'' okay let's go outside '' iniwan muna namin ang mga boys na masaya pa ring nag aasaran. Pumunta kami sa parking lot dahil may ichecheck rin naman ako sa kotse ko, nasa likod ko naman si meghan.

'' talk '' sabi ko sakanya, napansin ko na lumambot bigla ang feature ng mukha nito.

'' bakit mo ba ako iniiwasan?? '' nahihiyang pagtanong nito.

'' I didn't '' sumandal ako sa kotse, nanghina kasi bigla mga tuhod ko sa ganda ba naman kasi ng kausap ko, omg!

'' anong hindi, ilang araw na kaya dandan '' mukhang naiiyak pa ito nakakainis naman. Kinuha ko kamay niya at pumasok ng sasakyan.

'' dito na lang tayo mag usap at mapagod kapag naka tayo lang eh '' tumango naman ito, okay nakalusot ako dun ah pweew!

'' Ano ba kinagagalit mo? '' humarap ito sa akin naka pouty lips pa, hay diyos ko lord.

Napahilamos ako ng mukha.

'' dominik! '' nanlaki mga mata niya ng marinig niya ang pagsambit ko sa pangalan nito at alam ko na kinakabahan  talaga siya.

'' huh? bakit naman napasok name niya dito? '' pagtataka nito.

'' b...boyfriend mo ba siya? ''

'' No!! ofcourse not, ang kulit lang talaga nun pero walang kami Dandan, yun ba kinagagalit mo? '' hindi ako umimik, nakakahiya kaya para akong jealous girlfriend sa inaasal ko.

hmmm bakit hindi ba?

Ofcourse not! hindi ko siya girlfriend.

Pero nagseselos ka?

Huh?? I...i don't know.

'' dandan naman eh please kausapin mo naman ako '' magsusungit na naman po siya sabay hawak nito sa kamay ko.

my god may kuryente na naman!!!!

Hindi ako nakaimik at napatingin lang ako sakanya

'' sorry akala ko kasi ahm.... ''

'' dandan No '' humawak ito sa pisngi ko '' I told you i don't have a boyfriend'' napapaiwas ako ng tingin pero hinawakan ni meghan ang mukha ko at pinilit na tumingin ako sakanya at yun nga ang nangyari.

'' I'm sorry '' sabi ko habang nalulunod kaming pareho sa mga titig ng bawat isa

'' it's okay, sorry din so are we good now? '' ginaya pa talaga ako ng babaeng ito.

Tumango ako, bababa na sana siya ng sasakyan pero bigla itong bumalik sa loob at hahalikan ako sa pisngi, eh bigla ako napalingon so instead sa cheek ko lumanding ito sa lips ko.

Pareho nanlaki mga mata namin sabay tikal ng magkadikitan naming mga labi. Napahawak ako sa lips ko at ganun din siya.

'' a...ah I...i think I have to go '' sabi niya at tumango lang ako then she climbed out from my car.

What just happened?? we kissed, oo hindi sinasadya pero gosh bakit ako kinikilig pero kinakabahan at the same time?, diyos ko po ang puso ko gamit na gamit na.

Is it possible that....

I'm really falling for her?

- MEGHAN -

Hindi ko na nahanap kahapon si dandan kaya ng makita ko siya na kausap sa may bench ang mga kaibigan niya lakas loob ko tong pinuntahan. Kinakabahan pa ako eh makikipag usap lang naman ako sa magandang transferee na yun, nakakainis bakit ba kasi mala dyosa ang ganda niya.

'' dandan mag usap nga tayo '' tumingin ito sakin, shit naman mata pa lang niya nakakapanghina na. Bigla namang sumingit ang papoging christon na ito at binu bully pa ang name ko for her.

'' anong tawag mo sakanya dandan??? haha ano yan yung kanta? dan dan dan dalandan '' tumawa ito ng malakas.

Tinitigan ko siya at naningkit ang mga mata. Makakatikim na talaga ito sa aking lalaking to.

'' ikaw ba kinakausap ko ha???? huwag kang sasabat dyan at makikita mo malilintikan ka sa akin '' galit kong bwelta sa kaibigan niya na agad naglaho ang kinang sa mga mata at ngiti sa mga labi.

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa nag iisang rason kung bakit ako nandito, hindi ko tuloy naibaba ang kilay ko baka isipin ni dandan sinusungitan ko siya.

Pumayag rin naman siya, pumunta kami sa parking lot, bakit kaya dito kami mag uusap? hmmm.....wala man lang ka sweetan tong si dandan, sige pwede na nga dito choosy pa ba ako.

Ang cold cold naman niya magsabi ng talk, at yun lang talaga sinambit niya tapos sinabi pa niya na hindi niya ako iniiwasan eh ilang araw na kaya.

Nakakafrustrate na nga eh nagkapimples pa akong dalawa kagagawan niya.

'' ano ba kinagagalit mo? '' tanong ko napapa pout lips tuloy ako, umandar na naman pag ka maarte ko, asar naman wala sa lugar.

'' dominik! '' nanlaki mga mata ko ng marinig ko ang pangalan ng lalaking yun, kinabahan  tuloy ako, about ba to sa nakita niya kahapon?

'' huh? bakit naman napasok name niya dito? '' pacool ako kunwari pero pinagpapawisan na ang kili kili ko.

'' b...boyfriend mo ba siya? ''

'' No!! ofcourse not, ang kulit lang talaga nun pero walang kami Dandan, yun ba kinagagalit mo? '' hindi ito umimik, ang oa kasi ata ng response ko.

'' dandan naman eh please kausapin mo naman ako '' kung hindi lang mala dyosa ang face nito masasampal ko na ito ang arte pero bakit ba hindi pa rin ako nito pinapansin? hinawakan ko tuloy kamay niya.

aray! bakit nakuryente ako? volta ba to si dandan? o ako? tse!

Natahimik at napatingin lang ito saakin

'' sorry akala ko kasi ahm.... ''

'' dandan No '' humawak ako sa pisngi nito '' I told you I don't have a boyfriend'' umiiwas ito ng tingin, galit ba siya? hinawakan ko tuloy ang mukha niya at pinilit kong tumingin saakin.

'' I'm sorry '' sabi niya.

Hay life bakit mo po ba pinagtransfer ang babaeng ito sa school namin nagulo tuloy ang mundo ko.

'' it's okay, sorry din so are we good now? '' ginaya ko pa talaga ang sinabi niya dati sakin sa canteen at tumango ito. Yes!

Bababa na sana ako ng sasakyan pero bigla akong bumalik sa loob ng walang malinaw na rason, gusto ko sana siyang halikan sa pisngi, mamatay na ako sa urge eh masisisi niyo ba ako, ang ganda niya kaya pero bigla itong napalingon so instead sa cheek niya lumanding sa lips niya ang lips ko. WAAAH!!!!!

Pareho nanlaki mga mata namin sabay tikal ng magkadikitan naming mga labi. Napahawak ako sa lips ko at ganun din siya.

'' a...ah I...i think I have to go '' sabi
ko na pautal utal pa, tumango lang siya sabay takbo ko palabas ng kotse.

God god god, nagkiss kami ang tanga mo talaga meghan.

Paulit ulit kong ginagalitan sarili ko hanggang makarating ako sa banyo at doon ako nagtago. Nahihiya talaga ako baka anong isipin ni dandan, baka maisip niya na manyakis ako at may gusto ako sakanya.

Wait lang may gusto ba ako sakanya? pero hindi man ako tomboy, oo I admit na never ako naattract sa boy, I mean once pa lang and sa girls din naman except sakanya, kay dandan.

'' Tulungan mo naman po ako dito lord '' sabay tingala ko sa kisame, pati kisame bwisit din eh pasira ng moment.

'' mahihirapan na ako na makita ulit si dandan, nakakahiya talaga. ''

Pero wait attracted ba talaga ako sa kanya? kasi kung hindi papano ko mapapaliwanag ang mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya?

Ang sakit na ng ulo ko, makauwi na nga.

My Girlfriend is One of the Boys ( GxG Story ) TAGALOG / COMPLETEDWhere stories live. Discover now