Chapter 13

336 23 7
                                    

CHAPTER 13


[Aliyah's POV]

 


Aliyah.. Gising na.. Andito na tayo..



Aliyah..



hmmmm? *yawn* Bakit ganito pakiramdam ko? Parang mainit na malamig? Ang bigat sa pakiramdam. Yung mga mata ko hindi ko maidilat.



Aliyah.. Gising na..



May tumatawag na naman sakin. Pilit kong idinilat ang aking mga mata. At nakita ko ang isang panget na nilalang na sobrang lapit sa aking mukha.



"Pambihira ka naman Pards napakahirap mo gisingin. Halika na pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga ka na ng ayos." Pagrereklamo ni Roby. Kahit na nagrereklamo sya halata naman sa itsura nya ang pag-aalala.




Nakatitig lang ako sa kanya. Kung titingnan ng mabuti may itsura talaga sya. Yung mga mata nya mapupungay. Hindi ko alam kung dala lamang ito ng antok o sadyang ganun talaga ang mata nya. Yung tipong kapag napatitig ka feeling mo any minute pwede kang malusaw. Kaya pala ang daming nalilinlang ng unggoy na'to, isang titig nya lang wala na, bibigay na ang pwedeng bumigay.



"Pards.."



Gumalaw yung mga labi nya. Alam kong may sinasabi sya pero parang nabingi ako at hindi ko ito naintindihan. Bakit ngayon ko lang napansin? May nunal pala sya malapit sa may labi. Ang s-sexy.




Umiling ako! Grabe! Pinagnanasahan ko ba'tong kaibigan ko. Darn. No way! Nakakawala sa sarili ang lalaking 'to. Hindi pwedeng titigan ng malapitan lalo na ng matagalan. Dahil kahit anong pigil ang gawin mo, hindi mo ata magagawa.




Nabalik lang ako sarili ko nang makita ko syang sinagot ang phone nya. Wala naman akong balak na tingnan ulit sya habang may kausap sa phone kaya itinuon ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana.




Ulan.. Umuulan parin. Palakas ng palakas ang mga patak. Biglang hahangin ng malakas. Parang kahit nandito ako sa loob ng sasakyan naramdaman ko yung lakas ng hampas ng hangin.




Malamig! Sobrang lamig. At narealize kong nabasa nga pala ako ng ulan kanina. Hindi pa ako natutuyo kaya malamig.



Achooo..


Breaking the FRIENDZONE (JulQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon