Chapter 3

470 19 2
                                    

CHAPTER 3

[Kent's POV]

"Tabs! Tama na yan!" Kanina pa kain ng kain si Aliyah -__-



"Bakit ba Moks? Gutom pa ako eh. Tsk."



"Okay lang naman kumain ng kumain ka Tabs hanggang sa maging lumba lumba ka pero pwede ikaw na magbayad?" Mamumulubi ako sa babaeng to eh.



"Aba Mokong ka talaga! Nagrereklamo ka ba?"



"Hindi! Hindi ako nagrereklamo! Tsk!"



"Oh hindi pala eh, edi bayaran mo na'to. Bilis naghihintay si manong oh."



"Sh*t! Last na yan Tabs ha? Baon ko na para sa isang linggo yung nagagastos ko sa'yo. Hindi na nga ako kumain para mabusog ka eh. Tapos hindi ka parin mabusog busog. Anong halimaw ba ang meron dyan sa tiyan mo?"



"Hindi ka naman nag-aaral kaya wag kang mag-inarte dyan." =___=



"Hmm? Sarap!" Aba! Nang-inggit pa. Gutom din kaya ako. Ay peste! Bahala na nga, tiis tiis nalang.



"Tabs tara na! San ka na naman pupunta?" Paano pagkabayad ko kay Manong na nagtitinda ng frenchfries lumakad na naman tong si Aliyah.



"Nauuhaw ako Moks!"



"Jusko! ALIYAH!!"



"What Moks? Sigaw ka ng sigaw dyan, para kang tanga." Ang layo na nya sakin. F*ck! Ako na naman magbabayad ng iinumin nito.



"Tabs naman eh!" Pagmamaktol ko sa kanya.



"Ano ba kasing problema mo Moks?"



"Wala na akong pera, tama na! Mag ice tubig ka nalang pwede?"



"Hoy Moks! Ikaw mag ice tubig mag-isa mo. May pangpa-ospital ka ba sakin kapag nagkasakit ako dahil sa ice tubig na yan? Psh! Kung ayaw mo bayaran edi ako na magbabayad. Tapos hanap ka na ng bagong best friend mo ha?"



"Ay letse! Oo na! Sabi ko nga bibigyan naman ako ni Mama ng pera bukas eh." Pagsuko ko kay Aliyah. Bakit ba hindi ko matanggihan to?

Breaking the FRIENDZONE (JulQuen)Where stories live. Discover now