"Stop it samantha!" Tili ko nang pati mga gamit namin ay hindi niya pinalampas. Nababaliw na ba siya? O epekto lamang ito ng alak kaya siya nagkakaganiyan?

Napatingin akong muli sa nagdurugo kung sugat. Bukod sa hapdi nito ay nararamdaman kong nagsisimula nang umikot ang paningin ko. Nahihilo ako. Kakaiba na naman ang tibok ng puso ko.

"Shup up! Shut up! Shut up!" Nanlilisik ang mga mata niyang binalingan ako. "Kasalanan mo 'tong lahat!" Sigaw niya. Naghabol ako ng hininga. Akmang lalapitan niya ako ulit nang biglang bumukas ang pinto at mula doon ay nagsilapitan ang mga security ng cruiship sa kaniya. Pinusasan siya ng mga ito.

"Victoria!"

Nag-aalalang nilapitan ako ni jethro at niyakap. Tiningnan niya ang paa ko bago napamura ng malakas. "Does it hurt?" Alalang tanong niya sa akin.

Umiling ako. "I'm tired jeth," Mahinang bulalas ko. Nasapo ko ang puso ko nang kumirot na naman ito. "Its h-hurt..." Parang batang sumbong ko.

Napatiim bagang siya at tumango. Buong pagiingat niya akong binuhat at dinala sa isang kwarto ng suit namin. Dahan dahan niya akong binaba sa kama. Nanghihina ang talukap ng aking mga mata. Maalala ko lamang ang galit na galit na mukha ni samantha ay nanghihina na ako.

"Parating na sila. Sleep, okay?" Hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ko. Hinalikan niya ako sa noo, "Gagamutin ko ang mga sugat mo." Mahinahon niyang wika.

Tipid lamang akong tumango bago pumikit. Unti unti akong nilalamon ng kadiliman, pero bago pa man ako magpatangay dito ay narinig ko muna ang mga katagang naghatid ng hapdi sa aking puso.

"I"ll protect you, baby...."




JANE'S POV (ARIA'S REAL MOTHER)

"WHAT DID YOU DO TO HER?!"

Dumagundong ang lakas ng sigaw niya sa buong silid. He was fuming mad. Nakikita ko ang higpit ng hawak niya sa mga braso ni samantha habang niyuyogyog ito. Masama ang tingin niya rito at maging sa amin na walang magawa para pigilan siya.

"Stop it! You're hurting me!" Hagulgol ni samantha. "Let me go skyrile!"

"Shut up!" Nabalot kami ng pangamba nang marahas niyang binitawan si samantha. Mabilis namang dumulog ang mga magulang niya sa kaniya para alalayan siya. "Hindi pa ako pisikal na nakakasakit ng babae samantha, pero kung uulitin mo pa ang ginawa mo sa kaniya baka ikaw ang una kong masampolan!"

Nagkatinginan lamang kami ni mama na kapwa walang nagawa. Tila pareho kaming wala nang balak kumilos upang pigilan si skyrile. We both dissapointed to samantha too. Nang malaman ko ang pananakit niya sa anak ko ay muntik ko nang nakalimutan na pamangkin ko siya. What she did is too much. Hindi tamang gawin niya 'yon kay aria!

"Sky please...." Napasinghap kaming lahat ng biglang lumuhod si samantha. "Bumalik na tayo sa dati...I'll do everything. Kahit ano, bumalik ka lang sa akin! Mahal na mahal kita skyrile...." Hagulgol ni sam.

"I never love you," Nanatiling malamig ang titig ni skyrile sa kaniya. "Ikaw 'yong tipo nang taong mahirap mahalin samantha. Ni wala ka nga sa kalingkingan niya! Huwag kang mangarap nang mas angat sa kaniya dahil kahit ang pinaka-mababang pangarap niya ay hindi mo kayang abutin." Ang galit sa mga mata niya ay binato niya sa akin. Kinabahan ako. Alam ko ang ganiyang tingin, uungkatin na naman niya ang mga kasalanan ko. "All of you will leave her alone!" He ordered with gritted teeth. "Sa oras na may ginawa na naman ang kahit na sino sa inyo sa kaniya ng masama ay matitikman ang pinakamalala kong kayang gawin." Pinagbabantaan ako ng mga mata niya at ang tanging nagawa ko lamang ay ang umiwas.

"Skyrile please...." Naririnig ko pa rin ang pagmamakaawa ni samantha.

"Stop being so desperate samantha. Nakakatawa ka lang...."

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon