The Bermuda: 8

11 2 0
                                    

The Bermuda: 8

***
Victoria's POV

Nagkukumpulan kami dito sa labas ng palasyo. Nandito rin ang Head Master pati na ang ilang estudyante ng Durmstrang Academy. Lahat kami ay nangangamba sa kung ano ang pwedeng mangyari kela Olivia pwera na lang siguro kay Head Master Gibson na prenteng nakatayo habang naninigarilyo.

Kanina nakasalubong ko si Olivia papalabas ng palasyo. Ang sabi nya ay nasa labas si Head Master at pinapatawag sya. Simula pa lang nagtaka na ako dahil maghapon akong nasa hardin at nagbabasa ng libro pero ni isang tao ay wala akong napansin na lumabas, maliban kay Miss Gloria. Kaya pagkaalis ni Olivia ay pumunta agad ako sa kwarto ng Draco para ipaalam. Ang sabi nya ay malabong ipatawag ni Head Master si Olivia dahil natutulog ito. Kaya kami nandito dahil narinig namin ang nakakatakot na sigaw ni Olivia. Ang sabi ng Head Master hwag ng pumunta doon at hayaan nang si Draco ang pumunta.

Napabuntong hininga ako sa kaba. Sana ligtas si Olivia.

Isang mahinang sigaw ang pumukaw sa amin galing sa isa sa mga estudyante.

"Ayan na sila!"

"Oh my god"

"Anong nangyari kay Olivia?!"

"What the heck was happened?!"

Rinig ko ang mga sigaw ng ilan nang makita ang paparating. Si Draco na pangko si Olivia na puno ng dugo at puro hiwa ang katawan. Napatakip ako ng bibig dahil sa lagay ng katawan ni Olivia. Tila isang lantang gulay at nagaagaw buhay. Napaluha ako sa nangyari.

Kita ko ang awa at galit sa pulang mata ni Draco. Nakakatakot ang aura nya. Malayo sa Draco ng nakikita ko. Nang makalapit sya ay nagsilapitan ang healing team kasama ng ako. Isinakay sa stretcher si Olivia at ipinasok sa loob. Nagpaiwan ako ng saglit dahil sa narinig ko sa paguusap ng mag Ama.

"...patay na sya Dad. Kunin nyo na ang bangkay nya"

"Wala akong masabi. Sa ngayo'y magpahinga ka muna at bantayan mo ang Prinsesa" suhestiyon ng Head Master kay Draco.

Pumasok narin ako kasabay ang ilang tao. Ang iba ay hindi parin makapaniwala sa nakita nila at ang iba ay nagtatanong sa kapwa walang ideya sa nangyari.

Dumeretcho ako sa infirmary kung saan nakahimlay ang katawan ni Olivia. Sino ba ang tinutukoy ni Draco na patay na? Imposible na si Olivia ang tinutukoy nya. At sino ang tinutukoy nilang Prinsesa? Napailing ako sa dami ng tanong sa utak ko. Pinuntahan ko si Olivia para gamutin. Madaming dugo ang nawala sa kanya. At delikado ang buhay nya. Ginawa naming mga healer ang dapat gawin. Umabot nang ilang oras ang gamutan bago maging stable ang lagay nya. Alas tres na nang madaling araw pero hindi parin sya nagigising. Mas maayos na ang itsura nya ngayon kesa kanina. Kaso ang putla nya.

Walang tao dito maliban sa aming dalawa. Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Draco. Tulad ni Olivia ay mas maayos na ang aura ni Draco. Hinagod nya ang buhok nya saka nagsalita.

"Okay na ba sya?" Alalang tanong nya at saka umupo malapit sa kawa ni Olivia.

Tumango ako at pinagmasdan sya.

"Mukang napapadalas na ang pagising mo ng madaling araw para tignan si Olivia, ah?" Panunukso ko.

"Actually, more than five years ko nang ginagawa iyon." aniya saka ngumiti na para bang nakakaalala ng magandang alaala.

"Ibig mo bang sabihin... may... may gusto ka sa kanya?" takang tanong ko habang nakaturo pa kay Olivia.

"No" sagot nya.

"Sa tingin mo ba matatawag paring 'gusto' iyon eh ilang taon ko ng ginagawa ito? I think I dont like her" aniya.

Napanganga ako. Anong ibig nyang sabihin?

"You... you love... her?" Manghang tanong ko.

Ngumiti sya nang matamis at saka pinagmasdan si Olivia bago sumagot.

"Exactly" usal nya.

'Di parin ako makapaniwala. Napangiti ako at bahagyang natawa. Unbelievable.

Lumipas ang ilang saglit ng katahimikan ay nakaramdam ako ng antok. Humigab ako kaya napatingin sakin si Draco.

"I guess kailangan mo nang magpahinga, ako na lang ang magbabantay sa kanya" sabi nya.

Tumango ako at tumayo ng upuan.

"Good night" usal ko.

"Mmm" sagot nya.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad sa tahimik na hallway. Hinapit ko ang robe na suot ko dahil sa lamig ng hangin. Kita ko ang madilim na paligid sa labas. Napahawak ako sa glass window at tumingin sa langit. Sino kaya ang nanakit kay Olivia? Malaki siguro ang galit ng taong iyon kay Olivia. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sinadya kong bagalan ang paglalakad. Tatlong linggo na lang at friday the 13th na naman. Kinakabahan ako sa mangyayari. Sana ay ligtas silang makauwi dito.

Mula sa kinatatayuan ko ay may narinig akong naguusap. Kumalat ang kaba sa katawan ko. Bawal kasi ang pagala gala dito sa disoras ng gabi. Naghanap ako ng matataguan. Pero wala akong makita. Pumikit ako at nagisip ng gagawin.

Isip. Isip. Isip.

Dumilat ako ng maalala ko ang tinuro sakin ni Mama. Kung paano magtago gamit ang hangin. Hindi nila ako makikita sa ganoong paraan. Sinunod ko ang turo ni Mama. Kumuha ako ng sapat na lakas at nagtago sa hangin. Nakita ko kung paano ako nawala sa paningin ko. Naglaho ang mga paa ko pero ramdam ko parin ito. Napangiti ako dahil nagawa ko ang invisibility technique.

"…matagal ko nang alam na iyon ang pakay nya, Tim. Mamamatay tao si Gloria kaya dapat lang ang ginawa sa kanya ng anak ko" sabi nya sa lalaking nakasalamin.

Tinignan ko ang lalaki at saka inisip ang sinabi ni Head Master.

"Anong gagawin namin sa bangkay nya Head Master?" Tanong nya.

Nalagpasan nila ako ng hindi nila ako nakikita. Sinundan ko sila ng tingin pero hindi pa sila nakakalayo sakin ng tumigil si Tim. Linibot nya ang paningin nya na para bang may nakikitang hindi nakikita ni Head Master. Laking gulat ko ng tumigil ang paningin nya sa mismong mata ko. Nagtaka ang Head Master sa inasta ni Tim.

Lumipat ako ng pwesto at baka nagkamali lang ako ng interpretation.  Pero sinundan nya ako ng tingin. Tinignan ko ang sarili ko pero 'di ko makita ang sarili ko, pero bakit sya?!

"May mali ka din bang nakikita, Tim?" Sarkastikong tanong ni Head Master na syan mas kinabigla ko.

Tim narrowed his eyes to me ang smirk. Linagay ko ang index finger ko sa labi ko at nagsign na hwag nya akong isusumbong. Nginisihan nya ako at saka kumindat. What the heck is that?!

"Madaling araw na Head
Master, mabuti pang magpahinga na kayo" usal nya at saka naglakad palayo sakin kasabay ni Head Master. Muling lumingon sa akin si Tim at nginitian ako. Naginit ang mukha ko kaya tumalikod ako. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil baka lumundag ang puso ko sa lakas ng tibok nito. Muntik na ako doon. Pero paano nya ako nakita eh invisible na nga ako? Saka sino ba sya? Pero ang gwapo nya. Napangiti ako.

Sumulyap ako sa likod ko pero wala na sila. Bumuntong hininga ako ng malalim at saka pumikit. Binalik ko ang sarili ko sa normal. Hindi na muna ako dumilat at inalala ang muka ni Tim na nakangiti. Umiling ako ng bahagya at ipinagpatuloy ang paglalakad sa madilim na pasilyo.

***


The Bermuda TriangleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon