Present ang mga pinsan ko at parents nila. Si lola ay halatang masayang masaya na kumpleto kami ngayon. Gusto rin kasi ni dad na makapag enjoy kaming lahat ngayong araw.

"Cheers for cain!" Natawa kami nang i-angat ni Aj ang bote ng coke sa ere. Beers are not allowed today. Kaya ang mga pinsan ko ang tinatawag na killjoy party itong ginagawa namin. Nababatukan tuloy sila ng mga tatay nila.

"Cheers!" Nakisakay na rin ang mga lalaki.

Ngumuso ako at lumapit sa kanila. Magkakatabi lang kasi sila, e. As usual hindi na naman naghihiwalay ang kuya at mga pinsan namin. Parating dikit ang mga 'to, eh.

"Kamusta ang sugat mo?" Tanong ni kuya vlane na agad akong inakbayan pagkalapit ko sa kanila.

Ngumiti ako. "I'm fine. Hindi naman masakit." That's true. Parang galos lang naman ang nakuha ko. 'Tsaka hindi naman ako talaga mahihimatay kung hindi nakisali ang puso ko.

"You sure?" Paninigurado niya.

Tumango ako at kinuha ang inaabot na tubig ni krade. "Yes. By the way where is jethro?" Hindi ko pa 'yon nakikita mula nang magising ako. Busy kaya siya? Nag-eensayo?

"We haven't see him, yet." Iling ni mike.

"Kanina ko pa nga 'yon hinahanap," Komento ni kuya.

Huminga lamang ako ng malalim. Sana nga busy lang siya. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga salitang huli kong narinig sa kaniya. Si bea pa rin ba ang tinutukoy niya?

Sinilip ko ang cellphone ko kung sakali bang may signal na. Itetext ko sana si jethro, pero nadismaya lang ako nang makitang wala pa ring signal. I sigh. Paano ko mako-contact si jethro? Kailangan ko pa man din siyang makausap.

"Victoria?" Nag-angat ako ng tingin kay krade nang lapitan niya ako. Nang silipin ko ang iba ay abala pa ang mga ito sa pag-uusap tungkol sa business kasama si dad. Si mommy at cain naman ay pumasok muna sa kwarto.

"Hmmm?" Sabi ko lang.

Umupo siya sa tabi ko. "Nasa labas si jethro." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko."Bakit hindi siya pumasok, krade?" Takang tanong ko.

"He wants to talk to you." Huminga siya ng malalim. "He's waiting." Aniya pa pagkatapos ay sinenyas ang nakasarang pintuan.

Napatingin na rin ako doon. What's with jethro right now? May problema ba ito na ayaw ipakita sa iba? Is it about bea, her sister?

Tumango na lamang ako kay krade at tumayo. Napatingin sa akin sila mommy. Tinuro ko nalang ang pinto and mouthed jethro's name. Kaagad naman nilang nakuha ang ibig kong sabihin. Mabuti nalang at hindi ako pinigilan ni mommy.

Nang lumabas ako ay nakita ko kaagad si jethro na nakayuko at nakasandal sa pader. Malalim ang titig nito sa baba na para bang may nakikita siyang sagot rito. Lumapit ako at tumayo sa harap niya. Hindi niya ako tiningnan pero alam kong alam niyang nasa harap niya lang ako.

"Anong problema jethro?" Alalang tanong ko. "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?" Tanong ko pa.

Hindi siya sumagot. Mas lalo ko pang nilapit ang sarili ko sa kaniya. Amoy alak siya! Buong gabi ba siyang nag-inom? Gulong gulo pa ang buhok niya at medyo lukot na rin ang polo niya.

"Nagpakalunod ka na naman ba sa alak?" Mahinahong tanong ko.

Hindi pa rin siya sumasagot. Ni hindi nga rin niya ako tinitignan. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"Jethro? Anong problema?" Nagtitimping tanong ko.

Sinubukan kong abutin ang mukha niya pero tinabig niya lamang ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Jethro naman!" I hissed. "Nandito ka para makipag-usap 'di ba? Then, why won't you talk to me?!" Frustrated kong wika. Hindi ko lang kasi siya maintindihan minsan. Ang hirap niyang basahin kapag ganitong tahimik siya.

Hindi niya pa rin ako sinasagot. Kumunot ang noo ko. "Jethro...." Malakas akong bumuga ng hangin habang titig na titig sa kaniya. Wala ba siyang balak tingnan ako? Ano bang problema niya? "Wala ka talagang balak mag-salita?" Napailing nalang ako nang hindi niya pa rin ako sinasagot. "Fine. Tawagin mo nalang ako ulit kung handa ka nang mag-salita. Alam mo namang handa akong makinig sa 'yo. Thanks for helping me last night, by the way..." Sumusukong sabi ko bago ko na siya tinalikuran.

Wala naman kasi akong magagawa kung ayaw niya pang magsalita. Kahit alam kong may pinagdadaanan siya ay hindi ko pa rin siya pipilitin. Kilala ko si jethro. Hindi mo siya mapipilit kung ayaw niya. It would be useless kung pipilitin ko pa siyang sabihin sa akin ang problema niya. Mas mabuting kusa na lamang niyang sabihin 'yon.

Akmang papasok na akong muli sa loob ng cabin namin nang bigla siyang nag-salita na ikinatigil ko. "Tatanggapin mo ulit siya sa buhay mo? Kahit sinaktan ka niya...mahal mo pa rin siya?" Mahinang tanong niya.

Nanatili akong nakatalikod sa kaniya. Nanginginig ang mga labi ko. "J-Jethro..." Wala akong masabi at hindi ko mabulalas na totoo ang mga sinabi niya.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "Hindi ko pa rin siya makalimutan. Araw araw siya ang nasa isip ko. Gabi gabi nasa panaginip ko siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwalang hindi na babalik si bea sa akin." Nabasag ang boses niya. "Yesterday was her birthday, right? Nag-celebrate lang naman ako kaya para akong basahan ngayon. I just want to forget about her for a while." Peke siyang tumawa. "The funny thing is...lalo ko lamang siyang naalala at ang sitwasyong meron kami noon. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung paano kaya kung lumaban pa siya? B-Baka...baka masaya na kami ngayon k-kasi tanggap na kaming d-dalawa." Garalgal ang boses niya.

Nangingilid ang mga luha kong hinarap siya. "I'm sorry. Nakalimutan ko." Lumapit ako sa kaniya atsaka siya niyakap. Paano ko nagawang kalimutan ang taon taon naming pinagce-celebrate?! Kaya pala siya ang nandon nang sugurin ako ni sam. Nandon siya para sabay sana naming i-celebrate ang birthday ni bea.

Yumugyog ang balikat niya. "Parang wala nang direksiyon ang buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit ako kumakanta at patuloy na nabubuhay pero ngayon.....pakiramdam ko nawawalan na ako ng gana." Basag na basag ang boses niya.

"Nakaya mo naman, eh. Kakayanin mo jethro." Alam kong kaya niyang harapin lahat. Nandito lang naman ako para sa kaniya. "Nandito lang naman si bea sa puso nating dalawa, pwede mo siyang lapitan." Literal na nasakin ang puso ni bea kaya patuloy pa rin akong nabubuhay ngayon. Kay jethro naman ay mananatili ang pagmamahalan nilang dalawa sa isa't isa.

Hindi na siya muling nagsalita pagkatapos non. Hindi ko alam kung gaano katagal siyang nakayakap sa akin, pero sa huli ay siya din ang kusang humiwalay. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya at ngumiti. "Para kang bata! Ang dungis mo!" Tawa ko.

Ngumuso siya. Halatang nagpipigil ng ngiti. I know, he's okay for now. "Ikaw kasi eh!" Nangingiting sabi niya.

"Ayusin mo muna ang sarili mo at nang makapasok na tayo sa loob." Sabi ko.

Tumango naman siya na parang bata. "Opo." He chucked. "Magbibihis lang ako sa kwarto ko. Mauna kana." Aniya.

Tumango lang ako. Tinitigan ko ang pagtalikod niya at sinundan ang mga yapak niya palayo. Napahawak ako sa tapat ng puso ko. Nararamdaman mo ba bea? Ramdam mo ba ang pagmamahal ng kinalakihan mong kapatid? Nararamdaman mo rin ba ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala mo? Ramdam mo ba ang labis labis niyang pagmamahal para sa 'yo? Gabayan mo siya bea. Ituro mo ulit sa kaniya ang daan patungo sa kung ano ang makakapag-pasaya sa kaniya.

Si bea at jethro ay dumaan din sa isang mahirap na sitwasyon. Ampon lamang si jethro ng pamilya ni bea. Hindi niya alam nang mga panahon na 'yon kung iisipin niya ba ang utang na loob niya o susundin ang puso niya. Sa huli ay sinunod niya pa rin ang puso niya. At gaya ng inaasahan maraming tutol sa kanila dahil nga lumaki silang magkasama bilang magkapatid. People think thay it was incest. Hindi naman sila talaga magkadugo, e. I don't really get it. But in the end tinanggap din naman sila ng pamilya ni bea. Naintindihan rin naman nila. Parang silang nasa fairytale non. Sobrang saya nila before one accident happened. Namatay si bea and boom! Sa akin napunta ang puso niya.

Her heart save me. It gave me another life.

I thank her so much...


AN: k 😃😂😂😃

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now