Chapter 16

142 13 4
                                    

CHAPTER 16

Dalawang araw na ang nakakalipas simula nang malaman ni Kent na kila Roby tumutuloy si Aliyah. Iyon rin ang araw na nagkaayos silang dalawa. Inaasahan ng lahat na babalik na sa dati ang samahan ng dalawa. Magkukulitan, mag-aasaran, just like the usual aso't pusa na magbestfriend. The Moks-Tabs tandem.

Naging totoo rin naman si Kent sa binitawan nyang salita kay Aliyah na siya ang mag-aalaga dito hanggang sa gumaling ito. Pambawi narin sa naging kasalanan nya dito, kahit napatawad naman na siya. Hindi niya iniwan mag-isa si Aliyah, at siya rin ang nagpapainom ng gamot dito. Hands-on kung hands-on. Kahit nga sa pagtulog ay hindi niya iniwan ang kaibigan. Wala namang malisya sa kanilang dalawa ito, but to others oh well they don't care naman.

Ibang tuwa ang nararamdaman ni Aliyah dahil sa ginagawa ni Kent para sa kanya. She felt so safe when Kent is around. Tila nabura lahat ng mga masasamang naramdaman nya nung hindi pa sila maayos na dalawa. She didn't mind kung tinatabihan sya ni Kent sa pagtulog, after all they are bestfriends, and she's one of the boys nga diba kaya keri na.

It was Aliyah's first time na maalagaan ni Kent ng ganito o ng kahit sino. Hindi naman kasi siya sakitin na tao. Ngayon lang naman nagpakita ang kahinaan niya kaya siya nagkasakit. And she's thankful that despite everything that happened si Kent parin ang nasa tabi niya habang nagpapagaling siya. Though hindi pa tuluyan naghihilom ang sugat sa puso niya, pero kaya na.

***

Sanay na si Aliyah sa kakulitan ni Kent. Ilang taon na nilang ganap yun kaya tuwing kinukulit siya nito (and mind you sobrang persistent talaga nya) tungkol sa pagsama niya sa pag-uwi nito ay hindi na lamang niya pinapansin. Mabuti na ang pakiramdam niya, thanks to Kent kahit masyado itong makulit.

Nandito sila ngayon sa kwarto at nanunuod ng replay ng isang variety show sa ibang bansa. Hindi naman nila trip ang mga ganitong bagay but they find the show very amusing and interesting. They couldn't help but laugh while watching the show. At dahil masyado silang nastress sa mga naging drama nila sa buhay the past few days hindi na sila nagdalawang isip na magmarathon nito. Ito narin ang nagsilbing catching up moment nila since nagka-away sila.

"Tabs naman.. sige na naman oh. Magaling ka naman na, baka pwede na tayong umuwi sa bahay. Please."

And here he comes again Aliyah thought when she heard Kent's voice. Well sanay naman na siya na wrong timing minsan ang pangungulit nito. Mokong nga as ever. Nasa climax na yung pinapanuod nila and they were laughing so much about the show, ay siya lang pala dahil nadistract na si Kent at kinukulit siya.

Hindi niya matatanggap na mawala siya sa momentum sa panunuod dahil sa kakulitan ni Kent so she told him a piece of what's in her mind just to shut him up.

"You know what Moks minsan naiisip ko na kaya ka hindi umaalis sa tabi ko hanggang sa gumaling ako eh dahil hindi ka makauwi mag-isa sa inyo noh? Wala kang back-up. So inalagaan mo ako para mapabilis ang recovery ko at makauwi ka na."

"Napakasama naman nito! Ikaw na nga 'tong inalagaan tapos ganyan pa iniisip mo. Syempre I care.. and.. I miss you nga kaya kita di iniwan. But please, umuwi na tayo.. Si mama kasi, alam mo naman kung paano mag-alala yun.. at kung paano magalit. Diba diba?"

"Oh please hindi mo sabi ako mapipilit eh. So just shut up I'm watching manuod ka nalang din."

"C'mon Tabs! Please! I'm begging you. Namimiss ko narin kasi sila Mama. And you know na ngayon lang ako di nagpaalam sa kanila.. at ngayon lang ako nalayao ng ganito katagal."

"Ewan ko sa'yong mokong ka. Eh kung tinawagan mo na kasi si tita nung araw na nakita mo ako at pinaalam sa kanya ang totoong nangyayari edi sana di yun magagalit at mag-aalala ng sobra."

Breaking the FRIENDZONE (JulQuen)Where stories live. Discover now