"Ang hina pala ng lalaking 'yan. Walang laban sa akin sa inuman!" Mayabang na sabi ni jethro.

Nilapitan ko siya. "Bat mo naman nilasing?" I hissed. "Atsaka bakit kayo magkasama?" Tanong ko.

Nagkibit lamang siya ng balikat at naghubad ng tux niya. Binigay niya 'to sa akin 'tsaka humikab. "I'm sleepy. Doon muna ako kay cain." Sabi niya.

Bago ko pa man siya mahila pabalik ay mabilis na itong nakatakbo papasok sa kwarto namin. Sht! Kahit kailan talaga, ang kulit kulit ng lalaking 'yon.

Napailing na lamang ako at lumapit kay skyrile. Gumalaw ito at nagkamot ng leeg. Napangiti ako nang maalala na mahina ang tolerance niya sa alak. Nakipag-kumpetensiya ba siya kay jethro? Kay jethro pa talaga na sanay nang uminom? How bright skyrile.

"Ngayon nalang nga kita ulit nakita, lasing ka pa." Bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya. Nagmukhang maliit ang sofa sa laki at tangkad niya. Gumalaw ulit siya at unti unting nagmulat ng mga mata. Saglit akong nabigla nang makasalubong ko ang mapupungay niyang mga mata. Halatang gusto nang bumagsak ng mga mata niya at pinipilit niya lamang itong imulat.

"S-Sorry..." Aniya. "Sorry kung hindi ako nagpapalita sa 'yo...I-I just want to give you space to think. Ayokong ma-pressure ka kapag parati akong nakadikit sa 'yo." Malungkot siyang ngumiti. Pabagsak na talaga ang mga mata niya. "M-Mahal na mahal kita....sobra."

Nanubig ang mga mata ko. Hindi ko alam na kaya niya pa palang mas palambutin ang puso ko. How can this man make my heart beat fast?

"Please....fight for me." Unti unti nang humina ang boses niya. Pumikit na siya. "Because, I'll fight for....you." Halos pabulong na niyang wika.

Napatakip ako ng bibig at impit na umiyak. Sinandal ko ang noo ko sa gilid ng ulo niya. Hindi man natin alam ang mga pinagdaanan nating dalawa...alam ko na parehong mahirap 'yon.

Buo na talaga ang desisyon ko. Lalaban ako para sa kaniya. Ipaglalaban ko kung ano ang nawala sa akin noon, si skyrile 'yon.

"WHAT'S the plan?" Tanong ni jethro nang papungas-pungas siyang lumabas ng kwarto namin. Humikab pa siya at tamad na umupo sa tabi ng sofa, kung nasan si skyrile.

Bumuntong hininga ako. "I-I don't know...you tell me," Sabi ko. Mahimbing ang tulog niya sa tabi ni cain nang gisingin ko siya. May mga bagay pa kasi na komplikatado at kailangan ko ng advice mula sa isang taong alam kong hindi kami huhusgahan ni skyrile. Si jethro iyon.

Seryoso ang mga mata niyang tumutok sa akin. "Tell them. They will understand," Tukoy niya sa kanila mommy. Tumango ako. Alam ko naman 'yon pero natatakot pa din ako sa magiging reaksiyon nila. What if...hindi nila matanggap si skyrile? "They will do everything to make you happy." Aniya.

"I know.....i-im just tense." Kabadong sabi ko. Bumaling ako kay skyrile. Nakaupo lang ako sa carpet kaya nang humarap ako sa kaniya ay pumantay ang mukha ko sa mukha niya. "I love him jethro...hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawawala ulit siya sa akin." Nang mga panahong akala ko ay hindi na ulit kami magkakasama ay kalahati sa buhay ko ay nakalibing na sa kalungkutan. Ni hindi ko na naisip na posible pa palang makalapit ako ng ganito sa kaniya at matitigan ko ulit siya. Parang panaginip lang ang lahat at ayokong magising.

"Then, fight with him." Rinig kong sabi niya. "I want you to be happy, too." Aniya.

Nangangamba ang mga mata ko habang nakatitig sa mukha ni skyrile. Marami akong inaalala dahil ayoko namang maging selfish. Oo gusto kong maging masaya pero ayoko namang may nagdurusa dahil sa akin.

"I am thinking about sam and her family. They will not approved us." Ayoko rin namang lalong magalit sa akin pamilya ni sam. Kahit papano pa naman ay maayos na ang trato nila sa akin. Ayokong bigyan sila ng rason para kasuklaman ulit ako.

He tsk. "You don't need their approval, victoria. Hindi na sila ang pamilya mo atsaka sinaktan ka ng mga taong 'yon...they don't deserve any of your kindness." Malamig niyang sabi. "Kung ayaw nila sa'yo at 'di ka nila matanggap, let them. You have us. Kami na ang pamilya mo ngayon. Wala na silang lugar sa buhay mo." Ramdam ko ang galit sa boses niya. Ayoko mang makaramdam siya ng ganiyang galit para sa ibang tao dahil sa akin ay hindi ko na maaalis 'yon sa kaniya. He's been with me in my misery. Bawat nakikita niyang pagdurusa ko ay dahil sa pamilyang 'yon. Marami silang ginawang kinasakit ko, pero pamilya ko pa rin sila. No matter what happened in the past....In the eyes of God I am still part of their clan. Kalahati sa dugo ko ay galing sa kanila.

I can't fully erase them on my system.

At lahat ng opinyon nila ay may lugar pa rin naman sa puso ko. Hindi ko na maaalis iyon lalo na't lumaki akong parating nakikinig at sinusunod ang mga opinyon at utos nila. With them, I can't be with myself. Hindi ko rin magawang mahalin maski ang sarili ko, but they are still important to me...despite of everything.

"You think...I'm evil if I will be selfish for skyrile?" Mahinang tanong ko. Being selfish is bad....but if i will be good all the time, i might lose him forever. Can I just be bad for once?

Huminga ng malalim si jethro. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko, dahilan para bumaling na ako sa kaniya.

"You don't. And I don't mind either." Nagkibit balikat siya. "Parati ka nalang mabait sa lahat. Subukan mo rin namang isipin ang sarili mo. Hindi naman masama kung iisipin mo naman ngayon ang ikaliligaya mo." Sabi niya.

Tumango ako at sinandal ang ulo sa balikat niya. Ngayon lang naman. Gusto ko lang maging masaya kasama si skyrile. Forgive me, samantha.

"You deserve to be happy, victoria. More than anyone else...you deserve him." I hope I can have that happiness now jethro.

"You deserve to be happy, too.." Bulong ko sa kaniya.

He sigh. "I am happy as long as everyone is happy. Lalo kana. You are like a sister to me." Aniya na ikinangiti ko.

I also prayed to God that you will find a girl that will ease every pain you have in your heart, jethro.

Sa ngayon ay kailangan ko munang maghanda kung paano magpapaliwanag sa kanila mommy kung bakit nandito si skyrile. At gusto ko na ring sabihin sa kanila na handa akong lumaban para kay skyrile.

This time, ako na naman ang gagawa ng paraan para sa aming dalawa.

Nag-angat ako ng tingin kay jethro nang may maalala ako. "May tatanong pala ako." Sabi ko. Umayos ako ng upo at mataman siya tiningnan.

"Go." Cool niyang wika.

Huminga ako ng malalim atsaka nilapat ang palad ko sa tapat ng puso ko. Nakita ko ang lungkot na bumalatay sa mga mata niya nang sundan niya 'yon ng tingin. Kumurap siya at muling bumaling sa mga mata ko.

Nasasaktan ako para sa jethro....

"Naaalala mo siya sa akin 'di ba? Noong gabing sumugod si sam, tinawag mo akong baby. Si bea lang ang tinatawag mo non 'di ba?" Napalunok ako. "Jethro, lalo ba kitang pinapahirapan?"

Natulala lamang siya. Bumuka ang bibig niya at ilang ulit na kumurap.

"Sorry kung nahihirapan ka dahil sa akin." Malungkot kong wika. Alam kong gusto na niyang makalimutan ang sakit na nararamdaman niya at ang tulungan ako at bantayan ay lalong nagpapahirap sa loob niya. Nagiging malaki akong sagabal sa paglimot niya.

"Just be happy, victoria. 'Yon lang ang hinihintay ko." Sabi niya atsaka nag-iwas ng tingin.

Nanginig ang mga labi ko. "Pwede ka nang lumayo jethro. Hindi mo na ako kailangang alagaan at protektahan. Huwag mo na akong isipin."

Napayuko siya para itago ang dumaang paghihirap sa mga mata niya. "Kapag pinabayaan kita para ko na ring pinabayaan ulit si bea." Naluha ako. "Let me protect you until you're okay. Kapag sigurado na akong magiging okay kana...i'll be gone for awhile."

Napasinghap ako at yumakap sa kaniya. All this time, ako lang pala ang iniisip niya. Kahit nahihirapan na siya. Ako pa rin ang iniisip niya. Nasasaktan siya at tinitiis niya iyon para alagaan si bea sa pamamagitan ko.

"I'm sorry..." Hikbi ko.

"We will be okay...." I know jethro.

Time will come....and everything will okay.

Hopefully.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now