The Bermuda: 11

10 2 0
                                    

The Bermuda: 11

***

"Do you believe in reincarnation?" Tanong ni Head Master.

Nagkatinginan kami ni Timothy. We both shrugged. Hindi kami sumagot. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil pinatawag lang naman ako dito sa office without orienting a topic.

"One million years ago, There is an elite kingdom called Atlantis" panimula nya.

"And one million years ago, ang hari at reyna ng Atlantis ay may anak na babae. Bago lumubog ang buong kaharian sa dagat ay itinawid ng reyna ang kanilang anak papunta sa hinaharap para iligtas ito." Dugtong nya.

"At ang batang iyon, believe it or not, ay nandito sa Sheridan Palace." Ani nya at tumingin sa mata ko. Tinitigan ko sya sa mata gaya ng ginagawa nya to avoid the emotion spilling out from my eyes.

"At bago lumubog ang Atlantis..." may pinatong syang litrato. Almost shattered old black and white picture. Pinagmasdan ko ang dalawang batang lalaki na nakatayong magkatabi. "...sila ang sikat na kambal. Ang ama nila ay may ability ng pag reincarnate ng buhay"

"At tulad ng prinsesa ay gumawa ng paraan ang ama at pilit syang gumawa ng takdang oras kung saan mabubuhay ulit ang kambal nya ngunit kulang ang panahon nya kaya ang tanging nagawa nya ay ireincarnate ang kaluluwa nila. At ang takdang oras ay nineteen years ago. Ang taong pinanganak kayo ni Draco" usal nya kay Timothy. Napatakip ng bibig si Timothy. Tila hindi makapaniwala sa nalaman. Nakatakip ang bibig habang nakapamewang at umikot ng bahagya. I understand him. Dahil higit pa diyan ang ginawa ko.

"Ibig sabihin... kami... kami ang kambal na iyan?" Turo nya sa litrato. Tumango si Head Master para muling mapatakip ng bibig si Timothy.

"Unbelievable!" Victoria hissed.

Pinagpatuloy ko ang pagkain matapos ikwento sa kanya ang nangyari kaninang umaga sa office ng Head Master.

"Pero paano naibigay sayo ang ability ni Princess Athena–" natigilan sya sa tanong nya. "I mean, paano mo nakuha ang water bending ability?"

"Tulad ng ginawa kay Timothy. Gamit ang crest at ang ability ni Head Master ay naibigay sa akin ang totoo kong ability." Sabi ko.

"Bakit hindi mo nakuha sa simula palang ang tunay mong ability?" Tanong nya.

"Dahil nang itinawid ako sa hinaharap, tulad ng identity ko, nagbago lahat" sabi ko.

"Mmm" Victoria mumbled.

Linibot ko ang paningin ko sa great hall. Ang mga estudyante ay kumakain rin ng tahimik. Ganon talaga ang Durmstrang. Masayadong tahimik. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, mapanganib kami pag nagalit. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Wala dito si Draco. Kasama sya ngayon ng kanyang ama na kumain. Ilang sandali ay muling nagsalita si Victoria.

"Kung ang nakuhang ability ni Draco ay manipulating ability, ano ang kay Timothy?" Takang tanong nya.

"Puppet ability" maikli kong sagot.

"Mayroon bang ganong ability? Ano naman ang silbi niyon?" Tanong nya ulit.

"Kaya naging sikat ang kambal na lalaki noon sa Atlantis dahil sila ang kaunaunahang nakahawak ng ganoong ability. At ngayon lang ulit ito nagexist sa katauhan nila Draco at Timothy" paliwanag ko.

"Ang puppet ability ay sorta like Draco's ability. Pero ang kaibahan, makokontrol ni Timothy ang subject sa pamamagitan ng paggalaw nya. Kung ano ang galaw na gagawin nya ay iyon ang magiging galaw ng subject nya" dugtong ko.

Tumatango tango pa syang ipinagpatuloy ang pagkain so do I.

Kahit hawak ko na ang water bending ability, hawak ko parin ang enhanced senses and control ability. Pakiraramdam ko tumangkad ako ng bahagya. Pakiramdam ko tumaba ako pero nang tignan ko ang sarili ko sa salamin, walang pinagbago. Siguro dahil ito sa dalawa kong ability. Natapos ko ang pagkain ko gayon din si Victoria. Umupo muna ako ng sandali at pinakiramdaman ko ang paligid. Ramdam ko ang mga bahagyang pagsulyap ng ilan sa amin. Rinig ko rin ang mga mahihinang bulong patungkol sa amin. Pero napukaw ni Victoria ang paningin ko. Nakapangalumbaba sya habang nakatingin sa iba. Bahagya pa syang nakangiti na animo natutuwa sa nakikita. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko si Timothy na kumakain ng tahimik. Kumunot ang noo ko. Binalik ko ang paningin kay Victoria na tulala parin. Something fishy...

"Aalis na ako" paalam ko kay Victoria. Tila hindi nya ako narinig kaya naman tuluyan na akong umalis. Napangiti ako ng bahagya dahil kay Victoria. Pero 'di pa ako nakakalabas ng tuluyan ng great hall nang may humigit ng kamay ko. Lumingon ako at nakita ko si Victoria na tila natatakot na nakatingin sakin.

"O–olivia..." tawag nya.

Tinignan ko lang sya.

"Kailan kayo aalis ni Draco?" Tanong nya.

"Mamayang gabi... bakit mo naman naitanong–"

"Bakit 'di mo agad sinabi?!" Putol nya na syang ikinagulat ko.

"Babalik ka ah? Olivia mangako ka... bumalik ka" usal nya at saka nagsimulang humikbi at umiyak habang hawak ang kamay ko.

"Victoria..." sabi ko.

"Nagaalala ako sa pwedeng mangyari sa inyo. Magiingat ka lagi Olivia. Nagiisang anak lang ako nila Mom pero pakiramdam ko kapatid kita. Bumalik ka ah? Mangako ka Olivia..." umiiyak na usal nya.

Para syang bata kung umiyak pero naiintindihan ko sya. Tagaktak ang luha nya at basang basa na ang baba nya habang humihikbi. Nangilid ang luha ko dahil sa nakita ko. Pakiramdam ko may bato sa loob ng puso ko dahilan para 'di ako makahinga ng maayos. Hindi ko sya kayang panooring umiiyak sa harap ko. Lumapit ako sa kanya hinawakan ang kamay nya.

"M–mangako ka... Bumalik ka, Olivia" sabi nya.

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kamay nya at yinakap sya ng mahigpit. Lalo syang umiyak kaya bumuntong hininga ako habang pinipigilan ko ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

"Hindi ko kayang... hindi ko kayang mangako" usal ko.

Umiyak sya habang yakap ko. Ramdam ko ang lungkot nya. Humikbi syang hinigpitan ang yakap nya. "Sorry" usal ko at tuluyang bumagsak ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. Kinagat ko ang labi ko at tahimik na humikbi. Pakiramdam ko ang lalaki ng mga bato sa dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Nangingibabaw ang sandalin katahimikan sa aming dalawa.

"Sorry talaga" ulit ko habang lumuluha sa mga yakap nya.

Malabong makabalik ako pero gagawin ko ang lahat.

***

The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon