The Bermuda: 22

6 0 0
                                    

The Bermuda: 22

***

What?

Ramdam ko ang pagkunot ng noo ni Draco tulad ng akin. Tila ba takot na takot ang tatlong ito kay Draco dahilan upang sila ay yumukod at nanikluhod.

"Who is Baron?" litong tanong ni Draco.

"Ano po ba ang sinasabi nyo Ginoo. Kayo si Baron. Ang Baron ng syudad na ito" sagot ng lalake habang nakayukod.

"I–I'm not Baron. I'm Draco..." sambit ni Draco.

"Yes, you are right. Ang kasama kong ito ang Baron" sabi ko at saka tumingin kay Draco. Tingin na nagsasabing makisama siya. Kahit bakas ang pagtataka sa kaniyang mga mata ay hindi na siya muling nagsalita.

"Inuutusan kayo ng Baron na tumayo at dalhin kami sa pinuno niyo" utos ko.

Gayon nga ang ginawa nila. Ngunit hindi sila tumitingin ng deretcho sa mga mata ni Draco. Nauna silang maglakad kaya naman sinundan namin sila.

Tumabi sa akin si Draco habang nasa likod kami ng tatlo.

"What are you doing?!" he hissed.

"We need to do this in order to survive. I dont know kung ano ang lugar na ito at anong klaseng nilalang ang mga iyan kaya kailangan natin malaman" I explained.

Sa mga sinabi ko ay tila naliwanagan siya. Hindi na siya muling nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang paligid. Parang normal lang ang siyudad na ito. Kung paanong ginawa ng mga villages sa aming dimensyon ay ganoon din dito. Ang pinagkaiba lang ay masyadong tahimik.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at ang tatlong nasa harap namin ay napakatahimik. Ni ayaw gumawa ng isang salita. Hanggang sa nadaan kami sa tila pinakabayan ng syudad. Madaming tao, nagkakagulo at maingay. Tila ba may pagtitipon at pinagkakaguluhan iyon.

"Sandali..." pigil ni Draco sa tatlo.

"Gusto kong makita ang kaganapan doon" tukoy ni Draco sa kaguluhan.

Walang imik na sumunod sa amin ang tatlo. Habang paparating kami ay unti unti kaming pinagtitinginan ng mga nilalang na ito. Tila ba nakakita sila ng multo at biglang nanahimik. Mayroon sa kanila na tinapik pa ang ibang maiingay para lamang patahimikin. Hindi sila takot sa akin, kundi kay Draco.

Binigyan kami ng daan ng mga nilalang na ito. Lahat sila ay nakatingin kay Draco, tinging may pagkamangha at respeto.

"Ang baron nandito"

"Napaka swerte natin at nakita natin ang Baron"

"Sino ang kailangan niya dito?"

Rinig ko ang mga bulong ng iba. Lalo akong nagtaka. Sino ba ang Baron na sinasabi nila?

Nakatating kami sa gitna ng pagtitipon. Dalawang lalaki ang sira sira ang damit at puro dugo. And in that exact moment, narealize ko na.

Mga pambira sila.

I can see their gold eyes sparkling and shimmering upon the sunlight. Ang mga pangil nila na matutulis. Ang mga mababangis nilang titig. Kinilabutan ako ngunit bigla akong nagtaka.

Pagkakita nila kay Draco, bigla silang kumalma. Naging itim ang mga mata nila at biglang nawala ang mga pangil nila.

"Anong nangyayaru dito?" tanong ni Draco na puno ng owtoridad at kapangyarihan.

Napangiti ako. Tama nga sila, ang talino mo.

Walang sumagot. Alang gustong sumagot.

"Hindi ko na muling itatanong. Ngunit... Isang pagkakagulo pa ay hindi ko na kayo patatawarin" sambit niya at saka siya umalis.

Nauna muli ng tatlo sa amin at ito ay aming sinundan.

"Naintindihan kona, Olivia" bulong niya.

"Ako din" sagot ko.

"Ang Baron na tinutukoy nila, tila ba isang makapangyarihang bampira at nirerespeto nila. Akala nila ako ang Baron dahil sa kulay ng mata ko. Pansin mo ba na ako lang ang may pulang mata?" sabi niya.

"Hinaan mo lang at baka marinig ka nila" sambit ko.

"Ngunit ang pinagtataka ko ay bakit hindi nila alam ang muka ng Baron nila? Bakit sa mata lang nila kilala iyon?" tanong niya.

"Iyan din ang pinagtataka ko. Sa ngayon ay magiingat ka. Hwag mong ipapaalam sa kanila na hindi nila tayo kauri dahil delikado" banta ko.


Draco's POV

As we walk and walk everything are getting clearer.

Sa ngayon, kailangan lang namin ng barko o kahit bangka upang makarating sa gita ng dagat ng Bermuda. Siguro kailangan kong gamitin ang pagiging Baron ko upang makuha ang mga kailangan namin.

Nakarating kami sa isang palasyo. Matatayog ang mga tuktok at matatas ang mga naglalakihang gate. Madami bantay na tila mga kawal. May ilang naglalakad lakad at ni hindi man lang tumitingin sa amin.

Ngunit hinarang kami ng isang kawal sa mismong entrance ng palasyo.

"Bawal kayo dito" matigas na sambit ng kawal.

"Kami ang anak ng mga pinuno ng bawat distrito dito sa siyudad" sagot ng lalake.

"At isa pa," pagtutuloy ng babaeng may pulang buhok.

"Kasama namin ang Baron" aniya saka tumabi ng daan upang ipakita kami.

Sa isang iglap, ay nagulat ang kawal at saka dali daling binuksan ang malaking gate. Sumenyas siya sa ibang kawal at saka sumigaw "Magsiayos kayo! Nandito ang mahal na Baron! Ayusin ninyo ang daraanan niya"

Dali daling nagsigalaw ang mga kawal at inayos ang daraanan namin. Pumila sila ng maayos sa gilid ng daraanan at sabay sabay na yumuko.

I can feel their high respect and admiration. Hanggang sa nakapasok kami sa loob ng palasyo. Isang malaking hall na puno ng mga mamahaling gamit. Ang mataas na kisame ay may chandelier bawat distansya. Pinuno ng maharlikang ilaw nito ang buong espasyo. Mabango ang amoy ng lugar at tahimik.

May lumapit sa akin. "Mahal na Baron, Kinatutuwa naming ikaw ay nagbalik na. Nais kang makita ng Mahal na Hari. Halikayo at sumunod po kayo sa akin.

Tumingin siya kay Olivia pati sa iba naming kasama. "Kayo ay hindi maaring sumunod sa amin. Kailangan ninyon manatili dito sa bulwagan. Kumain kayo kung gusto ninyo" payo ng lalake sa pormal na tono.

Tumitig sakin si Olivia. Tila ba binibigyan niya ako ng isang babala. Ngunit ala na akong magagawa. Kailangan ko itong gawin dahil napasubo ako. Tinignan ko siya ng puno ng pagkamangha. "Mag iingat ka aking binibini" sambit ko at saka walang lingunan na naglakad kami ng lalake palayo sa kanila.

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko ngunit hindi ko ito pinahalata. Tumindig ako na puno ng kapangyarihan at lakas. Ito lamang ang kaya kong gawin sa oras na ito. Confidence is the powerful thing you can have in the place that you don't belong.

Tumigil ang kasama kong lalake sa gitna ng tahimik at walang taong lugar.

"Ipagpatawad mo Mahal na Baron ngunit gusto kang makita ng iyong kapatid. Kung sa pagkakataong ito ay pahihintulutan ninyong makita kayo ng Prinsesa ay matutuwa siya gayong hindi ka pa niya nakikita sa loob ng sampung taon" paliwanag niya.

"Sige kung iyan ang nais ng aking mahal na kapatid" sambit ko.

Tumango siya at nagiba ng direksyon.  Pumasok kami sa isang malaking pintuan at nakita ko ang isang babaeng nakatingin sa malaking bintana. Nakadamit ng magarang gown. A gown with a touch of tan color. Maganda ang buhok niyang kulot na pula na umaabot sa kaniyang baywang.

"Prinsesa Alexa, nandito na po ang kapatid ninyo. Si Baron Gideon"

Sambit nito at saka tumingin sa akin ang isang napaka gandang dalaga. Ang pula niyang mata ay kumikislap kasabay ng kaniyang nakakabighaning ngiti.

"Kapatid ko..." sambit niya sa maamong boses.

***


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon