagal nang nasira ang Havilland. Simula noong pinalayas nila ama ang nag-iisang golden blood ng lahi natin," tukoy ko sa sarili ko. Ako lang kase ang naiiba sa lahat dahil sa dugo ko na kulay ginto.

"Pakasalan mo na si Lady Moira, para makabalik na tayo sa Havilland," turan niya.

"Are you kidding me? Saan ka nakakita ng magkapatid na nagpapakasal at nagsasama sa iisang bubong at may mga anak na," malamig pa sa yelong saad ko.

"Alam mong 'yon ang patakaran sa katulad nating royal blood," saad niya.

"Hindi ko nakakalimutan "yun, Diego, pero hindi ko talaga masikmurang makasama ang kadugo ko bilang asawa," salubong ang kilay na wika ko.

Bumuntong hininga siya at sumandal sa kitchen counter.

"Ako din naman, pero anong magagawa natin kung 'yon na ang nakatadhanang mangyari," wika niya.

"Mas gugustuhin ko pang manatili rito kaysa bumalik sa lugar na 'yon na tanging ang hangad ay kapangyarihan. Puwede naman akong maging hari kahit hindi ko pakasalan si Moira," nagpoprotesta ang kaloobang saad ko.

Mahal ko si Moira dahil siya ang kaisa isa kong kapatid at hanggang doon lang 'yun. Kaya nang ipilit nila na pakasalan ko siya ay nagrebelde at tumanggi ako sa gusto nila.

Hindi nila ako pinakinggan kahit anong protesta ang gawin ko. Itinakda pa rin nila ang kasal namin na hindi ko sinipot. Dahilan para palayasin ako ni ama na kasalukuyang hari ng Havilland.

Halos isang dekada na rin ako rito sa mundo ng mga tao. Palipat lipat kami ni Diego ng tirahan at ngayon nga ay dito na kami sa Pilipinas napadpad.

Wala na kaming balak na lumipat muli dahil mas naging tahimik ang buhay namin dito ni Diego. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ngayon ay ipinapaalam nila sa akin ang nangyayari sa Havilland.

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon