The Bermuda: 20

10 0 0
                                    

The Bermuda:20

***
Olivia's POV

Nanaig ang malakas na sigaw ng isang hindi pamilyar na lalaki. Malaki ang katawan niya at matangkad siya. Lumuhod ang lalaki sa lupa habang nakatingin sa bangkay ni Laxus. Hindi siya kumukurap at tila hindi makapaniwala.

"Laxus... gumising ka. Bumangon ka anak ko. Pakiusap tumayo ka diyan" usal ng lalaki habang pilit na inaabot ang kamay ni Laxus.

Mabagal na lumapit sa kaniya ang nanay ni Draco na tahimik na umiiyak.

"Janier tumigil kana" sabi niya habang umiiyak.

Tila bumigat ang dibdib ko sa nakikita. Kung ako ay nasasaktan at hindi makapaniwala sa sinapit ni Laxus, ano pa kaya ang nararamdaman ng magulang niya. Hindi ko alam. Wala naman nagpalaki saking magulang.

"Hindi Jordyn. Buhay pa ang anak ko. Laxus umuwi na tayo. Tumayo ka na dyan anak ko. Maawa ka sa ama. Hwag mo akong iwan." Hagulgul ni Janier.

Pilit na inabot ni Janier ang kamay ni Laxus na may hawak pang pana. Walang tigil sa pagiyak silang dalawa. Naawa ako sa lalaking may pangalang Janier. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan. Kahit kita na niya sa dalawa niyang mata ang lahat, hindi siya bumibitaw.

Lumapit si Draco sa ama ni Laxus. Tuloy sa pagiyak ang dalawa. Hinawakan ni Draco ang balikat ni Janier at saka nagsalita.

"Tama na po. Tumigil na po kayo. Patay na po ang anak niyo" mahinahon na usal ni Draco.

Tumigil ng bahagya si Janier at pinagmasdan si Draco. Napako ang mata niya sa pulang buhok at mata ni Draco.

"Siya ba ang anak mo, Jordyn?" Tanong ni Janier.

Lingon ni Janier ang ina ni Draco. Tumingin siya sa pulang buhok nito. Tumango si Mrs. Gibson. "Siya nga"

"Kung ganoo'y wala na akong dahilan para mabuhay. Alam kong sa oras na makita mo ang anak mo ay uuwi ka na sa inyong mundo." Mapait na bigkas ni Janier.

Tila nagulat si Mrs. Gibson. "Janier..."

Muling humikbi si Janier. Umiiyak siya na parang wala nang magandang bagay na mangyayari. Nakatungo siya at mahigpit ang pagkakahawak sa mga damo.

"Miss Watson, payag ka ba sa iyong misyon?" Tanong ni Headmaster Gibson sa akin.

At sa mga katagang binitawan ko ay nagsimula nang magulo ang walang kwenta kong buhay. Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Yes Headmaster, I will take my mission" sabi ko.

Pakiramdam ko isa na lamang akong laruan sa mundo. Walang maapektuhan kung mamatay ako sa misyon ko. Noong hapon iyon, nagmumukmok ako sa kwarto ko. Iniisip kung bakit ganitong buhay ang ibinigay sakin. Basang basa ang unan ko dahil sa luha. Alam mo yung pakiramdam na isa ka lamang pain at sana may maapektuhan o malungkot pag nawala ako. Alam ko ang nararamdaman ni Janier. Naiintindihan ko siya. Naramdaman kong may tumulong patak ng tubig sa mga palad ko. Napatingin ako sa langit kung umuulan ngunit masyadong maaliwalas ito.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na sunod sunod ang luhang pinapakawalan ko. Hanggat maari, ayokong isipin na walang maapektuhan pag nawala ako. I feel lonely. Lonely is not being alone, it is the feeling that on one care.

Lumapit ako kay Janier. Napatingin siya sa akin. "Sino ka?"

"Ako si Olivia. Kung papayagan mo ako, maari kitang matulungan" usal ko.

Bakas ang pagtataka sa mga mata nila.

"A-anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya.

"Isa akong elemental user, kaya kong pagalingin at hilumin ang mga sugat ng anak mo at kaya kong gawin iyon ngayon" sabi ko.

Napasinghap si Mrs Gibson sa gulat. Napatingin ako kay Draco na bahagyang nakangiti at kay Janier na tila 'di makapaniwala sa sinabi ko.

Napatayo agad si Janier at hinawakan ako sa magkabilang balikat at saka nagsalita, "Totoo ba iyon? Pakiusap gawin mo ang sinasabi mo sa anak ko. Kahit ano gagawin ko basta buhayin mo ang anak ko. Nakikiusap ako..." hagulgol niya.

"Pero..." sabi ko.

Napatigil siya ng saglit sa pag-iyak.

"Pero 'di ko siya kayang buhayin." Dugtong ko.

Tila pinagsakluban sila ng langit at lupa sa sinabi ko. Ngumiti ako nang mapait. Despite the situation, napangiti parin ako. Ang weird.

"Dahil hindi ako isang diyos o katulad ng ama ko. Pero ikaw, Janier, kaya mo."

"Normal na tao lang ako, binibini. H-hindi ko kaya..." usal nya sa mapait na tono.

Naglakad ako palapit kay Laxus. Tila naligo sa dugo ang katawan nya. Dilat ang mga mata at maputla ang muka. Iniwasan kong tumingin sa mga parte ng katawan nya na nakatusok ang malalaking kahoy. Huminga ako ng malalim at tinignan si Draco.

"Tulungan mo akong alisin siya sa hukay." Sabi ko.

Walang salitaang ginawa nya ang sinabi ko. Tila muling nabuhay si Laxus dahil gumagalaw ang paa't kamay niya na parang kontrolado niya mismo. Inihiga niya si Laxus sa lupa. Gumawa ang mga kahoy ng mga butas sa katawan niya. Kita ang laman nito at tila naubusan nang dugo. Inilahad ko ang dalawa kong palad sa katawan niya at nagsimulang lumabas sa palad ko ang malinaw at kumikinang na tubig papunta sa bawat sugat ni Laxus.

Out of now here, Mrs Gibson put her knees down next to mine. Inilahad niya palad niya sa katawan ni Laxus. "Let of help you. I can give blood that he needed" she said.

Ngumiti ako sa kaniya ng bahagya. Nagsimulang lumabas itim na usok sa palad niya. Umikot ang usok sa tubig ko at unti unting humalo.

"Ang bawat kaharia'y may sikretong gamot. Sa mundo namin, may gamot kami na maiaayos ang pagiisip ng mga baliw. Dito sa mundo nyo, siguradong may gamot para sa pagbalik ng kamalayan ng nakahimlay ng tao. Maaring hawak ito ng inyong hari at reyna." Paliwanag ko kay Janier.

"Maliwanag" maikling sagot niya.

Unti unting gumaling ang mga sugat niya. Tila bumabalik ang nawalang laman at balat nito. Lumipas ang ilang minuto at maayos na ang katawan niya. Kinapa ko ang pulso niya. Walang tumitibok. Lumapit ang ng konti at hinalikan siya. I can feel Draco's fist got tightened. Binigyan ko siya ng hangin. Unti unti kong narinig ang mabagal na pagtibok ng puso niya at ang marahan niyang paghinga. Lumayo ako. I smiled a bittersweet one. 

"Maayos na ba siya?" Tanong ni Janier.

"Maayos na ang lagay niya ngunit hindi siya magigising. Tanging ang sikretong gamot lang ang makakapagbalik ng kaniyang malay." Usal ko.

"Maraming salamat binibini" masayang sambit niya.

I smiled. Despite the situation, he is full of joy. I wish I had a father like him.

"Kung ganoo'y tutuloy na ba kayo sa isinumpang dagat?" Tanong ni Mrs Gibson.

"Yes mom." sagot ni Draco.

Kinuha ko ang pana ko sa palad ni Laxus at tumayo.

"Please take care both of you." Usal ni Mrs Gibson.

"We will" sagot ko.

Ngumiti siya. Isang ngiting tanging ang ina lamang ang makakagawa.

***

Author's note: Hi! We are in the half of this story! Please bring up your great patience and enjoy this story as much as I enjoy writing this. Lovelots! 

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon