Chapter 6

403 18 4
                                    

CHAPTER 6

[Aliyah's POV]


Ang sakit ng ulo ko! Thank God I'm alive pero nararamdaman kong may mainit na likidong umaagos sa ulo ko. Marahil naglalabas na ng dugo ang sugat sa ulo ko matapos kong mauntog ng sobrang lakas sa poste. Nagpagulong gulong ako dahil sobrang bilis ng pangyayari at isang poste ang nagpatigil sa paggulong ko. Pero laking pasasalamat ko parin na hindi kami nasagasaan ng sasakyan na iyon.




At naalala ko ang batang aking niligtas. Naramdaman kong basa na ang damit ko, at narinig ko ang pag-iyak ng mukhang anim na taong gulang na batang lalaki na ito. Yakap yakap ko sya.




Pinilit kong bumangon sa pagkakahiga sa kalsada kahit sobrang sakit ng katawan ko. At kahit ramdam kong may sugat ako sa ulo or sa noo. Masyado ko na atang naiipit ang batang ito.




"Uwaaahh! A-ate! S-salamat sa pagligtas sa akin." Pagkaupo ko, itinayo ko sya at bigla na lamang nya akong niyakap ng mahigpit. Kitang kita ko ang takot sa mukha nya. Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko dahil naaalala ko ang kapatid ko sa kanya.




Umalis na ako sa pagkakayakap upang itanong sa kanya kung bakit bigla na lamang syang tumawid ng kalsada.




"Ah, bata? Wag ka ng umiyak ha? Ligtas ka na, mabuti nalang nakita ka ni ate. Pero matanong kita bakit ka bigla na lang tumawid? Sino ang kasama mo? Bakit mag-isa ka lang?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kanyang luha.




"H-hinahanap ko po kasi ang Mama ko, napahiwalay po kasi ako sa kanya. May nakita po kasi akong cute na aso, tapos bigla nalang pong may yumakap sa akin na babae. Sinasabi nyang ako daw ang kapatid nya, pero hindi ko po sya kilala. Natakot ako kasi po baka kung anong gawin nya sa akin kaya tumakbo ako palayo sa kanya. Pero hinahabol nya po ako." Bigla nalang siyang umiyak ulit.




"Wag ka na umiyak okay. Hahanapin natin ang Mama mo. Pero sino ba yung humahabol sa'yo? Namumukhaan mo ba sya?"




Nagpalingon lingon sya na tila hinahanap ang kaninang babaeng humahabol daw sa kanya. Biglang may namuong takot sa kanyang mata ng mapadapo ang tingin nya sa kanang bahagi naming dalawa.




"Ate, siya po, siya yung babaeng humahabol sa akin." Bigla akong niyakap ng bata habang tinuturo yung sinasabi nya.

Breaking the FRIENDZONE (JulQuen)Where stories live. Discover now